Kabuwanan ko na kaya hindi ako masyado makagalaw.Buti na lang nandito lagi si Kara na kasa kasama ko lagi,panganay na anak ni Aling Ninay.
Labing walong taon pa lang ito at napaka inosente nito.
"Ate kumain na po kayo"-saad nito .
"Sige sabayan mo na ako"-sabi ko dito.
Pagkatapos namin kumain siya na rin nag ligpit at nagpahinga muna ako sa Sala.
May sasakyan tumigil sa harap ng bahay ko at bumaba si Zack.
"Zack"-tawag ko dito,marami itong dala dala.
Panay naman ang tingin ni Zack kay Kara.At si Kara naman nakayuko dahil likas na mahiyain ito.
Ngumiti si Zack sa akin.
"Hi"-saad nito.
"Kumain ka na ba?kakatapos lang namin kumain ni Kara"-sabi ko dito na tutulungan ko sana sa mga dala dala niya pero tumanggi ito dahil nga hindi na rin ako masyado makagalaw.
"Yeah I already have my Breakfast"-saad nito na umupo sa harap ko.
"Bilog na bilog ka"-Tumatawa na sabi nito.
"Oo,malapit na din lumabas ang mga ito"-tuwa na sabi ko sabay haplos ng tiyan ko.
"Magpahinga ka muna at alam ko pagod ka pa sa biyahe"-saad ko dito at tinawag si Kara para tulungan si Zack dalhin ang ibang gamit nito.
Parang naiilang pa si Kara kay Zack.Mabait si Zack at sobrang guwapo pa.Lahat na pangarap ng kababaihan nasa Kanya na.
Lumipas ang araw ,ayaw talaga umalis ni Zack hangga't hindi pa daw ako nakapanganak.
Maaga akong nagising dahil nakaramdam ako ng pananakit ng tiyan.
"Kara!Zack!"-sigaw ko dito.
Dali dali ang mga itong pumasok sa kuwarto ko.
"Jane!"-nag alalang tawag ni Zack.
"Manganganak na yata ako"-nanghihina na sabi ko na ikinataranta naman ni Zack.
"What!wait! pigilan mo!"-sabi nito na mas takot pa sa akin.
Natulala Tuloy kami ni Kara sa reaction niya. Inayos na ni Kara ang mga gamit ko at gamit ng triplets.
"Zack dalhin mo na ako sa hospital"-namimilipit na kasi ako sa sakit.
Natauhan ito at binuhat na niya ako papunta sa sasakyan.
PAgdating ng hospital ,inasikaso agad ako ng mga Doctor para sa C-section na gagawin sa akin .
Maya maya lang narinig ko na ang unang iyak ng baby ko,biglang tumulo ang luha ko sa saya.Sunod sunod na iyak ng baby ang narinig ko.
"Congratulations Misis,Three healthy baby boys"-saad ng doctor.
Ang bait bait pa rin ng Diyos sa akin,dahil hindi niya ako pinabayaan.
Dumating na sa buhay ko ang aking triplets na sina Dean,Denrey at Damien.
Jamie Will Vicente POV
US , CHICAGO
"Bro, gumising kana"-usal ko na nakatingin sa lalaking nakaratay na puno ng aparato sa katawan.
"Alam mo ba nanganak na siya hindi lang iisa kundi tatlo pa"-saad ko na hindi ko na mapigilan mapahagulhol.
"Kaya gumising kana kung ayaw mo si Santiago ang tatayong Tatay ng triplets mo"-hindi ko na kaya pang tingnan ito at dali dali na akong Lumabas.