Ngayong araw ang kaarawan ng Triplets hindi sukat akalain ko na dumating sila lahat dito,nakakaiyak sobra.
Si Cassy at Ulysses kasama nila ang kanilang napaka guwapong Kambal,si Ann at Lance may super cute at pretty na si baby LA(Loraine Avril),si Kelly ayon panay ang simangot dahil lagi naiinis kay Lewis Kingston at medyo malaki na rin ang tiyan nito,si Bea at Jenny ,single pa rin ang dalawa.
Nandito rin ang mga kapatid ni Ann na Sina Roice at Ross.Wala talaga akong nagastos sa kaarawan ng Triplets dahil sila lahat ang gumastos dito.
Ang kukulit din ng anak ni Cassy,nakakatuwa.
Nakita ko si Kelly na ang sama talaga ang tingin sa asawa niya.
"Bakit ganyan ang mukha mo?"-natatawang tanong ko dito.
"Alam mo Jane may kabit talaga iyang si Lewis ,pag nalaman ko talaga na may babae siya,puputulin ko talaga ang malaking sandata niya"-inis na sabi nito.
Hinaplos ko ang kanyang tiyan.
"Huwag ka lagi magpaka stressed,ang laki na ng tiyan mo"-masaya ako kay Kelly,nakikita ko naman na mahal siya ni Lewis.
Pingpasa pasahan na nila ang Triplets ko.Ang hilig ni Jamie kumuha ng picture ng triplets,baka mapuno na ng litrato ng triplets sa kanyang cellphone.
Si Bea naman at Jenny ang sama ng tingin sa mga kalalakihan,lalo na kay Zack.Si Jenny galing pa daw ito sa duty kaya naka Military uniform pa ito,talagang humabol pa sa birthday ng mga anak ko.
Pumasok muna ako sa loob para ihatid ang ibang regalo na natanggap ng mga triplets,sumaglit muna ako sa kusina para kumuha ng dessert.
Babalik na sana ako sa labas nang may narinig ako sa kabilang pinto kung saan ay likuran na ng bahay parang may nag uusap.
Sumilip ako dito at nakita ko si Bea ,Zack at Jamie.
Nagtataka ako dahil tinutukan sila ni Bea ng baril.Kinabahan ako baka mabaril sila ng kaibigan ko.Pero ganyan naman lagi si Bea, umalis na lang ako at bumalik sa labas.
Bea Clare Santillan
Nandito kami sa likod bahay ni Jane kasama ko si Jamie at Zack.Maya maya lang sumunod si Jenny na galing pa ito sa trabaho niya dahil naka uniform pa ito.
"Hanggang kailan niyo itago Kay Jane ang sitwasyon ni Drey kapag mamamatay na ito?!"-galit na sabi ko dito.
" Sa-sasabihin din namin pero hindi muna sa ngayon"-nauutal na sabi ni Zack dahil baka iputok ni Bea ang baril nito.
"You f*****g bastard!pag talaga nayamot ako ,ako na mismo magdadala sa kanya sa Chicago"-inis na sabi ko dito.
Nakangisi lang si Jenny dito.
"Bro ,hinahanap kayo ni Uly--"-napatigil ang pagsasalita ni Roice nang makita niya ako.
"Aalis na pala ak-"-bago pa siya makaalis.
"Huwag ka humakbang Roice baka maputol na ang paa mo,lumapit ka dito"-utos ko sa kanya na nakanganga pa ito.
"Huh!wala naman ako ginawa ah,tatawagin ko lang si Jamie"-nag papanicked na sabi nito.humalakhak naman si Jenny.
"Kasama kana rin Roice,kayong magkakaibigan!"-sabi ko na ngayon Magkatabi na silang tatlo.
"Well,Lingid sa kaalaman ninyo,si Dr.Rivas ang Doctor ni Drey ay Daddy ko"-nakangisi na saad ni Jenny na ikinanganga ng tatlo.
"My Dad told me , there's only twenty percent na maka survive si Drey,or puwedi habang buhay na siyang comatose"-seryosong sabi ni Jenny.
"Jane have the Rights to know the truth!Hindi lang kami nakialam ni Bea dahil nirerespeto namin ang desisyon ninyo na huwag muna sabihin pero it's almost two years for god sake! asawa pa rin ni Drey si Jane kung ang mommy ni Drey ang problema , ipapasalvage ko na talaga iyon"-ani ni Jenny na galit na rin ito.
"I'll give you only one week,pag hindi dadalhin namin ang mag ina sa US."-sabi ko dito sabay alis namin ni Jenny.