Chapter 17

532 Words
Sobrang bilis ng araw at malapit na mag iisang taon ang triplets . Sa isang buwan dalawang beses pumupunta si Zack at kasama nito si Jamie na nagtataka talaga ako na panay kuha ni Jamie ng litrato sa Triplets,baka na cutan lang. "Dapat bongga ang birthday ng triplets,kami na ang bahala sa gastos, Jane"-saad ni Jamie na kalong kalong si Damien. Ngumiti lang ako dito.Nakapasa na ako sa nursing board exam kaya dalawang buwan na ako nagtatrabaho sa hospital.Si aling Ninay at Kara ang nag aalaga sa Triplets. "Maraming salamat sa inyo"-nakangiti na sabi ko dito. Tawa ng tawa si Zack dahil marunong na rin gumapang si Danrey,ang kulit nito kaysa sa dalawang kambal niya. Kamukha lahat ni Drey ang Triplets, Napabuntonghininga na lang ako.Kamusta na kaya siya?May anak na din ba sila ni Sara? Nagpaalam na rin sila Zack at Jamie dahil may pupuntahan pa daw sila. Lumipas ang araw bumisita rin sila Bea at Jenny na sobrang dami rin ang dala para sa Triplets.Sobra sobra na naitulong ng dalawang ito sa akin.Hanggang sa pagbubuntis ko at nanganak na,heto pa rin sila.May pinadala rin si Ann,kelly at Cassy para sa mga anak ko at para sa akin. Marami man akong pinagdaanan,pero heto masaya na ako dahil sa tatlong makukulit na bumubuo lagi sa buhay ko. Zack Santiago POV US, Chicago kumpleto kami lahat na magbabarkada dahil kaarawan ngayon ni Drey.Nakaupo ako sa tabi kung saan ito nakahiga at may Tubo ito nakasalpak sa bunganga nito at kung anu anong aparato na naka dikit sa katawan. "Bro,malapit na rin mag birthday ang Triplets at mag Isang taon na rin sila"-mapait akong ngumiti dito. "Si Danrey sobrang kulit,si Damien at si Dean parang ikaw lang tahimik at seryoso,sa palagay ko pinaglihi si Danrey sa mga malditang kaibigan ng misis mo"-sabay tawa ko habang umiiyak. "Sinunod ko ang sabi mo na alagaan ko sila,ako na rin nag registered ng birth certificate nila at apilyedo mo talaga nilagay ko,Bro please,wake up,naghihintay ang mga anak mo!"humagulhol na ako ng iyak at may tumapik sa balikat ko,si Lewis Kingston na lumuluha din ito. Kumpleto kami sa birthday niya ,Si Ulysses,si Lance, Roice,Ross,Ace Ivan ,Jamie at si Kingston.Kahit kailan hindi namin siya iniwan .Halos dalawang taon na siyang naka Coma dahil na diagnosed ito sa brain tumor,hindi niya sinabi kay Jane dahil natatakot siya na baka hindi siya maka survive sa operation,pero after ng operation nagkaroon ito ng severe injury or hemorrhage kaya na comatose ito. Hanggang ngayon lumalaban ito.Sa kuwarto niya,may mga picture ng triplets na kuha ito galing kay Jamie.Pinag didikit ito ni Jamie sa dingding. Lumapit dito si Roice. "Monteverde please lang gumising kana,pinagbabantaan na kami ni Bea iyong kaibigan ng misis mo,babarilin na daw kami"-malungkot na sabi nito. "Happy birthday bro!"-sabi naman ni Lance. Tumubo na rin ang buhok nito dahil kinalbo ito noong naoperahan. Hinawakan ko ang kamay ni Drey. "Your so Lucky Bro,kahit iniwan mo siya at sinaktan na akala niya sumama ka kay Sara,Ikaw pa rin ang mahal ni Jane,alam ko balang araw maintindihan ka niya kung bakit ginawa mo ito,Lumaban ka para sa kanila Drey"-nakikiusap na sabi ko dito. "Maghihintay kami kahit kailan basta lumaban ka lang Pare"-saad ni Ulysses.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD