NATAHIMIK si Therese, hindi malaman kung ano ang susunod na sasabihin. “I-I’m sorry…” ang tanging nasambit niya. Dapat siguro ay hindi na siya nagtanong. Hindi na niya sinabing ituloy nito ang kuwento. “Hindi na kami nagkaharap ng tunay kong ama.” Wala na siyang alam sabihin kaya napatingin na lang din siya sa kawalan. “At nawala sa akin si Laine nang hindi ko man lang napaghandaan.” “Hindi ko alam ang sasabihin ko,” mahinang sabi ng dalaga, hindi napigilang pagmasdan si Benj. Para makayanang lampasan ang trahedyang iyon, hindi birong tatag ng puso at lakas ng isip ang kailangan. Pero nalampasan na nga ba nito ang lahat? “Sabay pa talaga ang aksidente…” “Ang nagbanggaang kotse, Therese—kotse ni Laine at kotse ng tunay kong am

