HINDI inaasahan ni Therese na isang boodle fight breakfast ang aabutan nila sa lugar. Sinalubong sila ng apat na matatanda na ayon kay Benj ay itinuturing na ‘elders’ sa lugar—mga matatandang iginagalang. Ang mainit na pagsalubong sa kanila ay dahil pala kay Lolo Dolf na kilalang pangalan sa komunidad bilang isa sa mga regular na nagbibigay ng tulong. Si Lolo Dolf pala ang dahilan kaya sila ganoon kainit na tinanggap ng mga Limawayi. “Hindi mo naman sinabing si Lolo Dolf pala ang dapat kong pasalamatan,” mahinang sabi ni Therese kay Benj. Ang akala niya ay basta na lang sila papasok sa komunidad. “Marunong kang kumain ng nakakamay?” si Benj. “Oo naman,” sagot niya. “Ang simple lang n’on.” “Kung wala si Amang Raway, maghihintay tayo hangg

