Napakunot-noo si Brylle ng malaman mula kay Harold na guest na naman ng Hotel si Margareth.
Eh,kachecheck-out lang nito kaninang umaga.Mismong siya pa nga ang naglinis sa kuwartong inookupa nito..
"Sigurado ka?Hindi ba kache-check out lang nun kanina.."
"Oo nga.Ako pa nga mismo ang naghatid ng mga gamit nya sa dati niyang inookupa na room."
"Talaga."
"Dude,baka ikaw talaga ang dahilan kung bakit mas gustong mag-stay dito ni Miss Margareth."may panunukso ang mga ngiting siniko pa nito si Brylle.
Pinandilatan ito ng mga mata ni Brylle.
"Tigilan mo ako sa kamamatch sa kaniya,dahil hindi ka si kupido.At saka may girlfriend na ako.."
"Girlfriend pa lang naman hindi pa asawa,Kaya puwede ka pa."
"Anong puwede pa ang pinagsasabi mo.Tumigil ka sa kalikutan ng isip mo."
Tumawa ito.
"Ito naman high blood agad,anu bang masama.Tsaka baka nga type ka ni Miss Margareth."
Binatukan ito ni Brylle.
"Bumalik ka na sa trabaho mo."
Napakamot ito sa ulo.Tahimik na bumalik sa ginagawa nito.
Samantala sa loob ng room ni Margareth.
Tahimik na umiiyak ang babae sa isang sulok,nakaupo ito habang nakadungaw sa bintana.
Malayo ang tingin na tila malalim ang iniisip.
Tumayo ito at tinungo ang refrigerator.Kumuha ng beer na maiinum.Pasalampak na naupo sa sofa.
Ang buong akala niya sa kaniyang pagbabalik ay hindi na siya muli pang masasaktan.Inisip na anuman ang kaniyang madadatnan ay nakahanda na ang kaniyang sarili.Ngunit hindi pa pala.
Hindi niya kinakaya ang bawat pasabog na ibinibigay sa kaniya ng ama.
Naghihimagsik ang kaniyang kalooban.Sadyang hinintay lang na mawala sa landas ng mga ito ang kaniyang Mama upang maisakatuparan ang plano ng mga ito na pagpapakasal.
Oh s**t!I hate you, Manolo.Kinamumuhian kita..
Inis na itinapon nito ang huling lata ng beer na wala ng laman.Kaagad na tumawag sa baba.Umorder pa ito ng beer.
Mahihinang katok ang ginawa ni Brylle,habang bitbit nito ang beer.
Hindi na siya muling nangahas na pumasok,kahit bahagyang nakaawang pa ang pinto.Hindi siguro nito naisara ng maayos..
"Pasok.."
Marahan niyang binuksan ang pinto.
Nagulat pa si Brylle.Hindi niya inaasahan ang madadatnang hitsura ng babae.Ang magulo nitong buhok na ang ilan ay tumatama na sa mukha nito.Namumulang pisngi.Halatang medyo naparami na ang inum nito.
Maraming nagkalat na basyo ng beer sa sahig.Kung gaano kasing gulo ang buhok nito.Ganun din kasing gulo ang ibabaw ng mesa nito.
"O, you again,"anito.
Namumungay na ang mga mata..
"Heto na ho ang beer."inilapag niya ito sa ibabaw ng mesa."May iba pa ho ba kayong kailangan?"
"Hmm.Cheers tayo.Samahan mo akong uminom."
"Naku!!hindi ho maaari..bawal po yan sa amin.."mahigpit na pagtanggi ni Brylle.
Tsk..gagawin pa siya nitong ka-sparing sa pag-inom.
"Hindi.Akong bahala..Maupo ka rito."pagkukulit ni Margareth.
"Naku,Mam..Pasensya na talaga. Bawal ho talaga sa amin.Lalo na ho kapag on duty kami sa trabaho."
Ibig ng makaramdam ng inis ni Brylle.Nakukulitan na ito sa babae.
"Kung wala na ho kayong kailangan,maiwan ko na ho kayo."
"Opps..No..no..I will call your supervisor."
Nagsalubong ang mga kilay ni Brylle.Talaga lang huh!Idadamay pa siya nito.Nandito siya sa Hotel para magtarbaho at hindi makipag-inuman.
At ang sagwa naman ata kung makikipag-inuman siya sa babaeng ito.May girlfriend siyang tao.Hindi niya sisirain ang tiwalang ibinibigay sa kaniya ni Malia.
"Pasensya na ho talaga.."
Dinampot nito ang cellphone sa table at may dinayal doon..
"Hello!Mr.Ramos,ibalato muna sa akin itong si...."saglitt itong tumigil."anong pangalan mo?"
Naiiling na hindi sumagot si Brylle.
Nakukulitan na siya sa babae..
At paanong nakilala nito ang kanilang head supervisor na si Mr.Ramos.Napakasungit kaya ng boss nilang iyun.Ewan ko lang kung umobra yang patawagtwag mo pa na nalalaman.Bulong ni Brylle sa sarili
At ng hindi sumagot si Brylle ay pilit na inaninag na lamang ni Margareth ang pangalan nito sa nakakabit nitong nametag.
"Hey,Mr.Ramos,are you still there?O-okay,balato mo sa akin ngayong araw itong si Brylle."
"Pasensya na Mam.Maiwan ko na ho kayo.May naiwan pa ho akong trabaho.."aniyang hindi na hinayaan pa na makapagsalitta ang babae.
Mabibilis ang mga hakbang na tinungo niya ang pinto.
"Ho-hoy wait..Sa akin ang serbisyo mo ngayong gabi."
Iyun na lamang ang narinig na sigaw ni Brylle. Bago niya ipininid ang pinto..
Bahala na ang babaeng iyun..
"Pinatatawag ka ni Sir.."
"Ako?"nangunot ang noo na tanong ni Brylle kay Harold.."bakit daw?"
"Hindi ko alam basta pumunta ka daw ngayon sa kaniyang opisina."
Sumunod naman kaagad si Brylle .
Bakit kaya siya nito pinatawag.Oh s**t!hindi kaya dahil kay Margareth.Ito lang naman ang naiisip na maaaring dahilan.Si Margareth lamang ang tumawag dito.
"Sir.."aniya.
"Oh,Mr.HErnandez,Come in."
"Salamat ho."
"Miss Margareth called me, and she talked to me..Puntahan muna siya ngayon din.."
Sinasabi ko na nga ba.Hindi siya nagkamali ng sapantaha dahil si Margareth nga ang dahilan kung bakit siya nito pinatawag.
"Pero Sir__"balak pa sanang magprotesta ni Brylle...
Ngunit pinutol na nito ang anuman kaniyang sasabihin.
"No but.Puntahan muna siya at kukulitin na naman ako nun sa tawag."anito.
Medyo halata din sa boses ang pagkairita.Siguro ay nakukulitan rin sa katatawag n Margareth.
"Sir,baka pwedeng iba na lang.Hindi na ako."muli ay pakiusap niya sa kay Mister Ramos.
Napailing ito.
"Ikaw ang gusto niya."anito.
Tiningnan si BRylle.Iyung tingin na hindi maiwasan ang pagdududa.
"Sir,mali ang iniisip ninyo."kaagad na nahulaan ni Brylle ang tumatakbo sa isipan ni Mister Ramos."Kilala ninyo ako,hindi ako ganun klase ng tao."
Napangiti naman ito.
Kunsabagay.matagal ng emplyedo si Brylle sa Hotel.Kilala na niya ito.Mabait at gentleman naman talaga.Wala siyang masabi sa pag-uugali nito at subok na niyang mapagkakatiwalaan ang lalake.
"Sige na, puntahan muna.Mabuti ng ikaw ang pumunta dahil may tiwala ako sayo.Alam kung wala kang masamang gagawin sa kaniya.Lalo at mukhang lasing na ang babaeng iyun."anito.
"Sir, naman."pagprotesta niya.
"Pakisamahan mong mabuti si Miss Margareth.Ngayon gabi ay nakasalalay sa kaniya ang trabaho mo.Kaya kung ayaw mo masisante pakisamahan mo siyang mabuti."
"Sir,huwag naman ganun."
"Kaya nga,sumunod nalang tayo sa kagustuhan niya."
Napailing si Brylle.Kahit anong gawin niyang pakiusap kay Mister Ramos ay hindi ito pumayag.Ano pa nga ba ang kaniyang magagawa kundi ang sumunod sa ipinag-uutos nito.
Ang swerte naman ng babaeng iyun dahil napasunod nito si Mister Ramos.Mahigpit at istrict kaya ito pagdating sa trabaho.
Pero ngayon ay naging sunud-sunuran lang sa guest na si Margareth.