Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto ko siyang ingatan pero inuusig ako ng sarili kong nararamdaman. Huminga ako ng malalim.
Sa tuwing sumasagi sa isip ko na gusto kong ipaglaban siya pero kasunod nito ang boses ng mga magulang ko lalo ng aking ina.
Bumangon ako at pinagmasdan sandali ang dagat. Banayad ang alon nito. Sana gano'n din ang pakiramdam ko ngayon pero hindi.
Lumabas ako ng kwarto matapos magluto at hindi sinilip si Rosella sa sarili niyang silid. Bahala na kung mabuking niya ko. Ang gusto ko lang ay makita si Kaoree. Gusto ko siyang mayakap at humingi ng tawad.
Sinubukan kong tawagan si Jez pero mukhang masama pa rin ang loob niya. Huminga ako ng malalim saka nag-dial.
Tinawagan ko si Marcus at siya ang nagsabi sa akin nang address kung saan sila naroroonan. Nadatnan ko si Kaoree—siya ang bumungad sa gate.
Sandali kami nagkausap matapos kong ibigay ang pagkain. Nagsinungaling ako na galing kay Wyn ang bagay na galing sa akin.
Nagtanong siya kung kailan naging kami ni Rosella hindi ako nagulat. Inaasahan kong magtatanong siya sa bagay na ito. Sobrang bigat sa dibdib gusto kong itanggi. Dahil simula pa noon, siya lang ang gusto kong makasama.
Lumipas ang araw, nagkasama ulit kami ng mga kaibigan ko kasama si Kaoree. Hindi ko mapigilan na hindi siya titigan sa malayo lalo na nang natapilok siya at si Wyn mismo ang tumulong sa kanya.
Nakita kong tumingin si Kaoree sa akin. Alam kong nagpapahiwatig siya na sana ay ako na lang iyon. Pinili kong umiwas para hindi niya malaman na nasasaktan ako.
Nang namingwit kami ng isda ay nanlaki sandali ang mga mata ko. Hinalikan ni Rosella ang pisngi ko.
Narinig ko ang biro ni Latrelle kay Kaoree na sana siya rin ay may halik dahil nakakuha siya ng isda. Ayoko man ipaubaya si Kaoree sa iba. Pero sa ngayon kung hindi ko pa kaya ay titiisin ko muna.
Parusa ko ito para sa sarili ko, ang masaktan habang may kasama siyang iba dahil duwag ako. Hindi kagaya ni Jez na kayang tumayo sa sariling mga paa at kayang ipagtanggol ang sarili sa pamilya.
Hindi kagaya ni Latrelle na malayang nakapagsasabi ng totoong nararamdaman ng walang pag a-alinlangan.
"T.H. Hindi mo ba talaga maiiwasan na hindi siya tignan kahit ngayong araw lang?" Tanong ni Rosella habang inaayos ang kanyang saklob.
"Hindi. Kaya huwag mo ng tanungin ako ulit tungkol dyan sinasaktan mo lang ang sarili mo." Iniwan ko siya roon habang bitbit ang mga isdang nahuli ko.
Naabutan niya ko sa kumapit sa aking braso. "Okay lang. Masaktan man ako, nasa akin ka man. Saka isa pa, mas nasasaktan siya."
Ngumiti si Rosella na para bang walang bukas. Habang ako ay may kung anong naramdaman sa dibdib ko. Para bang tinutusok iyon ng dahan-dahan.
Dalawang-oras ay hindi pa rin tapos si Rosella sa pakikipag-usap sa mga kaibigan niya. Wala siya sa camp site kaya sinamantala ko ang pagkakataon. Nakaupo ako sa batuhan pinagmamasdan si Kaoree.
Mabuti naman kahit na malayo ako ay alam kong maraming nagpapasaya sa kanya. Nagkukulitan sila ni Latrelle.Alam kong masakit pero ito ang mas makakabuti sa kanya.
"T.H." Tumingala ako. Si Marcus iyon na basang-basa ang damit. Umupo siya sa tabi ko.
"Mahal mo ba talaga si Kaoree?" Ngumisi ako sa tanong niya. Huwag niyang sabihin sa akin na pati siya ay may gusto kay Kaoree.
Kapag malaman ko lang na mayroon ay baka iuwi ko na lang ng tuluyan si Kaoree.
Bumaling ang katawan ko sa kanya at hinayaan sina Latrelle saka si Kaoree sa pag u-usap nila tungkol sa isang schoolmate namin.
"Hindi ko gusto ang ngiti mo. Para ko nang Ate si Kaoree kaya mali ka." Pagtatama niya sa iniisip ko.
"May gusto lang akong sabihin." Huminga siya ng malalim.
"Kung hindi ka sigurado sa kanya. Pwede bang ipaubaya mo na lang siya kay Latrelle?" Gusto kong matawa pero pinili kong pagmasdan siya ng seryoso saka tumayo.
Sa dami ng lalaki sa mundo at makikiusap na lang siya ay para kay Latrelle pa. Talagang may tiwala siya kay Latrelle na hindi niya gagawin kay Kaoree ang pagiging multo nito pagdating sa dating.
Tumayo rin siya saka ginaya ang ginawa ko. Nilagay niya ang parehas niyang kamay sa bulsa ng sarili niyang shorts.
"Bakit hindi kay Wyn?" Kung meron man dapat makatuluyan dito ni Kaoree ay si Wyn. Kung hindi man ako nag e-exist sa mundong ito.
Ang isang malambot na puso at mabait na lalaki na nasa kanya na ang lahat—iyon ay si Wyn.
Alam ko kung bakit nagustuhan ni Wyn si Kaoree. May tao siyang minahal noon na halos kapareho ng ugali ni Kaoree. Pero binaon na namin ang babae sa limot pati na ang nangyari noon.
Hindi ko alam ang detalye. Pero alam kong ayaw ipaalala ng pamilya ni Wyn ang nangyari noon.
"Kaya ni Wyn ang sarili niya saka hindi pa siya handa sa relasyon kumpara kay Latrelle. Ayoko na rin makitang nasasaktan si Kaoree. Kaya pwede ba T.H? Ibigay mo na lang siya."
Lumunok ako. "Hindi bagay si Kaoree kay Latrelle, Marcus. Hindi ka ba natatakot sa pwedeng gawin ni Latrelle?" Sabi ko.
"Hindi ako matatakot. Mas nakakatakot pa ang ginawa mo kay Kaoree."
"Hindi mo ko maiintindihan sa ngayon, Marcus. Pero alam ko darating 'yung araw na maiintindihan niyo akong lahat." Umuna akong naglakad at iniwan siyang nakatayo roon.
Hindi ko na kailangang ipaliwanag ang sarili ko. Basta sisiguraduhin kong hahanga sila sa tibay ng loob ko. Hindi iyon ngayon pero darating din 'yun.
Kinahapunan ay hindi ko natiis. Kinausap ko si Kaoree. Nanakawin ko lang muna ang sandali ito para maging sa aming dalawa.
Hindi ko inintindi kung hahanapin ba ko ni Rosella basta ang mahalaga ay makasama ko siya kahit sandali lang.
Nang tulog na ang lahat ay nakipagkita ako sa kanya. Magkatabi kami sa ilalim ng buwan at dahan-dahan ko siyang hinalikan. Narinig ko ang boses ni Latrelle na hinahanap siya.
Hindi ko rin malilimutan ang gabi na magkatabi kami. Hindi ako yumakap sa pagtulog dahil wala pang kami. Alam ko ang limitasyon ko sa mga bagay. Kaya pinagmasdan ko lamang siya hanggang sa makatulog ako ng gabing iyon.
Kinaumagahan naisip kong i-date siya kaya iyon ang ginawa ko. Matapos ang bonding namin na magkakaibigan ay niyaya ko siya.
Kasama man si Latrelle ay ayos lang. Alam ko naman na una palang ako na ang panalo sa larong ito.
"Saan ka galing?" Aniya Rosella nang bumungad siya sa pinto.
"May inaasikaso lang." Pagsisinungaling ko.
"Inasikaso? O si Kaoree na naman ba? Tita's here nasa visitor's room." Umuna ako kay Rosella maglakad ng malaman kong nandito si Mama. Matagal na rin kaming hindi nagkikita.
Tamang-tama at may binili akong perlas na kwintas para sa kanya. Mahilig siya sa mga ganitong bagay kaya alam kong magugustuhan niya ito.
Kinuha ko iyon sa aking kwarto bago ko siya puntahan. Nakangiti ako nang buksan ko ang pinto.
Yayakapin ko sana siya pero imbis na tanggapin niya iyon ay umiwas siya. Isang envelope sa mesa ang nilabas niya at kusang lumabas ang mga picture kasama si Kaoree.
Agad kong kinuha iyon isa-isa at binalik sa envelope. Hindi man kita ang mukha ni Kaoree pero malinaw na siya iyon. Tumayo si Mama.
"Stupid!" Ramdam ko ang bigat ng kamay niya sa pisngi ko. Para bang namanhid panandalian ang mukha ko.
"What are you doing! Matapos ng paghihirap ko ganito lang ang isusukli mo! How dare you!" Pumikit ako sa pangalawa niyang pagsampal. Pinigilan ko ang luha ko.
Malinaw sa akin na hindi pa rin nagbabago ang magulang ko. Mas mahalaga pa rin sa kanya ang yaman na mamanahin ko.
Ilang ulit niya pa akong sinampal hanggang sa mapagod siya. Nagsalin siya ng tubig sa baso na nakalagay sa mesa. Lipas na ang lamig nito dahil sa kanina pang nandoon iyon.
"Get out, Thaddeus bago pa kita mapatay. Kailangan mong mag-isip ng matino. Bibigyan kita ng ilang araw. Pag-isipan mo ang mga bagay na pwedeng mawala sayo kapag pinairal mo ang sarili mong kagustuhan." Aniya ni mama saka ako lumabas ng hindi nabibigay ang kwintas na para sa kanya.
Tumulo ang luha ko matapos lumabas ng silid. Nakatungo habang naglalakad ng walang nararamdaman.
Umaasa ako na isang araw magbabago ang nanay ko. Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa.
Ilang araw akong nagkulong sa kwarto nang walang ibang kinakausap. Kahit si Kaoree ay hindi ko magawang kausapin.
Hanggang sa gumising na lang ako nang may pag-asa. Alam kong mali pero kailangan ko ng tulong nila. Ito na lang ang huli kong magagawa at kaya kong gawin.
Mapapatawad din nila ako kasabay nito ang pagbabago ni Mama. Mapapatawad nila ako sa pagpili kay Kaoree dahil sa ilang araw kong pag i-isip napagpasyahan kong magtanan kaming dalawa.