Kabanata 12 -Respeto

1000 Words
"Margareth"ani Manolo. Medyo tumaas na ang boses nito. Hindi na nito nagugustuhan ang mga salitang lumalabas sa bibig ng anak..Sumusobra na ito,Masyado na nitong naiinsulto ang pagkatao ni Melit. Si Melit ay kaniya ng asawa.At kailangan iyun respetuhin ni Margareth. "Bakit?tama naman ang sinabi ko di ba?after for so many years,ngayon legal na.."ani Margareth. Hindi pa ba ito nakuntinto sa ginawa nito.Lahat-lahat na lang ay inagaw nito. At ngayon ay tila ipinagmamalaki pa sa kaniya ng ama na kasal na ito sa dati nitong kabet. "Mananatili dito si Melit because she is my wife,kaya respetuhin mo naman siya.." "Manolo.."ani Melit. Hindi niya gustong magkasagutan ang mga-ama ng dahil sa kaniya. "Respeto?Nirespeto mo ba ang alaala ni Mama nung pinatira mo dito sa pamamahay ang babaeng iyan."sigaw ni Margareth."Hindi di ba?Then now,gusto mo respetuhin ko sya.Wow!"nagtagis ang mga ngipin ni Margareth sa matinding panggigil.. Bakit niya rerespetuhin ang babaeng sumira ng kanilang pamilya. Ang babaeng siyang dahilan kung bakit mag-isa na lang siya ngayon. Ang babaeng pinagpalit sa kaniyang ina. Tapos gusto pa ng kaniyang ama,respetuhin niya ang babaeng ito.. No!hindi nito deserve ang salitang respeto.Kahit kailan hindi nito makukuha ang kaniyang respeto. "I hate you..kahit kailan hindi makukuha ng babaeng iyan ang respetong sinasabi mo.Hindi naman siya karespe-respeto.."pinagkadiinan pa ng mabuti ang pagkakasabing iyun ni Margareth. Isang matalim na tingin ang ipinukol kay Melit. At nagmamadaling tumakbo patungo sa kaniyang kuwarto. Doon pinakawalan ang mga luhang kanina pa gustong pumatak sa harapan ng ama at ng babae nito.Subalit pilit ang pagpipigil na huwag pumatak ang mga luhang iyun sa harapan ng dalawa..Hindi siya iiyak pang muli sa harapan ng mga taong sumira sa buhay niya at dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ina.. Hindi siya umuwi ng Pilipinas upang magpatalo. Bumalik siya upang iparamdam sa kaniyang ama kung gaano kasakit ang ginawa nito sa kaniya.Kung gaano kasakit ang mawalan ng ina..Ngayon na may kakayahan na siya.May lakas at tapang na siyang lumaban.Kaya babawiin niya ang anumang nararapat ay para sa kaniya.Magmula sa kumpanya at sa bahay na ito. Hindi niya hahayaan na ang babae at anak ng kaniyang ama sa labas ang siyang magrereyna-reynahan.Magtamasa ng karangyaan na hindi naman pagmamay-ari ng mga ito.. Ipaparanas niya sa pamilya ngayon ng kaniyang ama ang hirap na dinanas niya kung paano mawalan ng masayang pamilya. Gagawin niya ito para sa kaniyang pinakamamahal na ina... Mahihinang katok ang narinig ni Margareth mula sa labas ng kaniyang pinto.. Narinig niya ang boses ng kaniyang ama.Ngunit tila walang narinig ang dalaga. Bagkus ay tinakpan pa nito ng unan ang magkabilang tenga.Wala siyang pakialam kung mamaga man ang mga kamao nito sa pagkatok ng pinto.. Hindi niya ito gustong makita.At wala siyang plano na makipag-usap sa rito. Lalo na at muling nanumbalik ang pagkamuhing nararamdaman niya sa kaniyang Papa... Ilang taon na ang nakalilipas ngunit nanariwa pa rin sa kaniyang puso ang sugat na nilikha nito. Hindi pa ito tuluyan naghihilom .Maghihilom lamang ito kapag nakita niyang unti-unti ng nawawala ang lahat sa kaniyang ama. Ipaglalaban niya ang kaniyang karapatan. Hindi ang bagong pamilya ng kaniyang ama ang makikinabang ng pinaghirapan ng kaniyang Pamilya. At wala siyang pakialam kung legal na asawa na ito ng kaniyang ama. Dahil wala pa ring mababago na dati pa rin itong kabet ng kaniyang ama. Bakit kaya hindi sa kaniya nabanggit ni Atty.Mendes ang tungkol sa pagpapakasal ng kaniyang ama sa kabet nito. Wala ba itong alam sa nangyayari sa buhay ng kaniyang ama.Samantalang araw-araw ay nagrereport naman ito sa kaniya tungkol sa kung ano ang nagyayari dito sa Pilipinas Hindi kaya sikreto lamang ang pagpapakasal ng kaniyang ama at kabet nito. Kaya hindi nalaman ni Atty.ang bagay na iyun.Dahil kung alam ito ni Atty.ay hindi maaaring hindi nito sabihin sa kaniya. Kaagad na dinampot nito ang telepono at dali-daling idinayal ang numero ni Jazher upang tawagan. "Bakit may problema ba?" "Malaki.Bakit hindi nabanggit sa akin ni Tito na nagpakasal na ang aking ama at ang kabet nito." "What?"bulalas ni Jazher na nasa kabilang linya. Kahit hindi makita ni Margareth ang mukha nito ay tiyak niya na nagulat din ito sa kaniyang sinabi..Ibig sabihin wala din alam ang mga ito na kasal na ang dalawa..Inilihim ng kaniyang ama sa publiko ang pagpapakasal nito sa babae. "Are you sure that Tito Manolo and that woman was married?" "Yes!"sagot ni Margareth.. Natitiyak niyang nagsasabi ng totoo ang kaniyang ama.Dahil hindi ito maglalakas loob na ipagtanggol at patirahin ang babae nito kung wala itong pinanghahawakan.. At isa iyun sa magiging sagabal sa kaniyang mga plano. Hindi na ito maituturing pa na kabet kundi legal na itong asawa..and that is bullshit! "Okay..kalma ka lang!" "How can I calm down,Jazher?"aniya na napabuntong hininga ng malalim."Malakas na ang loob ng babaeng iyun dahil asawa na siya ni Papa." "Marga,pwede ba huwag na muna yan ang isipin mo ngayon.All you have to do is magpahinga.You need to take rest." "How?" Paano siya makakapagrelax sa mansion kung mayroon isang higad na nakatira.. "Okay!if you want,punta ka na lang muna sa ibang lugar para marelax.Hindi dyan sa bahay ninyo.Somewhere else na makakarelax ka."payo ni Jazher sa kaibigan. Hindi man niya makita ang mukha ni Margareth.Alam niya ang matinding panggigil nito dahil hindi iyun maikakaila sa tinig ng dalaga.Kailangan nito kalmahin ang sarili. "Okay!okay!"aniya saka ibinaba ang phone. Inis na inihilamos ng dalaga ang dalawang palad sa mukha.kararating lamang niya pero problema kaagad ang sumalubong sa kaniya. Palakad-lakad ito sa kaniyang kuwarto habang nag-iisip. Bago nagdesisyon na maligo. Tama si Jazher kailangan na muna niyang pumunta sa isang lugar na makakapagbigay peace of mind sa kaniya.Ilang minuto lang ay tapos na itong maligo.Inayos ang sarili bago lumabas ng silid.. Mabuti pa sigurong bumalik nalang uit siya sa hotel. Huwag lang sana niyang makasalubong isa man sa kaniyang ama o ang babae nito.Dahil talagang nakakapag-init ng ulo. "Mam,kararating nyo lang.Aalis kayo kaagad?"tanong ni Susan. "Ipahanda mo kay Mang pepe ang sasakyan ko.."aniya. Hindi pinagkaabalahan sagutin ang katulong.Wala siya sa mood na makipag-usap sa kahit na kanino. Lalo na ngayon kumukulo ang kaniyang dugo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD