Chapter 4

1901 Words
- Honey - Andito kami ngayon sa isang mataas na gusali na sa tingin ko ay sikat na Hotel. Binasa ko ang nasa malaking tarpaulin at nakalagay dun ay 'Mc Hotel'. Nakakagulat lang dahil kung i-assit si Sir Xander ay para ba itong hari mula pa kanina pagbaba namin ng sasakyan nito. Halos hindi magkamayaw ang mga staff. Hindi ko tuloy matanong si Misty na karga sa kanang braso ng kaniyang Uncle kung madalas ba sila sa lugar na ito at para bang kilalang-kilala sila. May nakita pa akong halos magkandabali-bali ang leeg kakatangin sa amin, habang ang ibang staff na mukhang sosyalin ay nakataas ang mga kilay na nakatingin sa akin. Bigla tuloy akong nahiya sa lugar na ito, dahil bukod sa nakauniporme pa ako ay mukha pa akong manang. Napayuko na lang ako, siguro bawal ang mahirap dito. Pumasok kami sa loob na para bang VIP room. Ang ganda ng loob dahil dominante ang kulay na dark ang theme kahit na andito pa rin naman kami sa iisang floor. Ibinaba ni Xander ang kaniyang pamangkin, at mabilis naman na naupo ang bata. Tumingin naman sa akin si Xander pero ako ay mabilis na napatungo at tumabi kay Misty para umupo. Hindi na ako nagpaalam basta uupo na ako. Lalo pa at bigla akong nilamig sa lakas ng aircon sa room na ito. Isang malaking rectangle table na para bang ginagamit ng mga VIP sa meeting ang aming kinauupuan ngayon kaya sobrang laki pa ng space at marami pang bakanteng upuan sa left side ko para sa aming tatlo. Umupo naman sa aking harapan si Xander maya mas lalo tuloy akong nilamig sa tingin nito sa akin. "Im hungry po Uncle Xander." pambasag ni Misty sa katahimikan ng lugar. "Okay, put your gadget down." "Okay po Uncle Xander." nakangiti nitong sagot at nilapag nito ang hawak na ipad sa isang bakanteng upuan. Hindi ko alam na kakain lang pala kami dito, bakit hindi niya sinabi. Pero nainis pa rin ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nito binibigay ang gamit ko na hindi ko alam kung saan niya itinago. Hindi kasi nito sinagot ang tanong kanina ni Misty. Lokong tao pala ito. Tinawag ni Xander ang isang staff na mabilis ding lumapit. May sinasabi ito na hindi pamilyar sa akin. Tinanong din nito si Misty na mabilis naman na sinagot ng bata. At ang panghuli ay ako na hindi ko alam kung anung sasabihin. Dahil puro sosyalin naman an mga binanggit ng mga ito. "You can use your menu" Xander said. Pakiramdam ko ay namumula ang mukha ko sa pagkapahiya. Oo nga naman, may menu kasi dito sa tabi ko hindi ko man lang pinansin. Kaya kinuha ko iyon, medyo nanginig pa ang kamay ko dahil sa matinding lamig ng aircon ay nakatingin silang lahat sa akin. Jusko po, bakit ba kasi ako napunta dito. Kayang-kaya ko naman kumain sa bahay na kahit tuyo lang ang ulam. Parang nagkandaduling-duling pa ako sa binabasa ko kaya kailangan ko pang tanggalin ang eyeglass ko para punasan. Napakunot noo na lang ako dahil hindi ko talaga mabasa ng maayos ang nasa menu. Pambihira ganito ba talaga kapag mga mayayaman? Ilang beses na rin akong nakakain sa magagarang restaurant lalo na kapag nakakalibre kami kay Ate Lily na akala mo ay tatakbong Mayor sa hilig magpakain sa mga ganito pero hindi ko iniintindi ang menu dahil wala naman akong pambayad. Basta kakain na lang kami lahat at mabubusog ng bongga. Nawala ang panlalamig ko sa katawan dahl sa aircon at napalitan iyon ng pawis. Jusko po... "I can help you Mama Honey to decide what's the best food here." biglang salita ni Misty. Napatingin ako sa aking estudyante na para bang superhero ko na ngayon. Jusko po talaga. "O-okay." Pumayag na ako para matapos na at nakakahiya naman sa waiter na kanina pa nakatayo at ako na lang ang hinihintay. Nakakainis din itong si Xander na nakakadagdag ng kaba kaya mas lalo akong nalilito sa pagpili. Umalis na rin ang waiter at heto kami ngayon ay biglang tumahimik na para bang may dumaan na anghel. Yumuko na lang ako dahil hindi na ako natutuwa sa lalaking kaharap ko ngayon na para bang hinahalukay ang lamang loob ko. "How's your day Princess?" Xander asked his niece. "Its so good Uncle. I got a perfect scores on our activites." masayang pagbabalita ni Misty sa kaniyang Uncle Xander. Tahimik lang akong nakikinig sa mag-tiyuhin, para bang sanay na ang mga ito dahil tuwang-tuwa ang bata sa pagkukwento nito sa kaniyang maghapon sa eskwelahan. Hindi ko tuloy maiwasan na humanga ng kaunti kay Xander na kahit mukhang galit ang itsura ay lumalambot pala ito sa kaniyang pamangkin. Ngayon ko lang din napansin na ngumingiti ito habang nagsasalita. Mas lalo itong naging gwapo dahil lumalabas ang mapuputi at pantay-pantay nitong ngipin. Sa kakatingin ko sa kaniya ay nahuli niya akong nakatitig at huli na para umiwas dahil huli ako sa akto. Jusko naman Honey. Umayos ka nga! Mabuti na lamang ay dumating ang maraming waiter na may bitbit na maraming pagkain. Seryoso 'to? Isa-isang nilapag ng staff ang pagkain na sobrang dami na akala mo ay may birthday party. Biglang kumalam ang tiyan ko ng maamoy ko ang masasarap na dishes na hindi ko man lang alam kung anong mga tawag. May iilan na pamilyar sa akin, pero ang beef steak ang umagaw sa paningin ko. Gusto ko ng maglaway tuloy. Pero kahit gusto kong kumain na ay kailangan ko muna maghinay-hinay. Baka akalain nitong si Xander ay matakaw ako kaya dapat may manners pa rin at maghintay ng sign mula sa kaniya. Pero mukhang si Misty ay hindi na nakapaghintay at nagsimula ng kumain. Talaga ngang kahit anak mayaman itong estudyante ko ay fried chicken ang paborito tulad sa ibang mga bata. Nagsimula na kaming kumain, at talaga namang tunog lang ng kubyertos ang maririnig. Ako naman ay tahimik lang na nakikiramdam. Kahit na marami pa ang pagkain ay parang ayaw kainin ng sikmura ko lahat. Siguro mamaya na lang pag-uwi ng bahay dahil mas sanay ako sa pagkaing mahirap kesa sa ganito na sobrang mahal na nga at masarap ay may kaharap ka pang panay ang tingin. Sino bang gaganahan kumain? "Are you already done?" kunot noong tanong ni Xander sa akin at tinignan ang laman ng pinggan ko. Malinis ang pinggan ko para walang masabi, pero kaunti lang talaga ang kinuha ko para kainin. "Y-yes. Thanks for the dinner." magalang kong sagot at ngumiti ng kunti. Ewan ko ba pero matapos naming kumain na hindi pa nga naubos ang iba ay tumayo na rin kami. Pumunta kami ng lobby at nakita muli ang ilang mga staff na tuwang-tuwa na nakita si Xander. Lumapit si Xander sa may reception at parang may kinakausap. Nakita ko paano kung kiligin ang ilang mga kababaihan. Siguro crush ng mga ito ang lalaki. Kung sabagay sa gwapo at tikas ba naman nito dagdagan pa ng height nitong mala-poste ang tangkad. Hinawakan ko si Misty ng makita ko itong humikab. Napagod na ito sa maghapon sa school at kailangan ng maagang magpahinga. Yumuko ako sa kaniya. "Are you tired now?" Tumango ito at pumungay ang mata. "Yes, Mama Honey. I want to sleep now." sagot ng bata. Naawa naman ako kaya naglakad na kami palabas ng building. Mukhang matatagalan pa sa pakikipag-usap ang Uncle nito dahil tuwang-tuwa pa ang mga babaeng empleyado. Saktong nasa harap na kami ng sasakyan ng tumunog iyon kaya napalingon kami sa nagmamadaling lumakad na si Xander na ngayon ay mukhang galit. "Go inside." masungit na salita nito. Mukhang hindi nagustuhan ang pang-iiwan namin ng kaniyang pamangkin. Eh pabagal-bagal kasi siya alam na ngang may kasama kaming bata. Nang makapasok sa loob ng sasakyan ay agad na humiga sa aking kandungan si Misty. "Just sleep Misty." magaan kong sinuklay ang buhok nitong parang ginto. Hindi na ito umimik at pumikit na ng mata. Naawa naman ako dahil sa matinding pagod nito. Alam ko rin na naghahanap na rin ito ng aruga ng isang magulang. Ilang weeks na lang din naman ay matatapos na ang klase at uuwi na ng bansa ang magulang ni Misty para kunin ito. Napatigil ako sa ginagawa ng makita kong nakatingin lang si Xander sa aming dalawa ng kaniyang pamangkin. Hindi pa pala umaandar ang sasakyan. "Why you didn't tell me that she already tired now." Natameme naman ako. Gusto ko sanang magsalita pero pinili ko na lang wag na sumagot. Pinaandar naman nito ang kotse para mag-drive. Napapansin ko na ibang way ang dinaraanan namin. "S-sir, saan po tayo pupunta?" tanong ko. "Home." "H-huh? Eh kung ganun ibaba niyo na lang po ako sa may kanto." parang gusto kong mainis ngayon. Alam na ngang pauwi na rin ako. "Ihahatid kita dont worry." "Pero hindi naman ito ang way pauwi sa amin." parang gusto kong kabahan tuloy. "I know. Ihahatid muna natin si Misty before you go home." Hindi ko alam kung mapapahiya ba ako sa sinabi nito o mayayabangan sa tono ng pagsasalita. Hindi na lang ako sumagot pero nakaramdam na ako ng inis sa Ermitanyong ito. Matapos ng isang oras ay nakarating kami sa isang mansion na sobrang laki. Grabe lang dahil nakakalula ang laki at lawak ng lugar na ito na para bang nasa ibang bansa ka. Hindi na dapat akong magtaka dahil alam kong galing sila sa mayaman pero nakakamangha pa rin ang ganito kagandang mansion. Kung sabagay tulad din pala ito sa mansion nila Ate Lily at Ate Max pero iba-iba lang ang style ng kanilang mansion. Kinuha ni Xander ang bata sa aking kandungan na ngayon ay tulog na tulog. Nagtatakbo lumapit naman ang ilang kasambahay na agad na kinuha ang bata at ang ilang gamit nito. Hindi na ako lumabas ng sasakyan dahil hindi naman nila ako kilala at nakakahiya lang. Mabilis naman na sumakay si Xander sa sasakyan at pinatakbo iyon. Tahimik at walang gustong bumasag sa panahon ng aming pagbyahe. Pero mukhang ako ang unang babasag para sabihin ang address ng aking tinutuluyan. "Ah Sir Xander, sa Heaven Village ---" "I know." simpleng sagot nito. Kumunot ang noo ko tuloy. Paano naman nito nalaman ang address ko? Pero ayoko ng magsalita pa. Parang kapag magsasalita ako ay para bang alam na nito kaya mabilis sumagot. Wala pang isang oras ay nakarating kami sa subdivision na aking tinutuluyan. "Thank you sa paghatid." yumuko pa ako para sa pasasalamat. Umungol lang ito. Ang sungit naman nito. Baka labag sa loob na ihatid ako? Hmmm! Bahala nga siya. Importante nakauwi ng ligtas at buhay. Pagbukas ko ng pintuan ng kotse ay saka ko lang naalala ang gamit ko. "Ah Sir, yung gamit ko po pala?" "At the back." "Huh?" Mas nauna pang bumaba ng sasakyan si Xander kaya napalabas na rin ako. Tumaas tuloy ang isang kilay ko nang makita ko itong may kinukuha sa likod ng kotse nito. Abah! Dito niya pala nilagay ang mga gamit ko. Ang arte-arte naman nito, bawal ba ipasok sa loob ang mga gamit ko kaya sa labas nito inilagay. "Thanks po. Ingat sa pag-uwi Sir." magalang kong pagpaalam. Pero sa loob-loob ko naiirita na ako sa taong ito. Nagkibit-balikat lang ito at pumasok na sa loob ng sasakyan. Hinayaan ko na ito at naglakad na ako para pumasok sa aming bakuran. Pero hindi pa man ako nakakalapit sa pinto ng aming bahay ay bumukas na agad iyon. Si Ate Max!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD