Chapter 12

538 Words
Nagpasalamat ako kay Zack dahil hindi niya ako pinabayaan.Napag usapan namin na pagkatapos ng graduation ako uuwi sa probinsya. Inaayos ko na ang aking mga gamit para hindi na ako mahirapan mag impake kung sakali.May check up pala akon ngayong araw kay Doc Garret,gagayak na rin ako para maaga ako makarating dahil pilahan lagi ang check up. Maya maya may narinig akong katok.Baka si Zack lagi naman nandito sa apartment ko,noong nakaraan buwan siya nagbayad nito.Hindi naman masyado malaki ang pera na iniwan ni mama sa akin kaya sobrang nagtitipid talaga ako. Pagbukas ko ng pinto,hindi si Zack kundi si Bea at may kasamang Napakaganda at seksi na babae. "Bea?"-usal ko kaagad dito. "Nagtatago ka ba sa amin Jane?"-sabi nito sabay tingin sa maumbok kong tiyan. Yumuko lang ako dito,pinapasok ko muna sila at pinaghanda ng meryenda. "Jane,si Jenny pala katrabaho ko"-pinakilala kami sa isa't isa ni Bea. "Hi,Jane your so pretty naman and I like your chinita eyes"-malambing sabi nito. Napanganga lang talaga ako kung nagkataon na tomboy ako baka nga crush ko na ito dahil sobrang ganda talaga niya. "Hello Jenny, sobrang ganda mo"-nahihiyang tugon ko dito. "Hindi mo sinabi na buntis ka pala"-saad agad ni Bea. Malungkot akong tumango dito. Sinabi ko rin kay Bea at Jenny na walang Tatay ang magiging anak ko.Nagpasalamat din ako dahil nirerispeto nila ako na hindi nagtanong about sa tatay ng baby's ko. "Aalis rin ako Maya maya may check up ako"-sabi ko "Sige samahan ka muna namin bago kami uuwi"-agad na sabi ni Bea. Tumanggi na ako pero ayaw magpaawat ng dalawa. Nang dumating kami sa hospital pinagtitinginan talaga kami ng mga tao dahil nga sobrang seksi ni Jenny at si Bea naman nakapantalon at T-shirt lang ito. "Walang hiya ka talaga Jenny kahit saan tayo pumunta agaw atensyon ka"-saad dito ni Bea na may kasamang irap pa pero tumatawa lang si Jenny dito. Tamang tama wala pa masyadong pasyente si Doc Garret kaya ako ang kasunod ng isang buntis . Tinawag na ako ni Doc,pumasok ako at sumunod na rin ang dalawa. "Hi Jane"-nakangiti na saad ni Doc. "Hello Doc,Doc mga kaibigan ko pala sila ang kasama ko magpacheck up"-nakangiti na sabi ko dito. Sobrang nagulat talaga ako dahil bigla lang ito hinalikan ni Jenny si Doc sa labi. "Nice to meet you handsome"-sabi ni Jenny na kinindatan pa ito si Doc Garret na nakatulala pa ito. Bigla naman humalakhak si Bea. Nahihiya tuloy ako,may pag ka kelly din itong si Jenny. "Ahm,ah-"-saad ni Doc na nabubulol ito at hindi alam ang sasabihin. "Okay lang po kayo Doc?"-tanong ko dito. "Yeah yeah, I'm okay.."-napapailing na sagot ni Doc Garret. Binigyan lang ako ng Vaccine ni Doc at chineck ang heartbeat ng baby's ko. "Everything is okay Jane, don't worry they are healthy naman"-nakangiti na saad ni Doc. "Oh lala..you mean kambal sila"-gulat na sabi ni Jenny. "Triplets sila"-saad ko naman na ikinagulat ni Bea at Jenny. Ayun na nga hindi pa nga nalabas ninang na agad sila . "Doc,puwedi bang mag paluwag sa iyo?"-nang aakit na boses ni Jenny na ikinalaglag ng panga ni Doc Garret. Napuno naman ng halakhak ni Bea ang kuwarto, napangibit lang ako sa reaction ni Doc Garret dahil sa sinabi ni Jenny.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD