“KUNG lumipat ka, pareho pa rin ang gagawin natin—kuwentuhan, kantahan, tawanan. Kung makakaisa akong kiss, bonus—kung gusto mo lang naman.” Matiim na naman ang titig nito sa mga mata niya. Hindi napigilan ni Therese ang paglunok. Nagkahugis ang ngiti ni Benj. Para bang may natuklasan ito sa kanya at nagustuhan nito iyon. Pakiramdam ni Therese ay matutunaw na siya sa titig ni Benj pero pinili niyang hindi magbawi ng tingin. May kung ano sa kanya na pinupukaw ang titig na iyon. Hindi niya alam kung ano eksakto. “Pasensiya ka na,” ang sinabi niya at dumistansiya na kay Benj. Puwede siyang magpanggap na hindi niya gusto ang halik na paulit-ulit nitong binabanggit pero hindi niya iyon maitatanggi sa sarili. Walang paliwanag kung bakit, pero sa kung anong dahilan, may nararamdaman din siyang

