9

1665 Words
"I've already sent the invitations to our friends." Aniya Rosella habang nagsasalin ng gatas sa tasa. Binigyan niya ko ng wheat bread. "Good to know. Hindi naman iyan matutuloy." Sabi ko saka ngumiti. Nagkasukatan kami ng tingin. "You have the gut to say that! Bawiin mo 'yon!" Nangalit ang mga mata niya. Nitong mga nakaraang araw ay tikom ang bibig ko sa bagay na iyon. Pero ngayon malakas na ang loob ko, si Kaoree ang pipiliin ko. Buo na ang desisyon ko. "Rosella, pinilit ko naman pero—" "Pero ano T.H! Palagi na lang pero!" "Pipiliin ko si Kaoree, alam mo naman yun noon pa." Maliwanag kong sambit. Nagring ang cellphone ko at sinagot ko iyon dahil lumitaw ang pangalan ni Kaoree. Gustong-gusto kong marinig ang boses niya. Nangungulila ako sa yakap, halik at sa iba pang bagay na mayroon siya. "Sige. Subukan mo nang magkaalaman!" Banta ni Rosella. "Anong dapat kong malaman?" Baritono ang boses nito. Nanlaki ang mga mata namin ni Rosella. Lumuwag ang hawak niya sa tasa nang makita si Papa na nakatayo palapit sa aming dalawa. Nagkatitigan kaming dalawa ni Rosella. "Actually, we have a little bit of misunderstanding." Mahinang sagot niya habang nakatingin kay Papa. Lumapit ang isa sa mga alalay ni Papa at may binulong. Sinamantala ko ang pagkakataong iyon. Nandito pa rin si Kaoree sa linya kaya sinagot ko, "Mahal na mahal kita, Kaoree." Binaba ko ang tawag ng hindi nagpapaalam. Sinabi ko kay Kaoree na magtatanan kaming dalawa. Nagbigay ako ng detalye kung anong oras at kung saan kami magkikita. Desidido na ako. Nagdala ako ng malaking bag at dinala ang mga importante kong gamit. Nagpaalam ako sa isa sa mga maid niya na pupuntahan ko lang ang mga kaibigan ko. Pumunta ko roon, nakaupo si Wyn habang nagbabasa ng libro. Abala yata siya sa ginagawa niyang pagrereview. Pumunta ko sa kwarto at nilagay sa bagahe ang mga damit ko. Dahan-dahan akong bumaba. Nandon pa rin si Wyn sa kinauupuan niya. "Saan ka pupunta, T.H.?" Imbis na sagutin ay dumiretso lang ako sa paglalakad. Tumayo siya saka hinawakan ang braso ko. "Hindi mo ba alam ang pwedeng gawin ng pamilya mo sa lola ni Kaoree? Hindi lang ng pamilya mo, kung hindi nang pamilya ni Rosella." Inalis ko ang hawak niya sa braso ko. Nagtagis ang mga ngipin ko. "Kakayanin namin to' Wyn. Huwag kang mangialam sa desisyon ko. Bilang kaibigan sana respetuhin mo yon." "Kaibigan? Bilang kaibigan din ni Kaoree, gusto kong malaman kaya mong sikmurain na pahirapan ng pamilya mo ang pamilya niya para lang sa pagmamahalan niyong dalawa?" "Wyn, pasensya na." Tinapik ko siya sa braso. Alam kong naghihintay sa akin si Kaoree. Alam kong nandoon siya, kahit anong mangyari kakayanin naming dalawa. May maliit akong ipon para pansimula. Lalayo kami kung saan hindi kami kilala at doon mamumuhay ng payapa. Nang malapit na ko at natatanaw ko na ang palaruan ay may kotse na tumigil sa harapan ko. Alam ko kung kanino iyon. Bumaba ang babaeng nakabestidang bulaklakan. "Akala mo ba ay hindi ko alam ang gagawin mo." Nagtagis ang mga ngipin ni Rosella. "T.H hindi ako tanga. May nagmamanman sayo. Akala mo hindi ko alam na makikipagtanan ka?" Lumapit ang labi niya sa tenga ko. "Gawin mo ang gusto mo T.H kung ayaw mong pabagsakin ko si Kaoree kasama nang pamilya