"Coffee?" Alok sa akin ni Rosella. Tumango lang ako habang pinagmamasdan ang nagtataasang building ng syudad.
Postponed ang kahit anong importanteng events dahil sa malubhang sakit ng lolo niya. Ayaw ni Rosella ng kahit na anong ganap kaya kahit mismong birthday niya ay hindi niya pinaghandaan.
"Everything will be fine." Sabi nito nang tapikin niya ang balikat ko saka tumabi sa akin.Kahit mas mabigat ang problema niya ay nagagawa niya pa rin akong damayan.
Ilan taon na ang nakalipas mula ng engagement naming dalawa pero hindi pa rin ako pinapansin ng mga kaibigan ko.
"Kumusta ang lagay ng lolo mo?" Tanong ko.
Kahit hindi ko man madalas na makasama ang lolo niya ay malapit ako sa kanya. Napakabait ng lolo nito kaya wala akong masabi.
Kung may bagay man ako na hihilingin, bukod sa maging maayos ang sitwasyon ko ngayon. Makilala ko manlang lolo at lola ko both sides. Kaso malabong mangyari iyon.
Ang mga mga magulang ni Mama ay matagal ng walang koneksyon sa kanya at ayaw niyang hanapin ang mga ito. Ang mga magulang naman ni Papa ay matagal ng lumisan dahil sa sakit.
"He's okay na. Bukas ay lalabas na siya ng ospital. Pwede na tayong mag-reunion ng family after two months. Gusto niyang totally recovered na siya bago ganapin iyon." Paliwanag niya.
"Gusto mo bang bumili ng bagong bags?" Mahilig sa mga bag si Rosella kaya alam kong iyon ang kasiyahan niya. Sa tuwing malungkot siya ay binibili ko siya ng mga iyon kahit bracelet.
Unti-unti ko munang tinanggap ang kapalaran ko. Gumaan ang pakiramdam ng mga magulang ko matapos kong pumayag sa kasunduan. Kasabay naman nito ang lalong pag-gaspang ng ugali ni Thylene.
Tanggapin ko man ang sitwasyon ko, mahal ko pa rin si Kaoree. Sariwa pa rin ang nangyari noon. Patuloy ko pa rin siyang hinahanap hanggang ngayon pero wala akong balita sa kanya.
"It sounds good pero I'm not in the mood para kasing nasa isip mo na naman siya." Nagkatitigan kami. Mapait lang siyang ngumiti.
"Tanggap ko na. Don't worry hindi mo rin naman siya mahanap 'di ba kaya akin ka na talaga. Anyway, I have to go on a business trip this week kaya ikaw lang ang maiiwan dito sa bahay."
"I will help you to pack your things." Agaran akong tumayo.
"You don't have to. Play na. Pagdating ko kanina ay inayos ko na 'yon."
Kinagabihan ay hinatid ko siya sa airport. Kasama niya ang ilan niyang kaibigan. Niyaya nila ako pero hindi ako sumama.
May family dinner kami ngayong gabi. Iimbitahan ko sana si Rosella pero nauna niya ng sinabi na hindi siya pwede.
Dumating ako sa mansyon na may dalang bulaklak. Hinalikan ko si Mama sa pisngi at nag-mano ako kay Papa. Habang naghahain ng mga pagkain ang kasambahay namin ay napansin kong bakante ang upuan ni Thylene.
Naghila ako nang sa akin na katapat sa upuan ni Mama. "Thylene is currently in Cebu." Sagot ni Mama ng napansin niyang nakapako ang tingin ko sa upuan nito.
Nagkataon pang sabay sila ni Rosella. Huwag sanang magpang-abot ang dalawa sa airport. Nang nagsimula kaming kumain ay nagtanong sila tungkol sa lagay ng lolo ni Rosella.
Pinaliwanag ko rin sa kanila kung kailan ang bagong date ng kasal namin ni Rosella. Dismayado man si Mama dahil isang taon ang plano ng engrandeng kasal. Pero naiintindihan niya naman iyon.
Malawak ang ngiti niya matapos ang pag-cheers naming tatlo. Nag-imbita sila ng ilan pang mga kaibigan sa munti naming salu-salo.
Paulit-ulit ang mga tanong nila tungkol sa kasal. Humiling pa ang Papa nasa ay pagkatapos ng ganap na iyon ay magkaapo na siya agad. Tumawa lang ako kahit hindi ko alam kung mapagbibigyan ko sila sa bagay na iyon.
Iyon din ang binanggit ni Rosella sa akin, gusto ng kanyang pamilya lalo na nang kanyang lolo na magkaroon ng apo sa tuhod.
Nag-vibrate ang cellphone ko sa kalagitnaan ng kwentuhan.
Wanwan calling…
Hindi ko iyon sinagot. Ilang beses niya pang ginawa hanggang sa nag-text na lang siya.
"Gusto mo bang malaman kung nasaan si Kaoree?"
Agad akong mabilis na nagtipa. Hindi ako mapakali. Sandali akong sumaya.
"Nasaan siya?" Reply ko.
"Pumunta ka sa Skylite Bar para malaman mo."
Nagmadali akong nagpaalam sa mga magulang ko pati sa kanilang mga bisita. Nagdrive ako ng mabilis kahit alam kong ikakasawi ko pa ito.
Pumasok ako sa bar na sinabi ni Wanwan. Maraming tao at masakit sa mata ang iba't-ibang ilaw lalo na ang volume ng kanta. Muntik pa kong mabasa ng alak habang hinahawi ko ang daan para lang makita kung nasaan siya.
"Hey, wanna have some fun?" Hinigit ng isang babaeng mahaba ang buhok ang collar ko. Malagkit siyang tumingin habang nagiling sa harapan ko. Pilit niyang dinidikit ang sariling katawan sa akin.
"Hindi ako interesado." Maikli kong sagot at nag-woah ang mga kasama nito.
Luminga-linga ako sa paligid hanggang sa makita ko ang isang babaeng nakabunny style ang buhok. Maikli ang suot nitong silver slit dress kaya kitang-kita ang kanyang hita.
"Akala ko ay hindi ka darating. Nag-alala ako sayo." Hinila niya ako paupo sa tabi niya.
Agad kong hinubad ang aking coat at tinakluban ang hita nito.
"Nasaan si Kaoree?" Ma-awtoridad kong sambit.
"Hmm. Inumin mo muna iyan." Tinuro niya ang margarita sa table. Hindi ako nagdalawang-isip kaya ginawa ko ang sinabi nito.
"Okay. Good." Tumayo siya at hinila ako. Inalis ko ang hawak niya sa akin.
"Wanwan, hindi ako nagpunta rito para makisaya." Tinitigan ko siyang mabuti habang nagtatagis ang mga ngipin ko.
Tumayo ako at iiwan na siya roon pero hinigit ako nito. Sumayaw siya sa harapan ko at gumiling kasabay ng mapanuksong musika.
"You're wasted." Sabi ko. Pero hindi siya tumigil. Bagkus ay mas lalo pa siyang gumiling saka hinala ako ng mas malapit sa kanya.
Muntik niya na kong halikan pero umiwas ako. Hindi ko alam kung anong ginawa ko sa kanya kung bakit siya baliw sa akin.
Minsan lang akong humiling sa Diyos at ang idadagdag ko sa hiling ko ay sana makahanap si Wanwan ng lalaking para sa kanya. Mamahalin siya at ipaparamdam na may taong nakalaan sa kanya—na hindi ako 'yun.
Kung pwede nga lang na ireto ko siya ay matagal ko ng ginawa. Kaso kahit ang karamihan kong kakilala sa dati kong eskwela ay ayaw sa kanya.
Masyado raw immature ang ugali nito at mas lalo ko silang naintindihan. Natapos na kami't lahat sa kolehiyo ay ganito pa rin siya.
"Tama na." Mukhang wala siyang balak sabihin kung nasaan si Kaoree kaya talagang iniwan ko siya roon. Pero laking gulat ko ng sumunod siya kahit pagewang-gewang ang lakad nito.
Aish. Kainis na magkaibigan, parehas talaga sila ni Rosella. Dahil sa pagiging lampa niya ay muntik siyang madapa kaya sinalo ko siya.
Wala akong choice kung hindi ihatid siya sa kanila. Nang makarating kami sa bahay nila ay walang tao at walang iwan. Inihiga ko siya sa sofa at hinila niya ako payakap sa kanya.
"T.H. Halikan mo ako. Pagkatapos nito ay sasabihin ko sayo kung nasaan si Kaoree." Sinimulan niyang ibaba ang strap ng sarili niyang dress pero tinaas ko iyon.
"Itigil mo na yan. Nagmumukha kang desperada." Tumayo ako. Pero niyakap niya ko mula sa likuran.
"Gagawin ko ang lahat para maging sa akin ka. Kahit si Rosella hindi ka maagaw. Tanda mo 'yan." Inalis ko ang pagkakayakap niya.
"May respeto ako sayo. Kaya sana respetuhin mo rin ang kaibigan mo." Iniwan ko siyang nakatayo roon at humagulgol habang binibigkas ang pangalan ko.
Ilang beses akong napapikit. Muntik na ako roon. Buti ay nasa wisyo ako. Ayokong magkamali. Wala man akong gusto kay Rosella pero wala akong balak na pumatol sa iba.
Alam kong mali na mahal ko pa rin si Kaoree. Pero ayoko nang dagdagan ang bigat na nararamdaman ni Rosella. Hindi ko rin magagawang patulan si Wanwan dahil hindi ko siya gusto.
Alam ko sa sarili ko na may malaki pa kong magagawang kasalanan kay Rosella. Hindi man ngayon pero darating ang araw na iyon.
Kung hindi ko mahanap si Kaoree at ikakasal ako sa kanya may bagay na kailangan kong i-ayon. Ako ang gagawa ng sarili kong tadhana, hindi ang pamilya ko, hindi si Rosella o kung sino pa man.