Na stressed talaga si Doc Garret kay Jenny.Dahil bago kami umuwi bumanat na naman ito akalain mo ba naman hinimas muna ito ang nakabukol sa loob ng pantalon ni Doc,ayon si Bea kanda samid na sa kakatawa at ako naman panay hingi ng pasensiya.
Pagkatapos ako ihatid sa bahay nagpaalam na ang dalawa dahil may trabaho pa daw sila.
Kinabukasan maaga akong pumunta sa paaralan dahil may pictorial kami.Nakita ko si kelly na panay lingon nito at parang may tinataguan.
"Kelly"-sigaw ko dito.
"Jane,tang ina naman tinutugis ako ni Kingston"-sabi nito na hinila ako papuntang tambayan namin.
Oo nga pala nasa News na rin si Kelly dahil sa ginawang iskandalo sa kasal ni Lewis Kingston na apo ng isang Bise Presidente ng Pilipinas.Kilala ko ito dahil sikat ito sa mga Men's Magazine at kilalang Business Tycon.
"Bakit kasi ginawa mo iyon"-sermon ko.
"Hindi ko talaga alam,mag dadasal sana ako,hindi ko naman akalain na totoo na kasal iyon,alam mo naman minsan may mga artistang nag shoshooting sinubukan ko lang kong magaling ako mag acting"-nakangibit na saad nito na tumawa naman ako.
Nagpaalam na ito na pupunta daw sa office at may babayaran.
Ako naman dumiretso na sa pictorial room para sa Graduation picture namin.
Pagkatapos ng pictorial nakatanggap ako ng text mula kay Zack na susunduin daw niya ako.
Hinintay ko na Lang siya sa labas ng gate.Nakita ko na ang kanyang kotse, sobrang guwapo ni Zack iyong tipong napapalingon talaga ang mga kababaihan.
"Let's go"-nakangiti na sabi nito
Ngumiti lang ako dito.Inalalayan niya ako sumakay.
"How's your day?-he ask.
"Ito okay naman"-nakangiti na sagot ko dito.
"Sa isang linggo na ang graduation mo ,so sa next Sunday hatid na kita sa Sorsogon"-saad nito.
"Thank you Zack"-
"Anything you want just tell me"-saad nito , sobrang bait talaga niya.
Bago kami umuwi sa apartment ko ,kumain muna kami sa isang Restaurant.Nakita namin ang isang kaibigan ni Zack na si Jamie Vicente daw na pakilala niya sa akin.Nag paalam si Zack na pupunta ito sa comfort room.
Dahil napapa ihi rin ako,sinabihan ko muna ang waiter kung sakaling maunang bumalik ang kasama ko na sabihan na lang na nasa comfort room ako.
Paliko na sana ako parang narinig ko ang boses ni Jamie.
"Know your Limitations Santiago,Asawa pa rin siya ni Monteverde"-sabi ni Jamie na parang galit ito.
"That's not enough reason para iwanan ang mag-ina niya"-sabi ni Zack na galit din ito.
"So iyan ba reason mo para ilayo siya?f**k you!you know the reason why he left!"-sigaw ni Jamie.
"Si Jane ang gustong umalis"-tipid na sagot ni Zack.
"Sana nga Santiago,kung sakaling bumalik si Monteverde huwag mo itago ang mag-ina niya dahil malaking gulo pag nagkataon "-sabay alis ni Jamie.
Nalilito akong bumalik sa table namin.
Hanggang hinatid na ako ni Zack hindi mawala sa isip ko ang kanilang pinag aawayan.
Huwag ko muna iisipin iyon marami pa ako dapat ayusin at paghandaan pag uwi ko ng probinsya.
Nagsabi rin si Bea at Jenny na sasama sila na ihatid ako,at kasama rin si Zack.
Panibagong pagsubok ng buhay na haharapin ko kasama ang aking mga Baby's na sabik na rin ako na makita sila.