11

1351 Words
Balita ko ay nakabalik na ang pamilya ni Rosella mula sa pinuntahan nila. Kada oras ay chinecheck ko ang aking cellphone. Nakaramdam ako ng kaba. Hindi naman siya ganito dati. Tinitigan ko ang bilog na buwan habang nakaupo sa balkonahe. Ang ingay ng mga kulisap ang siyang pumalit sa busina ng mga sasakyan. Humikab ako at tinignan ko ang wrist watch ko. Hindi ko namalayan ang oras, kailangan ko ng matulog. Siguro ay abala lang si Rosella sa kumpanya nila. Pumasok ako ng kwarto at hinalikan ang larawan ni Kaoree sa maliit kong mesa. "Good night." Ano kayang ginagawa niya ngayon? Natuloy kaya siya pagiging teacher? Kagaya pa rin ba siya ng dati? Isang masiyahin na Dyosa at mabait sa tao. Nasaan kaya siya? Pumikit ako ng dahan-dahan siguro baka sa panaginip ay pagbigyan ako na makapiling siya. Sa pagpikit ko ay nakatulog ako kaagad. Tinanghali ako ng gising, mabuti na lang at si Papa ang umattend ng meeting kanina para sa ilalaunch na bagong produkto ng aming kumpanya. Nang nagutom ako ay nagpahatid na lang ako ng umagahan sa isa sa aming mga kasambahay. Inayos ko ang mga papeles para sa iba pang proyektong gagawin namin. Napatalon ako sa gulat ng nag-alarm ang cellphone ko. Nakalimutan ko, dadalawin ko nga pala ang lupa kung saan nakatayo ang pangarap kong mansyon. Matagal na rin ng hindi ako nakakadalaw roon. Kumusta na kaya iyon pati ang mga taong nandoon? Tinignan ko ang wrist watch. Gusto ko sanang intayin muna si Rosella bago ako umalis pero mukhang hindi niya nais magparamdam. Nagsuot ako ng puting polo at shorts na binagayan ko ng brown na loafers. Pagkababa ko mula sa kwarto ko ay naabutan ko ang kapatid kong prenteng nakaupo sa coach. Nakafitted siyang red dress at sling bag na kulay silver na halos kuminang diyamente nito-sa pagtama ng repleksyon ng ilaw. Binaba niya ang wine glass sa maliit na mesa. Ngumiti ang labi niyang makintab dahil sa lip gloss nito. Tumayo siya at nagkrus ang mga kamay nito. "Magaling kong kapatid saan ka pupunta?" Lalagpasan ko sana siya pero napahinto ako. "Si Rosella hindi mo pa ba susunduin?" "Ikaw na lang ang sumundo kung gusto mo." Malamig kong sambit. Lumapit siya sa akin at inabot ang envelope. Tinignan ko ang laman nito at puro papeles. "Pinapaabot ni Papa." Hindi ako sanay sa kilos niya. Kapag sa ganitong bagay ay Attorney ko ang nag a-abot ng mga importanteng papeles. Lalo na kung may kinalaman sa kumpanya. "Tanggapin mo." Tinaasan niya ko ng kilay. Tinanggap ko iyon at tinignan ang mga nasa loob. Mga CV ng aplikante. "Anyway, may iba pa kong sadya bukod sa papeles na iyan." Bumulong siya. "Malapit ka ng bumagsak mahal kong kapatid." Tinitigan ko ang itim niyang mga mata na puno ng galit. Kitang-kita na pugto ito. Sigurado akong kagabi ay nag-bar hopping siya. Hindi na nagbago ang isang ito. "Wala ka ng ibang inisip kung 'di kumpanya at pabagsakin ako. Magpahinga ka na,Thylene." Umuna akong lumakad sa kanya at binilisan ako upang hindi niya ko abutan pero bigo ako. Bago ako sumakay ng kotse ay hinarang niya ko. "Hindi ka ba natatakot?" Huminga ako ng malalim at tinignan siya ng diretso sa mga mata niya. "Bakit ako matatakot? Kulang ka lang sa pagmamahal kaya ganyan ka." Lumakad siya sa harapan ko. Umikot siya sa akin na para bang isa akong specimen at rinig ko ang tunog ng dulo ng stiletos niya. "Matapang ka na nga talaga. Sige, pagbibigyan kong sayo ang atensyon ni Papa." Tumalikod siya at... "Sandali." Sabi ko. Hindi siya lumingon pero alam kong nakikinig siya. "Sumabay ka na sa akin. Paalis na rin ako." Huminga siya ng malalim at lumakad paalis ng bahay. Saka malakas niyang sinarado ang gate. Alam kong sa loob niya ay malaki pa rin ang galit niya sa akin lalo na kay Mama. Inaamin kong may kasalanan ang nanay ko sa nangyari sa Mama niya. Matagal ng panahon iyon, pero alam kong sa puso niya masakit pa rin. Sariwa sa alaala ko ang kwento ng isang kasambahay rito na nag-alaga sa akin noong bata ako at sa kapatid ko—si Lola Senya. Bago siya tuluyang mawala sa mundo ay kinuwento niya sa akin ang nangyari. Matagal ng nagmamahalan ang nanay at tatay ko—highschool lovers daw kung tawagin. Mag-bestfriend ang nanay ko at ang nanay ni Thylene—na si Tanya. Dahil parehas na mayaman galing sa mayaman na pamilya sina Papa at Tanya, silang dalawa ang kinasal. Ang kwento rin dito ay hindi iyon matanggap ng nanay ko. Hindi lang dahil nagmamahalan sila, kung 'di umasa ang nanay ko na si Papa ang siyang mag a-ahon sa kanya sa hirap. Kagaya nga ng pinangako nito. Dalawang taon lang ang naging pagitan namin ni Thylene. Alam ni Tita Tanya ang pagiging kerida ng nanay ko. Pero naging lihim iyon, bukod pa rito. May sakit si Tita Tanya kaya alam niyang maaga siyang mawawala. Naiintindihan niyang kailangan ng asawa niya ng makakasama sa buhay—iyon ay si Mama. Lumala pa ang sakit ni Tita Tanya dahil sa pag a-away nilang mag-asawa sa pera. Inuubos raw kasi nito ang halos lahat kay Mama. Hindi manlang magtira para sa kanila. Mayaman sila pero ayaw ni Tita Tanya na basta-basta na lang ginagastos ang pera. Makalipas ang ilang taon na paglaban niya sa sakit na cancer—nawalan ng nanay si Thylene ng siya ay nasa edad na labing-dalawang taon. Mas lalo siyang nagalit sa amin simula ng nangyari iyon. Ang lola at lolo namin ay wala na, sa side ni Papa, kaya naman naging malakas na ang loob nito na ipagmalaki ang nanay ko sa lahat. Pinaliwanag sa akin ni Lola Senya na hindi ko raw dapat ulitin ang bagay na iyon. Kung magmamahal ako ng babaeng hindi tanggap ng pamilya ko, hindi ko raw dapat iwan. Mas lalong hindi ko raw dapat gawin na kerida. May parte sa akin na kumirot nang tuluyan akong makapasok sa aking kotse. Ini-start ko ang manibela at sinimulan ko ng magmaneho. Malinaw sa sarili ko na hindi ko iyon gagawin kay Kaoree. Hindi rin kami nagsisiping ni Rosella, kaya alam kong siya pa rin ang para sa akin. Hindi ko uulitin ang kasalanan na ginawa ng mga magulang ko. Masyado nang mapanakit ang mundo, at ayoko ng dumagdag pa. Bumaba ako sa aking sasakyan matapos buksan ng isa sa mga caretakers ang gate ng aking mansyon. Nakakatuwang pagmasdan ang tatlong palapag ng bahay mula sa labas. Kitang-kita rin ang kagandahan ng Taal mula rito. Damang-dama ko ang lamig dahil sa hamog na sumama sa kapaligiran. "Sir, Ilang beses na kayong napadpad rito hindi niyo pa rin dinadala ang magiging asawa niyo." Sambit ng aking caretaker. Gulo ang kanyang buhok na may iilan na uban at may hawak siyang walis at dustpan. "Wala pa rin po siya. Patuloy ko pa rin siyang hinahanap." Garalgal na tumawa ang matanda at hawak ang bewang matapos lumapit sa akin. "Siya pa rin ba? 'Yung babaeng kinuwento mo sa akin noon?" Tumango lang ako habang pinagmamasdan ang mga ulap na tila nakikipaglaro sa araw. "Mga kabataan nga naman. Kapag mag de-desisyon kayo sa buhay dapat may paninindigan kayo—lalo na sa pag-ibig. Kung nagpakita ka ng motibo sa babae, panindigan mo. Huwag mong lituhin, tapos biglang hindi mo kakausapin na parang walang nangyari. Hindi laro ang pagmamahal." Hindi ko masisisi ang payo ng matandang nasa harapan ko. Kinuwento ko sa kanya ang ilan sa pangyayari tungkol sa amin ni Kaoree. Alam kong natakot ako. Hindi ko naipagtapat ng ayos ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi dahil sa nalilito ako sa kanila ni Rosella. Dahil, nalilito ako kung mas matimbang ba ang pamilya ko kaysa sa pagmamahal ko sa kanya. Ngayon, babawi na ko. Alam kong wala kaming ginawang mali ni Kaoree noon. Pinapangako ko sa aking sarili, na ang mansyon na ito ang magiging saksi sa habambuhay naming pagsasama ni Kaoree. --- Pwede niyo rin pong basahin ang iba ko pang novels: A House With Heartthrobs Whisper of The Night Esta Guerra (Guerra De Amor) Three Shots of Love
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD