- Honey -
Oras na para mag-class dismiss. Kahit marami akong pinagawanh activities sa mga bata ay makukulit pa rin ang mga ito at parang hindi napagod. Sabagay bata pa sila at maraming energy, ako ang pagod dahil sa kakasaway kung minsan.
“Goodbye Class."
“Goodbye Teacher Honey!"
“See you tomorrow. Mag-ingat sa pag-uwi mga anak." nakangiti ko habang nagpapaalam sa mga bata.
Nakapila ang mga ito sa labas ng room para maghintay ng kanilang sundo. Napatingin ako kay Misty na tahimik na nakatayo sa gilid. Nakatingin ito sa akin at biglang ngumiti ng humarap ako sa kaniya. Kaya nilapitan ko.
“Will your Uncle pick you up?" tanong ko kay Misty.
Tumango ito at mas lalong lumawak ang pagkakangiti.
“He will come here Teacher. Can we wait my Uncle?"
“Uh oh. Sure. Pasok ka muna sa loob habang naghihintay."
Mabilis naman itong sumunod at naupo sa kaniyang chair. Paisa-isa kong binigay sa mga parents ang kanilang anak. Hanggang sa wala ng natira kaya bumalik na ako sa loob ng classroom.
Nakita kong may hawak na phone si Misty na para bang may kausap. Hindi ko na siya ginambala at hinayaan ko na lamang habang naghihintay sa kaniyang Uncle. Inayos ko na ang gamit ko. Kailangan ko rin na maglinis at magligpit ng ilang gamit na ginamit namin sa activity ng mga bata.
“Mama Honey."
Napatigil ako sa ginagawa ng tawagin ako ni Misty. Kaya nilapitan ko ito.
“What is it?" malambing kong tanong.
“Mama Honey can you join us with Uncle later?"
“Join? Anung gagawin natin? May pupuntahan ba kayo?"
Tumango ito at ngumiti.
“Yes po. But only Uncle knows where's the place."
“Who's Uncle?" parang gusto na naman kumabog ng dibdib ko sa naisip.
“Uncle Xander." lumawak pa ang pagkakangiti nito.
“H-huh? Pero bakit K-kasama ako?"
Ayoko pa naman sana itong makita dahil nakaka- intimate kung tumingin. Para bang palagi akong may kasalanan sa paraan ng titig nito sa akin. Tapos isasama pa ako? Jusko naman.
“That's my request to my Uncle to bring you with us."
“Mmm" napakagat nalang ako ng ibang labi.
“Where is your Uncle?" tanong ko sa bata.
“He said ... Oh my Uncle!" tuwang-tuwa na napatayo sa upuan si Misty at nagtatakbo para lumapit sa kaniyang Uncle Xander.
Jusko po. Biglang tumalbog ng malakas ang aking dibdib. Bakit ganito naman ito sobrang lakas ng dating? Ang buhok nitong basta nalang itinali pataas at ang makapal nitong balbas na ikinatindig ng balahibo ko. Ang suot nitong itim na long sleeve na natupi sa magkabilang braso nito ay lumalabas ang balahibo nito at ang nangangalit nitong mga ugat. Isang kupasin na pantalon at kulay brown na boots na para bang isang hot cowboy. Heto na naman ang puso ko na parang sinisipa ng kabayo sa lakas ng t***k.
Mula pa kaninang umaga ay ganito na ang nararamdaman ko, halos madistract ako sa panahon ng pagtuturo ko sa mga bata, mabuti na lang at nalagpasan ko pero heto na naman bakit ito ang sumundo kay Misty? Dapat si Xavier na lang na Uncle ni Misty. Mas sanay ako dun dahil bukod sa palaging nakangiti ay friendly pa. Samantalang ito ay para bang pati paghinga ko ay binabantayan nito.
Mabilis na kinarga ni Sir Xander ang kaniyang pamangkin. Para silang mag-tatay kung tutuusin pero hindi, dahil minsan ko nang na-meet ang parents ni Misty.
Mabilis akong napatungo sa kanilang mag-tiyuhin ng bumaling sa akin si Sir Xander. Tumalikod na ako para ipagpatuloy ang ginagawa. Kunting punas na lang at uuwi na rin ako. Magdadahilan na lang ako para hindi sumabay sa kanila.
Matapos kong ayusin ang bag ko ay napatingin ako sa may pintuan. Andito pa rin ang mag-tiyuhin na mukhang hinihintay ako. Si Misty naman ay bumubulong sa kaniyang Uncle.
“Are you done Ms. Gonzalez?" malalim na boses na pagtatanong nito.
“H-huh? A-ah y-yes."
Jusko po. Bakit naman po ganito ito sa akin.
“My niece already told you about coming with us?"
“I think Mama Honey will join us Uncle." bulong ni Misty na abot naman sa aking pandinig.
Napaayos tuloy ako sa aking salamin na dumulas saaking ilong.
“A-ah kuwan. K-kasi --"
“Let's go. Hindi na dapat tayo naghihintayan pa dito. Ayokong ma-traffic sa daan."
Mapang-utos nitong salita at tumalikod na. Ako naman ay napanganga na lang. Hindi man lang ako tinanong kung pumapayag ba ako? Pero nakita ko si Misty na malawak ang pagkakangiti na nakatingin sa akin habang lumalabas sila ng classroom.
Eh kung hindi kaya ako sumama sa kanila? Hindi naman kami ganun ka-close para sumama sa kanila. Si Misty lang ang estudyante ko na inaalagaan ko. At hindi siya. Kahit Uncle ito ni Misty ay mahirap na pagtiwala ngayon. Nakakatakot na ang panahon ngayon, mas lalo pa at nakakatakot ang itsura niyang mukhang Ermitanyo.
Hindi ako sumunod. Hinayaan ko silang lumabas at tiyak nagpunta na silang parking. Ayaw ko talaga sumama at saka para saan? Wala naman binanggit kung saan kami pupunta. Lalo pa at pagkatapos ng klase ay umuuwi na kagad ako ng bahay. Bihira lang mangyari na late ako makauwi kapag may school programs o magkayayaan lumabas ng mga kasama kong teachers.
Ah bahala na, after ko patayin ang ilaw ng room ay ni-lock ko na iyon. Bitbit ang malaki kong bag at ilang folders ay lumabas na ako. Pero halos matanggal ang kaluluwa ko sa katawan ng halos mabunggo ako sa isang malaking nilalang... Hindi isang tao pala na walang iba kundi si Sir Xander.
Hindi ko masiguro kung nakasimangot ito o ewan dahil sa balbas nitong makapal pero ang talim ng mga mata nito pagsalubong ng mga mata na nakatingin sa akin ay nagpataas na naman ng buhok ko sa katawan.
"K-kanina ka po ba diyan S-sir?" nauutal kong tanong na halos hindi ko kayang salubungin ang kaniyang mga mata.
"Yes. Let's go."
"P-pero Sir. Bakit po ako sasama? Anu pong gagawin? At saka saan po ba pupunta?"
Napatigil ito sa paghakbang at masamang tingin ang ibinigay nito sa akin.
"Why you asking so many question?"
"Huh?" natigalgal ko. Bakit parang napahiya pa ako sa tanong ko.
Pero bago pa ako makapagsalita ay mabilis na hinablot ni Sir Xander ang aking gamit sa mabilis nitong malalaking kamay.
"S-sandali lang po Sir!"
Pero hindi ito nakinig sa akin at ang lalaki ng mga hakbang na lumabas ng building. Napanganga na naman ako. Bakit ganito ito? Bakit parang pwersahan?
Napatingin ako sa may bandang likuran ko at nakita ko ang ilang mga co-teachers ko na napapatangin sa akin. Nagbubulungan pa ang mga ito na halos gusto ko na lang ikalubog sa kinatatayuan ko.
"Teacher Honey!"
Narinig ko sigaw ni Teacher Santos na isang chismosa. Imbes na lingunin ko ito ay nagtatakbo palabas ng building. Jusko po, ayoko na. Bahala na kung ano ang mangyayari bukas dahil tiyak puputaktehin na naman ako ng dalawang co-teachers ko o mas malala ay malaman pa ito ng ibang teachers sa cuong campus.
Napahilot ako sa aking noo ng mapansin na marami ang mga sasakyan na sa parking. Jusko po naman, alangan naman na isa-isahin ko ang mga ito para malaman kung andito pa si Misty ang kaniyang Uncle na mukhang ermitanyo.
Isang malakas na busina ang narinig ko sa aking likuran kung kaya napaharap ako. Nakita ko ang isang expensive car na kulay itim na Bugatti Chiron na nakabukas ang bintana. Si Xander na maangas ang mukha.
"Hop in!"
Hindi ko alam kung susunod ba ako dito o hindi pero nasa kaniya ang gamit ko. Andun pa naman sa bag ang wallet ko kaya paano naman ako makakauwi kahit cellphone ko ay nasa bag. Para akong inutakan nito. Hindi pa sana ako kikilos ng may mga bumusina na rin sa aking likuran. Kainis naman..
No choice ako kundi nagmamadaling lumapit sa isang mamahaling sasakyan. Sinadya ko talagang sa may bandang likod buksan ang pintuan. Dahil tiyak katabi nito ang pamangkin na si Misty.
Pagbukas ko ay nagulat ako sa malaking ngiti ni Misty.
"Hi Mama Honey. Why did you take so long to come here?" nakangiting tanong nito sa akin.
Umusog si Misty kaya umupo muna ako ng maayos na halos ikalubog ng aking pang-upo ang upuan ng sasakyang ito sa sobrang lambot. Pero nagpatay-malisya na lang ako at baka sabihin na ignorante ako which is totoo naman. Balak ko pa sanang isarado ang pintuang kotse pero biglang nag-automatic lock ito.
Edi sana all nalang...
Ito pa lang ang ikalawang beses akong sasakay ng mamahaling sasakyan. Dahil ang una ay kay Ate Lily na kapag uuwi ito sa kanilang mansion ay iba-iba ang dalang sasakyan. Si Ate Max naman ay bihira lang sumakay ng kotse kadalasan ay sa kapatid nito ang gamit dahil most of the time ay big bike nito ang palaging ginagamit sa trabaho.
Ang tahimik sa loob ng kotse, dahil may hawak na ipad si Misty habang ang kaniyang Uncle Xander naman ay tahimik na nagmamaneho. Kating-kati tuloy akong itanong kung saan nito nilagay ang aking gamit bakit parang hindi ko makita.
"Are you looking for something po Mama Honey?"
Napalingon ako kay Misty kaya binulungan ko na.
"Nakita mo ba ang bag ko?"
Tumango ito.
"Uncle Xander where did you hide Mama Honey's bag?" Misty asked so loud.
Napapikit tuloy ako. Baka magalit pa ito dahil nagda-drive ay tinatanungan pa. Mukha pa naman palaging galit.