Namula ang pisngi ni Brylle ng maging tampulan siya ng tukso.Sa sinabi ni Miss Margareth ay naging malisyoso tuloy ang mga ito.Naiiling na hindi na lamang pinatulan ni Brylle ang panunukso ng mga katrabaho.Dahil tiyak na hindi siya titigilan ng mga ito kapag ipinaliwanag pa niya ang nangyari kagabi. Mas lalo lamang mag-iisip ang mga ito.Lalo na si Harold na hindi siya tinatantanan hanggat hindi niya ikinukuwento ang nangyari.
Tsismoso talaga ang kaibigan niyang ito.
"hindi kaya may gusto sayo si Miss Margareth?"
Muli ay nakatikim ito ng batok mula kay BRylle.
"Kung ano-ano ang inilalagay mo diyan sa utak mo.Tigilan mo nga ang pagiging malisyoso ng utak mo,dahil baka may makarinig pa sayo."
Napakamot na lamang ito sa ulo.
Naging punong abala ang lahat ng araw na iyun .Biglaan ang naging desisyon ni Miss Margareth na iparenovate ang Hotel.
May mga dumating kaagad na engineer and architect sa hotel.At ng mga oras na iyun ay kausap nito kasama si Atty.Mendes.
"May mga guest pa ho tayo Miss Maragreth,next week pa ho ang check-out nila."wika naman ni Mister Ramos.
"It's okay,hindi pa naman agarang bukas ay ipapagawa ko,but next week pansamantala muna tayong magko-closed."
"Yes po."
Niilibot nila ang kabuuan ng hotel pati na ang labas nito upang ipakita kung ano ang gustong pagbabago na kaniyang gagawin.Marami silang napag-usapan ng mga bisita bago umalis ang mga ito.
Masaya ang lahat ng sumapit ang oras ng tanghalian. Dahil nagpakain ng libre si Margareth.
Natutuwa siya sa mga empleyado na nanatiling loyal sa Hotel.Sa kabila ng napabayaan na ang Hotel ay hindi pa rin naisipan ng mga ito na maghanap ng ibang trabaho at lumipat sa iba.
"Ang bait naman pala ni Miss Margareth, mabuti na lang nagpakain ng libre dahil wala pa naman akong baon ngayon araw."
"Kilan ka ba nagdala ng baon mo?"tanong ni Brylle."asa ka lang naman sa mga lumilibre sayo at pati ang baon ko pinapatulan mo."
"Ito naman,huwag mo naman akong ibuking."ani Harold na punong-puno ng pagkain ang bibig.
"Matagal ka ng buking,Harold."sabat ng isa."Alam na namen ang karakas mo."
Napuno ng tawanan.Nawala ang atensyon kay Brylle at nabaling sa kaibigan kay Harold na pumabor naman sa kaniya para matigil na ang mausyosong tanong ng mga ito about sa sinabi ni Miss Margareth.
Nagulat ang lahat ng biglang dumating si Manolo Arevalo.
Halos na magkakapanabay na nagbigay galang ang mga empleyado sa dating boss ng Hotel.
"Mukhang may nagkakasiyahan kayo,ah."anito.
Tanging ngiti lamang ang isinagot ng mga ito.
"Mukhang kumpleto ang lahat ng employee ng hotel."
"Yes,Sir."
Tumango-tango ito.Hindi na siya nag-abala pa na tanungin kung bakit ang lahat ng emplyeyado ay nasa baba at nagkakasiyahan.Pumunta lang naman siya doon upang ipaalam sa mga ito na hindi magtatagal ay iba na ang magmamay-ari ng Hotel.
"Mabuti kung ganun dahil hindi ko na kailangan pala magpatawag pa kung nandito na kayo lahat."
"Sir?"
"Nais kung ipaalam sainyo na hindi ko man ibig na mawalan kayo ng trabaho,ngunit nakakalungkot man isipin pero napagdesisyunan ko na ibenta na lamang itong Hotel.Huwag kayong mag-alala dahil nakiusap naman ako sa buyer na kung sakali ay huwag na kayong tanggalin."
Nagulat ang lahat.Hindi makapaniwala sa sinabi ni Manolo.Nasa mukha ng mga ito ang matinding pagtataka dahil hindi nila alam kung sino ang papaniwalaan na ngayon.Kanina lamang ay ibinalita sa kanila ng kanilang bagong Boss na ipaparenovate ito tapos ngayon ay biglang sasabihin ni Mister Arevalo na ibebenta na nito ang Hotel.
"Teka!ano bang meron at mukha atang nagkakasiyahan kayo?"bigla ay nagkaroon ng curiousity na tanong ni Manolo.
"That's my idea."
"Margareth?"bulalas nito.
Gumuhit ang pagtataka sa mukha nito ng makita ang anak.Hindi niya inaasahan na doon sila muling magkikita ni
Margareth.
"Kumusta ka?Anong ginagawa mo rito?Dito ka ba tumutuloy?Okay ka lang ba?"sunod-sunod na tanong nito sa anak.
Napaangat ang isang kilay ni Margareth.Akala mo naman kung makapagtanong ay may pag-aalala.Kung hindi pa niya alam na isa itong mapagkunwaring nilalang ay baka naniwala pa siya.Ngunit ang bawat salitang lumalabas sa bibig nito ngayon ay hindi na niya kaya pa na paniwalaan.
"Anong ginagawa mo rito?"
"Ikaw?Bakit ka nandito?"balik tanong ni Margareth sa kaniyang ama.
Hindi nito pinansin ang tanong ni Margareth.
"Maaari ba tayong mag-usap.May dapat tayong pag-usapan."
"Wala tayong dapat pag-usapan.Nandito ako kasi naisipan kung iparenovate itong Hotel tutal naman eh,isa ako sa may-ari ng Hotel na ito."
Bumakas sa mukha ni Manolo ang pagkagulat.
"Pero Margareth iyun nga ang dapat nating pag-usapa,anak."
"Nagulat ba kita?Pasensya ka na hindi na kita nainform pa..Mukha kasing napapabayaan na itong Hotel,tutal nandito na rin naman ako ay pupuwede naman ako na lang ang mamahala,hindi ba?"may pagkasarkatiskong wika ni Margareth.
Hindi binanggit ni Margareth na may alam na siya sa plano nitong pagbebenta.Gusto niyang makita ang reaksyon ng ama sa kaniyang mga sinasabi.
Palihim na sinenyasan naman ni Atty.Mendes aang mga empleyado na magsibalik na ang mga ito sa trabaho lalo na at nasa mukha ng mga ito ang mga pagtataka sa palitan ng salita ng mag-ama.
"Hija,ka-kaya ako pumunta rito para kausapin ang mga empleyado.Pasensya ka na kung hindi ko nasabi sayo kaagad na may nakuha na akong buyer nito Hotel."
Hindi na nagulat pa si Margareth.
"Pagkatapos mong pabayaan ngayon ay ibebenta mo."
"Hija,hindi ko naman pinabayaan itong Hotel.Nagkataon lang na busy ako sa ibang negosyo."
"Sa ibang negosyo..I see."aniyang napatango-tango."Wala akong pakialam sa sinasabi mong ibang negosyo,basta hindi mo maaaring pakialaman itong Hotel."
"Hija..."
"Hindi sayo ang Hotel na ito kaya wala kang karapataan na ibenta ito."
"margareth,huwag na nating pagtalunan ang bagay na ito.Maaari pa naman tayong magpatayo ng bagong Hotel kung gusto mo talaga ."
"Hindi mo pakikialaman ang pagmamay-ari ni Mama..Ito nalang ang natitirang alaala ni Mama.Pati baa naman ito ay gusto mong itapon.Pwes!hindi ako makapapayag."
"Hija..Hindi mo ako naiintindihan.."
"Wala tayong dapat na pag-usapan pa.MBy the way,umatras na rin naman yung bibili ngitong Hotel."
"Ano ang ibig mong sabihin?"gulat na hindi makapaniwalang tanong nito.
"Hindi na interesado ang buyer mo sa Hotel."
"A..alam mo ang tungkol dito."
Nagkibit-balikat lamang si Margareth.
"Tapos na ang usapang ito.Huwag mo pakikialaman ang Hotel."