niya." Natinag ako sa sinabi niya. Nilagay niya ang daliri niya sa mga balikat ko at tila naglalaro ang mga iyon. "Saka hindi ba, sayang naman ang paghihirap ng Mama mo. Asang-asa siya sayo. Bibiguin mo rin ba ang tatay mo para lang sa isang hampaslupang babae?" Huminga ako ng malalim. "Hindi hampaslupa si Kaoree." "Wala akong pakialam! Kailangan mong lumaban T.H. Hindi ba't matagal mo nang gusto ang atensyon ng mga magulang mo? Bakit kung kailan abot-kamay mo na saka ka ganyan?" Hindi ako nagsalita. Inalis ko ang daliri niya sa balikat ko. Lumakad ako palayo sa kanya para ipagpatuloy ang binabalak ko. "Sige, isang hakbang mo pa T.H tiyak kong mawawalan ng bahay at lupa ang lola ni Kaoree. Gusto mo ba 'yun?" Ngumisi siya. Humarap ako. "Ano pa bang gusto mo Rosella? Huwag mong idamay ang pamilya ni Kaoree!" "Maging masunurin ka nang hindi ko sila idamay. Para rin naman sayo ito." Lumipas ang mga araw, masakit ang nangyari kanina. Alam kong dismayado si Kaoree sa sinabi ko kay Mama pero balang araw alam kong maiintindihan niya ko. Ang desisyon kong ito ay hindi pangmatagalan. Alam kong gagawa ang tadhana ng paraan para malampasan ko ito. Hindi ko gustong sabihin sa harap ng mga magulang ko na girlfriend siya ni Latrelle at kaibigan ko lang siya. Nakatulog na lang ako sa kakaisip sa bagay na iyon. Masyadong masakit at mabigat kaya kailangan ko ng magpahinga. Sunod-sunod ang pag-inom ko ng wine matapos ng pangyayari kagabi. Nakatulugan ko na rin ang pag-inom dahil sa sakit ng nararamdaman ko. Muli ko na namamg naramdaman ang sakit ng sinabi ko kanina. Hindi ko intensyon na sabihin iyon. Pero 'yun ang nararapat. Lumapit sa akin ang isang babaeng nakabestidang kulay rosas. Kitang-kita ang balat niyang para bang kahit kailan ay hindi naarawan. Inayos niya ang kanyang takas na buhok at nilagay iyon sa kanyang tenga na tila ba nang aakit. Hinaplos niya ang aking braso papunta sa aking hita. "Maaga ka yatang gumising ngayong umaga." "Rosella." Awat ko sa kanya. Lumayo siya ng bahagya saka ngumiti ng makahulugan. Umupo siya sa katabi ko. Pinagmamasdan niya ang mga magandang kalangitan sa labas ng bintana. "Tita is proud of you. Hindi ba't iyon naman ang gusto mo? Matagal na." Hinawakan niya ang aking baba saka ngumiti ang mapulang niyang labi dahil sa makapal niyang pulang lipstick. Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang wine glass. Wala pa rin mas papait sa nararamdaman ko ngayon. Halos lumabas ang ugat sa aking kamay dahil sa gigil kong paghawak sa baso. Nagring ang cellphone ko na nakapatong sa mesa pero hindi ko iyon pinansin. Kinuha iyon ni Rosella at winagayway. "Hindi mo ba sasagutin ang tawag?" Umiling ako kaya naman binalik niya iyon sa mesa.Tumayo siya at tinawag ang isa sa serbidor ng aming bahay. Mabilis lang ang pag-uusap nila kaya naman bumalik ang atensyon ni Rosella sa akin. "Nagpaluto ako ng breakfast for us. Hindi okay ang wine sa umaga." Kahit ilang beses siyang magpaluto para sa akin o siya pa mismo ang magluto. Walang papantay kay Kaoree. Mahal na mahal ko siya. Sa tagiliran ng mga mata ko ay kita ko ang pagbaba Thylene. Binaba ko ang wine glass na aking hawak. Nang tuluyan siyang lumapit sa aming pwesto ay pinagmasdan niya si Rosella mula ulo hanggang paa. "Congratulations on your victory. I mean to your soonest Wedding Mr. and Mrs. Manzriel." Kumuha siya ng sariling wine glass. "Cheers ulit!" Ngumiti siya saka ininom ang wine na nilagay niya roon. Tumayo si Rosella. Nakapamewang siya sa harapan ni Thylene. Nagtitigan silang dalawa at ramdam ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Hinawakan ko ang braso ni Rosella. "Feeling matapang ka na? As far as I know, ikaw 'yung nang agaw ng eksena." Pinilantik niya ang mahaba at itim niyang buhok. Mas lalong nag-apoy ang mata ni Rosella at nanginig ang mga kamay nito. "Don't you even dare to say that to me. Masyado kang pabida." Aniya Rosella ng mas lalong siyang lumapit dito. Muling nagring ang phone ko. Kung hindi si Kaoree ang tatawag. Hindi ko iyon sasagutin. Tinitigan ko iyon ng ilang minuto bago mamatay at wala pang limang segundo ay umilaw ulit iyon. Bago pa man ako makapagsalita na huwag galawin ni Thylene ay sinagot niya ang tawag. Kumunot ang noo niya matapos na isalpak iyon sa kanyang tenga. "If you love her. Piliin mo siya." Sabi ni Thylene. Kumunot ang noo ko. "Paalis na si Kaoree sabi ni Wyn. Hahayaan mo na lang ba 'yun?" Dugtong niya. Agad kong kinuha ang susi sa kwarto ko. Walang pagdadalawang-isip akong bumalik sa bahay kung saan nando'n si Kaoree. Patuloy ang pagbusina ko sa mga sasakyan na humarang sa akin daan. Habang nagmamaneho ay sinubukan kong tawagan siya pero cannot be reach. Sinapo ko ang aking noo dahil sa ginawa ko sa kanya. Nasaktan ko na siya ng sobra kaya siguro ito ang huli niyang desisyon. Sumikip ang dibdib ko at para bang tinusok ang puso ko ng paulit-ulit. Hindi pwede ito. Kailangan kong masabi sa kanya ang totoo. Kung bakit kailangan kong gawin ang mga ginawa ko noon. Hindi ko na nagawang magpark sa garahe dahil dumiretso agad ako ng loob ng bahay. Halos lumuwa ang mga mata nila ng makita ako. "Nasaan si Kaoree!" Paghawak ko sa kwelyo ni Wyn. "Wala na siya, T.H." Mahina nitong sambit. "Bakit hindi mo ko sinabihan agad! Tangina! Ano to'? Bakit ganito!" Ginulo ko ang sarili kong buhok. Namuo ang luha sa tagiliran ng mga mata ko. Sinubukan akong aluhin ni Jez pero tinulak ko siya. Lumapit sa akin si Latrelle. Nag-aalab ang mga mata niya. "Dapat hindi mo na sinabi sa kanya, Wyn." Umangat ang tingin ko kay Latrelle. Nagtagis ang panga ko. Tila tumaas ang dugo ko dahil sa sinabi nito at sa tono niya. "Umalis si Kaoree dahil sa'yo!" Dinuro niya ang dibdib ko at kinuwelyuhan. "Alam mo ba ang sabi niya? Huwag mo na siyang guluhin kahit KAILAN." Tinulak ko siya at malakas siyang sinuntok. Pumagitna ang tatlo, sa aming dalawa. Nakahawak si Wyn sa magkabilang braso habang si Marcus ay gano'n din ang ginawa kay Latrelle. Si Jez ay pinakakalma si Latrelle pero hindi nito magawa. "Umalis ka na sa buhay niya T.H kagaya ng pag-alis niya sa buhay mo. Pagbigyan mong sumaya si Kaoree ng wala ka." Aniya Latrelle matapos na tignan ang kaunting dugo ng kanyang labi. Kumirot ang puso ko sa sinabi niya para bang hindi ako makahinga. Ayokong maniwala dahil alam ko at ramdam ko mahal ako ni Kaoree. Naniniwala ako nakatadhana kami noon pa man lalo na nang ilang beses ko siyang nakasama ng hindi inaasahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD