Nagtext sa akin si Kelly na hindi ito makasama sa pag uwi ko ng Sorsogon.
Maaga daw kami aalis ,kaya maaga pa lang gumayak na ako.Maya maya lang dumating sila Bea at Jenny.After Five minutes dumating din si Zack.
Sa isang Van na kami sumakay.Si Zack ang driver namin at katabi ko ito sa front sit.Nag salitan sa pag drive si Zack at Bea.
"Kain muna tayo guys,gutom na ako"-reklamo ni Jenny.
Naghanap si Zack ng Isang Restaurant.Bumaba na kami at pumasok sa loob.
Ang daming inorder ni Zack at Kailangan pa namin maghintay ng ten minutes,nagpaalam muna ako sa kanila na pupunta ng comfort room.
Zack POV
Nagpaalam muna si Jane na pupunta sa Cr.Tama nga si Ulysses nakakatakot talaga itong dalawang babae.
"Zack Santiago"-nakangisi na saad ni Bea.
"Bakit ninyo tinago kay Jane ang sitwasyon ni Drey Monteverde?"-galit na sabi nito na ikinabigla ko.
"Anong ibig mo sabahin?"-kinakabahang tanong ko dito.
Nakangisi lang silang dalawa.
Hanggang bumalik na si jane sa mesa namin.
Pagbalik ko sa table namin sobrang tahimik nila.
Dumating na ang pagkain namin,natatakam ako sa inihaw na pusit.Napadami talaga ng kain ko.
Pagkatapos namin kumain nagpahinga lang kami saglit at tumuloy ulit sa pag biyahe.
Sa wakas sa haba habang oras nakarating din kami.
"Salamat po aling Ninay sa pagbabantay ng bahay po namin"-saad ko dito sa kapit bahay namin na siya ang nagbabantay sa bahay namin.
Hindi naman masyado malaki ang bahay namin,may tatlong kuwarto ito.Pinagamit ko ang isa kay Zack at ang master bedroom pinagamit ko kay Bea at Jenny. Habang namamahinga ang tatlo napag isipan ko muna na mamalengke dahil malapit lang dito ang grocery store.
Mahigit isang oras din ako bago nakauwi.Inayos ko ang mga pinamili ko at nilagay sa ref.
Mabilis ako nagluto at naghain na at tamang tama lumabas na ang mga ito.
"Sa madaling araw sasabay na kami kay Zack ,jane,mag ingat ka dito at bibisitahin ka na lang namin"-saad ni Bea.
"Iyong chopper mo na lang Bea gamitin natin sa sunod na punta natin dito talaga namang bugbog ang puwet ko sa biyahe"-nakasimangot na sabi ni Jenny na tumawa ako dito.
"Maraming salamat sa inyo"-taos pusong pagsasalamat ko dito.
Bandang alas dos ng madaling araw umalis na ang tatlo.
Kinuha ko muna ang anak ni aling Ninay bilang kasama ko sa loob ng bahay.Napaka gandang bata ito.
Lumipas ang buwan ,walong buwan na ang tiyan ko.Nitong nakaraang Linggo bumisita sila Bea at Jenny at naikwento sa akin ni Bea na ikinasal na si Ann at Si Kelly naman ikinasal daw kay Lewis Kingston na ikinagulat ko naman.Naikwento din nito na nanganak na si Cassy at kambal ito.
Malapit na rin ako manganak at sabi ng doctor ko, Kailangan CS daw ako at next month uuwi dito si Zack,gusto niya na nandidito siya pag nanganak na ako.