bc

[MONTEREAL SERIES7 ZACHARRIE MONTEREAL] TEAR'S OF LOVE

book_age18+
2.1K
FOLLOW
14.5K
READ
HE
arrogant
kickass heroine
doctor
drama
bxg
campus
office/work place
multiple personality
addiction
like
intro-logo
Blurb

"I wanna get mad at you! I wanna hate you! Hurt you! Shout at you! Gusto kong kamuhian kita, kasi nakakapagod na. Nakakapagod na, Cloude. Ang sakit mong magmahal e, ang hirap mong mahalin! Pero kahit durog na durog ako dito" aniko sabay turo sa puso ko na lumuluha sa harapan nito.Napailing akong mapait na napangiti. "Kahit kinakastiguhan ko na ang sarili ko, palagi kong sinisinghal sa isipan ko, tama na! Tama na! Pakawalan mo na siya! Pero Cloud, h-hindi ko kaya. Hindi ko kasi kaya na wala ka e. Kasi mahal kita. Mahal na mahal kita kahit sobrang sakit ng mahalin ka! Maawa ka naman sa akin. M-mahalin mo naman ako, oh. Kahit konti lang. Kahit sandali lang. Paranas naman, kung paano ka magmahal". humihikbing pakiusap ko.Walang emosyong nakatitig lang ito na lalong ikinalakas ng hagulhol ko sa harapan nito. Dahan-dahan akong napaluhod na hinawakan siya sa kamay. "Tama na, Charrie. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang....mahalin ka" saad nitong binawi ang kamay na umalis at iniwan akong luhaang nakaluhod sa lupa.Napayuko akong walang ibang magawa kundi ang humagulhol na lamang habang nakatitig sa pigura nitong paliit nang paliit sa paningin ko.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Prologue. "I wanna get mad at you! I wanna hate you! Hurt you! Shout at you! Gusto kong kamuhian kita, kasi nakakapagod na. Nakakapagod na, Cloude. Ang sakit mong magmahal e, ang hirap mong mahalin! Pero kahit durog na durog ako dito" aniko sabay turo sa puso ko na lumuluha sa harapan nito. Napailing akong mapait na napangiti. "Kahit kinakastiguhan ko na ang sarili ko, palagi kong sinisinghal sa isipan ko, tama na! Tama na! Pakawalan mo na siya! Pero, Cloud, h-hindi ko kaya. Hindi ko kasi kaya na wala ka e. Kasi mahal kita. Mahal na mahal kita kahit sobrang sakit ng mahalin ka! Maawa ka naman sa akin. M-mahalin mo naman ako, oh. Kahit konti lang. Kahit sandali lang. Paranas naman, kung paano ka magmahal," humihikbing pakiusap ko. Walang emosyong nakatitig lang ito na lalong ikinalakas ng hagulhol ko sa harapan nito. Dahan-dahan akong napaluhod na hinawakan siya sa kamay. "Tama na, Charrie. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang. . . mahalin ka," saad nitong binawi ang kamay na umalis at iniwan akong luhaang nakaluhod sa lupa. Napayuko akong walang ibang magawa kundi ang humagulhol na lamang habang nakatitig sa pigura nitong paliit nang paliit sa paningin ko. ****** NANGINGITI ang binatang si Cloud habang panaka-nakang sinusulyapan ang dalagang si Charrie. Kaharap nito ang dalaga na kasabay nanananghalian sa kanilang karinderya sa gitna ng palengke. Sa unang pagkakataon ay tumibok ng mabilis ang pihikang puso ni Cloudy sa isang babae. At 'yon ay walang iba kundi si Charrie Montereal. Isang heredera na kapatid ang boyfriend ng Ate Samantha nila Cloud. Dahil sa koneksyon nila sa pamilya ay nagkakilala si Charrie at Cloud. Na kapwa nagkaibigan ng palihim sa isa't-isa. Lumaking ulila sa mga magulang sina Cloudy at dalawang kapatid pa nito. Si Typhoon na Kuya nito at ang bunso nilang si Rain. Maagang namatay ang ina nila dala ng karamdaman. Kung kaya't nangako si Cloud sa sarili na balang araw ay magiging isa itong magaling na manggagamot. Kinupkop silang magkakapatid ng naging kaibigan nila noong bata pa sila. 'Yon ang Ate Samantha nila na ngayo'y nasa kolehiyo na rin katulad ng Kuya Typhoon nito. Dahil kay Samantha ay may tahanan at matatawag na magulang na kinalakihan ng magkakapatid. Maaga pa lang ay namulat na ang magkakapatid na Typhoon, Cloudy at Rain sa hirap sa buhay. Kung kaya't nagsusumikap ang mga ito para makatulong sa tumatayong ina nila. Nag-aaral ang mga ito pero sa weekend ay nagtatrabaho sa palengke bilang kargador para sa kanilang pambaon. Nahihiyang lumapit si Cloud kay Charrie nang magkapaalaman na ang mga ito. Kakamot-kamot pa ito sa ulo na hindi malaman kung anong sasabihin sa dalaga. "Uhm, sige. We have to go, Cloudy. It's really nice to meet you. I hope this is the start of our friendship?" nakangiting saad ni Charrie na ikinangiti ni Cloud. "Salamat. Masaya din akong makilala ka. Friends?" ani Cloud na nahihiyang naglahad ng kamay. Matamis na napangiti si Charrie na walang pag-aalinlangang tinanggap ang kamay ng binata. Kapwa pa sila natigilan na napatitig sa kanilang kamay na makadama ng libo-libong boltahe ng kuryente mula doon. "Did you feel it?" "Huh? Alin?" Napailing si Charrie na marahang pinisil pa ang kamay ni Cloud bago nagbawi ng kamay. "Nothing. Sige. I have to go na," pamamaalam nito na mabilis hinagkan sa pisngi ang binata bago sumakay ng kanilang van. Natutulala namang naiwan si Cloud na napahaplos sa pisngi nito. Pakiramdam nito ay tumigil ang lahat maski ang pagtibok ng puso na paulit-ulit nagri-replay sa isipan ang paghalik sa kanya ng dalaga. "Hinalikan niya ako?" anas nito na unti-unting sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi. SA paglipas ng panahon ay nagtagumpay maabot ni Cloud maging ng mga kapatid nito ang kanilang pangarap. Naging ganap na pulis ang Kuya Typhoon nito. Siya naman ay naging ganap na doctor. At ang nakababatang kapatid ay naging nurse. Dahil sa koneksyon nila sa pamilya Montereal ay palaging nagkikita si Charrie at Cloud. Pero unlike before na nagagawa pa nilang magkausap. Naiilang na kasi si Cloud lapitan ang dalaga. Na para sa kanya ay isang malaking himala ang kailangan para maabot ang dalaga. Nakasanayan na rin nito ang pagiging cold hearted person sa lahat. Palaging seryoso na nakatutok lang ang attention sa trabaho nito. Kaya ang tingin sa kanya ng mga tao ay dakilang arogante. Ngunit ang hindi nila inaasahang magkakapatid ay ang pagdating ng isang tao na buong akala nila ay matagal ng namayapa. Ang kanilang ama na umabandona sa kanila noong mga bata pa sila. Dahil sa pagkalulong ng ama nila noon sa sugal ay napabayaan ang pamilya nito. Kung saan dahil sa pagtatrabaho ng kanilang ina sa Bar at pagbebenta ng dangal ay nakakuha ito ng sakit. Sakit na naging sanhi ng kanyang kamatayan. At dahil kapos sila noon sa pera ay hindi na naipagamot pa ang kanilang ina. Kaya naman mga bata pa lang ay nagsusumikap na ang magkakapatid para mabuhay. Dahil iniwan sila ng kanilang ama na dapat siya ang bumubuhay sa kanilang magkakapatid. Hindi naging madali kay Cloud na tanggapin ang ama nito. Pero dahil iisa lang ang dugong dumadaloy sa kanilang ugat. Na kahit pagbalik-baliktarin pa nito ang mundo ay hindi no'n mababago ang katotohanang ama nila ito ay pinili ni Cloud patawarin at muling tanggapin ang ama. Samantala. Nagkatuluyan naman ang Kuya Typhoon nito at ang Ate ni Charrie na si Mis Catrione Montereal. Hindi naging lingid sa kaalaman ni Cloud na nahihirapan at nasasaktan ang Kuya nito sa relasyon nila ng asawang si Catrione. Dahil dito ay lalong lumayo ang loob ni Cloud sa mga Montereal. Na unti-unting kinakalimutan ang pagtingin sa dalagang si Charrie. Ang bunso ng mga Montereal. Ngunit ang hindi alam ni Cloud ay mahal na mahal pa rin siya ng dalaga. Na handang gawin ang lahat makuha lang ito at maging asawa. Hanggang saan ang kayang tiisin ni Charrie para suyuin si Cloud na tanggapin ito at mahalin din pabalik.**** Chapter 1 CHARRIE: SUOT ang dream wedding gown ko. Hawak ang white roses na bouquet ko. Marahan akong naglalakad ng aisle habang nakamata sa groom ko na naghihintay sa harapan nitong venue ng kasal namin. Sa rooftop ng Montereal's building. Hindi ko mapigilan ang pamumuo ng aking mga luha habang nakamata ako dito. Walang pagsidlan ng tuwa ang puso ko na sa wakas. . . ay akin na siya! Mapapangasawa ko na ang lalaking bukod tanging hinahangad kong maging akin. Pakiramdam ko ay naglalakad ako sa kaulapan sa mga sandaling ito. Hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal na ako sa lalakeng pinakaminimithi ng puso ko. Kahit wala itong kangiti-ngiti sa mga labi. Matamlay ang mga mata na hindi mabakasan ng galak sa aming pag-iisang dibdib? Hindi 'yon kabawasan sa aking kagalakan sa araw na ito. Mukhang immune na nga ako na masungit at arogante talaga ang mapapangasawa ko. . . .Si Doc Cloudy Del Mundo. Ang first love at ultimate dream guy ko na sa ilang sandali lang ay magiging asawa ko na. Dala-dala ko na ang kanyang apelyedo at ang kanyang anak na nabuo sa aking sinapupunan. Ang saya ko! Sobrang saya ko! Sa wakas ay magiging akin na ito. Wala ng makakapag hiwalay pa sa amin ng mahal ko. Sisiguraduhin ko 'yon. Sisiguraduhin kong. . . wala na siyang kawala sa akin. MATAMIS akong ngumiti pagkadating namin ni Daddy Cedric sa harapan nito. Nakangiting iniabot naman ni Daddy dito ang palad kong kanyang inabot at bahagyang yumuko bilang pagbibigay galang kay Daddy. Nangingiti naman akong nakatitig sa groom ko. Naluluha at hindi na mailarawan ang sayang aking nadarama. Mas lalo pa yata siyang gwumapo ngayon. Suot ang all-white tuxedo nito at idagdag pang naka-wax ang bagong gupit niyang buhok. Malinis sa katawan at mukha si Cloudy. Lagi itong fully shave sa mukha kaya para siyang baby face lagi at bagay na bagay nga naman niya. Para siyang kpop oppa na matatawag dahil half korean naman talaga sila. Kitang-kita iyon sa mga chinito niyang mga mata. Matangkad, matangos ang ilong, singkit ang mga mata na kulay chokolate, manipis ang mga labing mapupula at may perpektong jawline na bagay na bagay nito. Makinis at maputi ang balat at laging napakabango. Kahit sinong babae ay hahangarin siyang makasama. Pero arogante ito sa lahat. Maski sa akin. Ako lang naman talaga ang naghahabol sa aming dalawa. Ang nagmamahal sa aming dalawa. Kaya nga ginawa ko ang lahat para mabuntis niya ako at mapasaakin siya sa huli. Dahil alam kong kapag hindi ako kumilos? Hindi siya mapapasa akin. Si Cloudy kasi 'yong tipo ng lalake na tahimik at walang pakialam sa kanyang paligid. Kahit lantaran ang mga babaeng nagpapa-cute dito? Wala itong pakialam. Pero iba si Zacharrie Montereal. Dahil kung hindi niya ako liligawan? Pwes ako ang manliligaw sa kanya. I was born this way. What I want. . . ? Is always what I've got. 'Yan ang motto ko sa buhay. Walang makakahindi kapag may ginusto akong makuha. HABANG nasa kalagitnaan kami ng seremonya. Hindi ko mapigilang maluha habang magkaharap kami nito at magkahawak ng kamay. Nagpapalitan ng vows. Wala man akong mabasang emosyon sa kanyang mga mata? Sobrang tuwa pa rin ng puso ko sa mga sandaling ito! Ito na! Magsisimula na ang pagiging Mrs Del Mundo ko. . . sa lalakeng pinakaaasam ko. Hindi ko namalayan ang pagtatapos ng aming vows. Sobrang nabibilisan at natatangay ako sa kawalan habang nasa proseso kami. Siguro dahil pakiramdam ko ay nananaginip ako ng gising sa mga sandaling ito. Na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang. . . asawa ko na si Cloudy Del Mundo! MARIIN akong napapikit at napahigpit ng kapit sa aking bouquet nang siniil ako nito sa mga labi. Napapisil pa bahagya sa aking baba at nakayapos sa baywang ko ang isang braso nito. Tumulo ang luha ko na sa wakas ay natapos din ang seremonya. Sa wakas ay. . . asawa ko na siya. Masigabong palakpakan naman ang naghahari sa paligid. Hiyawan at pagbatingting sa kani-kanilang mga baso habang salitan kaming binabati nito sa matagumpay naming pag-iisang dibdib! Tumulo ang luha ko na napayakap ng napakahigpit dito. Ramdam kong natigilan ito pero marahan pa ring hinagod ang likod ko. Marahil dahil nasa harapan pa kami ng lahat kaya hindi ito nagsusungit. "C-Cloudy," mahinang sambit ko na hindi na mapigilan ang mga luha. Luha dala ng labis-labis na saya sa aking puso! Asawa ko na siya. Akin na siya! "Hwag ka ngang umiyak. Para kang bata," mahinang asik nito na pinahid ang luha ko. Napalabi ako na nakatingala lang dito. Wala mang mabasang emosyon sa kanyang mga mata ay sobrang saya ko pa rin. Sobrang saya na napangasawa ko na rin siya sa wakas. "It's a tear's of joy." "Tsk." Napangiti pa rin ako sa pag-ismid nito na humarap na sa mga bisita. May tipid na ngiti sa mga labi habang nakayapos sa aking baywang ang isang braso. MATAPOS ang seremonya ng kasal namin sa hotel ay sumakay na kami ni Cloudy ng chopper palipad ng Palawan. Kung saan namin napiling magbakasyon ng isang linggo. Labis-labis ang sayang nadarama ko habang magkatabi kami ni Cloud na lulan ng chopper. Hindi ko maitago ang saya at kilig na aking nadaramang pupunta na kami. . . sa aming honeymoon. Ayaw pa sana ni Cloud na mag-honeymoon kami. Bakit pa daw? Eh magkaka-baby na kami. Pero syempre, nagpumilit ako. Mabuti na lang at si Kuya Collins na ang presidente sa hospital namin kung saan nagtatrabaho si Cloud bilang surgeon Doctor. Kaya mabilis inaprobahan ang isang linggong leave ni Cloudy. At isa siya sa pinaka magagaling naming surgeon Doctor ng Montereal's Hospital. Kaya mahalaga ang bawat oras nito. Marami ding nurse at kapwa nito doctor ang naghahabol kay Cloud. Lantarang nagpapakita ng motibong gusto nila ito. Pasalamat na lang ako na saksakan ng kasungitan si Cloud at walang pakialam sa mga babaeng nagpapa-cute sa kanya. 