Halos umusok ang bumbunan ni Margareth sa matinding galit ng malaman kay Atty.Mendes na ibinibenta na ng kaniyang papa ang bluehigh hotel.Sino ito para magdesisyon sa bagay na iyun?Hindi ito pagmamay-ari ng kaniyang ama. Kaya wala itong karapatan na gawin iyun.Hindi siya makapapayag na ang natitirang alaala ng kaniyang ina na pinagpaguran nito ay mapupunta na lang sa wala,Pati ba naman ang Bluehigh Hotel ay hindi nito pinatawad.
Ano ba ang gustong mangyari ng kaniyang ama. Kamkamin ang lahat ng pagmamay-ari ng kaniyang ina.Pgkatapos nitong pabayaan ay ibebenta nito.
Baka nakakalimutan nito na ang lahat ng mayroon ito ngayon ay dahil sa kaniyang ina.
"That's bullshit!"hindi napigilan ni Margareth ang sarili.
Sa bawat araw,simula ng bumalik siya sa Pilipinas ay tila sinasadya nito ang mga bagay na puwede niyang ikagalit.Hindi niya alam kung sinasadya ba iyun ng kaniyang ama.Pagkatapos nito na pabayaan ang ilang ari-arian ng kaniyang Mama.Tapos ngayon malalaman niya ibebenta nito ng wala man lang kahit na abiso sa kaniya.
Baka nakakalimutan nito na isa siya sa tagapagmana.
Ang kapal ng mukha nito gayung hindi naman nito pinaghirapan ang lahat.
"Hey!kumalma ka nga muna,huwag mong daanin sa init agad ng ulo."ani Jazher.
"Paano ako kakalma,Jazher?Pinabayaan na nga niya ang ibang negosyo ni Mâma. At tapos ngayon malalaman ko binabalak niyang ibenta ang Hotel."
"That was your father decision."ani Atty.Mendes.
"Hindi ako makapapayaag Tito ROman."Aniya kay Atty.Mendes."Kahit na umabot pa kami sa korte.Hindi niya magagalaw ang Bluehigh.."mariin niyang wika."wala siyang karapatan para magdesisyon."
"But he already talked to someone who would buy it."
"No."umiling si Margareth."I will not agree with his decision.Because hindi pagmamay-ari ni Manolo Arevalo ang blue high and you know that,Tito."
"Don't worry,dahil inaasikaso ko na ang lahat ng mga papeles and you also have the right to decide sa mga naiwang ari-arian ng Mama mo,since your mother has a last will and testament."
Tumango si Margareth.Ngunit hindi pa ito ang tamang panahon para malaman ni Manolo kung ano ang nakasaad sa last will and testament ng kaniyang Mama.
Hahayaan na muna niyang namnamin nito ang natitirang mga araw nito bilang CEO ng kumpanya.
"Kayo na bahala kumausap sa buyer niya Tito Roman,alam nyo na ang gagawin ninyo."ani Margareth.
Hindi niya hahayaan na mawala ang bluehigh hotel at mapunta sa ibang tao.Sapagkat alam niya kung gaano kahalaga sa kaniyang ina ang hotel.Ito ang unang pinaghirapan ng kaniyang ina na maitayo ng hindi humingi ng tulong sa kaniyang Lolo Anton.
Pinagsumikapan ng kaniyang Mama iyun sa sarili nitong pawis at hirap.Kaya kahit pa saan sila makarating na korte ay ilalaban niya iyun.At ang lakas ng loob ng kaniyang ama na ibenta iyun gayun kahit na katiting na pawis ay wala itong naiambag.
Tumango naman si Atty.Mendes..Hindi na talaga niya mapipigilan si Margareth sa mga plano nito.Gustuhin man niyang pumagitan sa mag-ama para hindi na sana humantong sa ganito.Subalit palaging na kay Margareth ang kaniyang loyalty dahil nag-iisa itong anak ni Editha na kaniyang kaibigan kaya hindi niya ito maaaring pabayaan.
Napabuntong hininga ng malalim si Margareth.
Kaunting panahon na lang ang kaniyang hihintayin at mapapasakaniya na rin ang trono ni Manolo Arévalo sa kumpanya.
Hinihintay na lamang niya ang takdang panahon.Tiyak na magugulat ang kaniyang ama dahil isang araw paggising nito ay sa kangkungan na ito pupulutin.Kasama ang pangalawa nitong pamilya .Dahil wala siyang ititira na kahit na katiting sa kaniyang ama.
Nagulat ang lahat ng employee ng Bluehigh sa biglaang pagpapatawag ng management para sa urgent meeting.
At hindi inaasahan ni Brylle na muli niyang makikita doon si Margareth.
Ngunit ang kaniyang ipinagtataka ay kung bakit naroon din ang babae sa magaganap na pagpupulong ng mga staff at employee ng blue high.Anong ginagawa ng babaeng ito rito?
Hindi sinasadyang nagtama ang kanilang mga paningin.Ngunit si Brylle ang unang nagbaba ng tingin.
Hindi na dapat pa siya nakikipagtitigan pa sa ibang babae.Ngunit bakit kapag dating kay Margareth ay hindi niya maiwasan.
"Okay,Listen everybody."
Natahimik ang lahat bigla.
Natuon ang atensyon ng mga ito sa harapan upang pakinggan kung anuman ang sasabihan ng kanilang Supervisor.
"This is Miss Margareth Arevalo.Ang anak ng may-ari ng Blue high hotel..At nagpatawag siya ng pagpupulong upang hingin ang inyong cooperation.Magmula sa araw na ito ay si Miss Margareth na ang ating Boss."
Natigilan si Brylle.
Langhiya!kaya naman pala may lakas loob itong utusan ang kanilang Supervisor dahil ito ang may-ari ng Bluehigh hotel.
Kaya naman pala palaging ang punta nito ay sa hotel na iyun dahil ito ang nagmamay-ari.
Hindi niya akalain na boss pala niya ang babaeng ito,.
Hindi na tumatak pa sa isipan ni Brylle ang mga salitang binitiwan ni Margareth habang nagsasalita ito sa harapan.Nawala ang kaniyang utak sa pokos.
Kung ganun ay palagi ng magtatagpo ang landas nila ng babae.Ito na ang bago nilang Boss.
"Akalain mo yun boss pala natin Si Miss Margareth."ani Harold.
Tumango lamang si Brylle.
"Hindi ka man lang naexcite?"tanong nito kay Brylle.
"Anong gusto mo magtatalon ako sa tuwa,huh?"aniyang binatukan ang kaibigan.
"Ito naman,wala ka ba kahit na kaunting paghanga kay Miss Margareth?"
"Anong klaseng tanong yan?"pinandilatan niya ito ng mga mata."May girlfriend ako at saka__"
Natigil siya sa pagsasalita ng bigla siyang siniko ni Harold.Patungo sa kanilang direksiyon si Margareth.
"Brylle,kung hindi ako nagkakamali?"anitong nakangiti.
"Yes,Mam."ani Brylle.
"Oh!by the way, Thank you kagabi for taking care of me.Nakalimutan kong magpasalamat sayo nung nag-usap tayo."
Napalunok ng laway si Brylle .
Lalo na at iisang direksyon lamang dumako ang mga mata ng kaniyang mga katrabaho.Sa kaniya.
Alam niyang iba ang itinatakbo ng isipan ng mga ito.
"I said,thank you."pag-uulit ni Margareth.
"Thank you daw."ani Harold na may kasama pang pagsiko sa kaniya.
Tumango si Brylle.
Hindi makatingin ng diretso kay Margareth.Nahihiya siya sa kung anuman ang iniisip ng mga nakapaligid sa kanila.Wrong timing naman kasi.Hindi man lang ito nag-alinlangan na sabihin iyun kahit na may mga naakaapaligid sa kanila.Ano na lang ang iisipin ng mga ito.
"Walang anuman ho."
"Hindi ko alam na mahiyain ka pala."nakangiting wika ni Margareth.
Hindi siya mahiyain.Naalangan lang siya dahil sa kanila nakatuon ang atensyon ng mga empleyado.