'Yon nga lang ay. . . kabilang ako sa kanila. Hindi rin niya ako pinapansin kahit lantaran akong nagpapakita ng motibong gusto ko siya. Na kahit na yata maghubad ako sa harapan nito ay hindi niya ako papatulan. Hawak ko ang kanyang kamay at nakasandal ako sa kanyang balikat habang nasa ere kami lulan ng chopper. Nakapwesto ito sa may bintana at sa baba lang ang paningin nito. Napakatahimik niya na tila kay layo-layo ng iniisip. Sanay naman na akong hindi palaimik si Cloudy. Kaya walang kaso sa akin na tahimik siya ngayong solo na kami. Hindi nga umubra ang kasungitan niya sa alindog ko eh. Kahit palagi niya akong pinagtatabuyan palayo ay hindi ako nagpatinag. Kaya ngayon. . . heto. Asawa ko na siya. PAGDATING namin ng beach resort kung saan kami nakapag-book nito ay hawak ko pa rin ang kanyang kamay. Hindi naman ito umaangal. Inihatid din ng pilot namin ang baggage namin hanggang sa aming silid nito at magalang na nagpaalam na babalik na ng syudad. Huminga ako ng malalim na may ngiti sa mga labing napagala ng paningin sa kabuoan ng aming magiging silid sa unang linggo namin bilang mag-asawa! Nag-iinit ang pisngi ko na ikinalapat ko ng mga labi sa mga maaari naming gawin at pagsaluhan ni Cloud sa silid na ito ngayong bagong kasal na kami! Nakagat ko ang ibabang labi na nagsimulang makadama ng init at pananabik sa katawan. Panay ang lunok ko dahil sobrang bilis na ng pagtibok ng puso ko sa mga naglalaro sa isipan ko. Iisipin ko pa lang na hahalikan at yayakapin ako ni Cloud ay para na akong hindi makahinga! Nae-excite na ako at hindi na makapaghintay na magpaangkin sa asawa ko ng buong-buo! Tumuloy naman ito ng closet at inayos ang mga damit namin. Lihim akong napangiti na naglakad palapit sa may kama. Naupo sa paanan na nakamata kay Cloud. Napakaseryoso ng itsura. Naka-wedding gown pa rin ako at tuxedo ito. Pero hinubad na niya ang kanyang white coat at necktie. Marahin naiinitan na. Napaka-hot niya tuloy tignan ngayon. Nakabakat kasi sa puting long sleeve polo nito ang kanyang kakisigan. Maayos na nakatupi ang manggas ng polo nito hanggang babang siko na nakabukas ang nasa apat na butones ng polo. Kaya naman nakakasinghap na mapasulyap sa nakasilip niyang malapad na dibdib! Matapos nitong ilagay sa closet namin ang aming mga gamit ay hinarap na ako nito. Matamis akong ngumiti kahit naka-pokerface na naman ito at bahagya pang salubong ang mga kilay. "Are you tired?" tanong nito. Ang bossy ng dating na walang kalambing-lambing magsalita. Sanay na akong malamig siyang makipag-usap. Pero may part pa rin sa puso ko na nasasaktan sa inaasta nito. Kahit mag-asawa na kami ay wala pa rin akong halaga sa kanya. Ngumiti ako na tumayo at hinila ito sa kamay paupo ng gilid ng kama. Matiim na tinitigan siya sa kanyang mga mata. Kahit wala akong mabasang kislap doon ay matamis pa rin akong nakangiti dito. Marahang pinipisil-pisil ang kanyang palad. "Cloudy," sambit ko. Napalunok itong akmang babawiin ang kamay na mahigpit kong ikinahawak doon. Bahagya namang nagsalubong muli ang kanyang maitim at may kakapalan na mga kilay. "If you're tired. Then take a rest, Charrie. Sa labas na muna ako," walang emosyong saad nito. Napabusangot ako na matiim pa ring nakatitig dito. Gusto ko lang namang makasama siya lalo na't honeymoon namin ito. Pero nahihiya naman akong isatinig iyon lalo na't kitang wala ito sa mood. Na tila walang pakialam kung bakit kami nandidito. "Hindi ako pagod. Pero kung gusto mong magpahangin sa labas? Sasamahan kita," aniko. Napahinga ito ng malalim na tila nagtitimpi lang ng inis sa akin. Pagod ang mga mata na napatitig sa akin. At kahit nakangiti ako sa kanya ay wala manlang itong kangiti-ngiti. "Hindi ka nga pagod. Pero si baby, pagod na. Ingatan mo naman ang sarili mo. Alalahanin mo kung bakit kita pinakasalan, Charrie. Nakukuha mo ba ang ibig ko?" may kadiinang tanong nito. "Pero gusto kitang kasama," mahinang saad ko na namuo ang luha sa aking mga mata. Napayuko ako at wala ng nagawa kundi ang tumulo ang luha. Tumayo na ito at lumabas na ng silid. Naiwan akong mag-isa na tahimik na umiiyak. Mapait na napangiti na nahaplos ang impis ko pang tyan. "Kaya natin ito, baby. Masungit ang Daddy, pero. . . alam kong mapapaibig din siya ni Mommy. Kapit lang, ha? Samahan at tulungan mo si Mommy Charrie na mapaibig ang iyong Daddy Cloudy, anak," pagkausap ko sa tyan ko habang hinahaplos-haplos ko ito na ikinasilay na rin ng aking ngiti. Bagsak ang katawan na nagtungo ako ng banyo para maglinis ng sarili. Nabibigatan na rin kasi ako sa gown ko. Kahit napakasungit na naman niya sa akin ay hindi ko mapigilang mapangiti na nakamata sa suot kong wedding ring. Tanda na si Cloudy Del Mundo. . . ay asawa ko na. Pagkahiga ko ay hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha. Ang bigat-bigat ng dibdib ko sa sitwasyon namin ni Cloud. Akala ko magiging madali na ang lahat kapag naging mag-asawa na kami nito. Pero heto at mas lalo naman siyang naging mailap sa akin. Dinaig ko pa ang may malubhang sakit na nakakahawa kung makaiwas ito sa akin. Napadantay ako ng braso sa noo at hinayaang umagos ang masaganang luha ko. Kahit dito manlang ay mailabas ko ang bigat sa dibdib ko. Dahil kahit anong pagpapatatag ko sa sarili ay bumibigay pa rin ang puso ko. Nasasaktan pa rin ako kahit inaasahan ko na ang mga bagay-bagay. "Masyado ba akong mahirap mahalin, Cloud? Hindi mo ba kayang bigyan ako kahit isang pagkakataon lang?" aniko na nakamata sa wedding ring ko. Kung hindi ko lang kilala ang pagkatao ni Cloud? Iisipin kong hindi babae ang gusto nito kundi kapwa niya. . . lalake. Pero napaka-imposible ng bagay na iyon dahil kita namang lalakeng-lalake ito. Sadyang saksakan lang ng pagka-arogante kaya walang babae ang nagtatagumpay makuha ito. Maliban sa akin dahil iba ako sa lahat. Kapag ginusto ko? Makukuha ko. Namuo ang luha sa mga mata ko na parang pinipiga ang puso ko. Unti-unting bumigat ang paghinga ko na hanggang sa ang tahimik kong pag-iyak ay napunta sa paghagulhol. Kahit pilit kong pinapatatag ang sarili ay bumibigay pa rin ako. "No, Charrie. Kaya mo 'to. Kaya mo." Napapikit akong napayakap sa sarili. Pinasok ko ito. Paninindigan ko ito. At sisiguraduhin kong. . . matututunan din akong mahalin ng asawa ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
107.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
162.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
70.5K
bc

His Obsession

read
77.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
21.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook