Chapter 5

1569 Words
- Honey - Kahit puyat sa nagdaang gabi ay maaga pa rin akong gumising para pumasok. Grabe lang dahil pasado alas tres na ng madaling ako nakatulog at nang mag-alarm ng ala-sais ay bumangon na ako kahit halos hindi ko maidilat ang mga mata ko. Paano ba naman na hindi ka mapupuyat sa nangyari mula kahapon. Ewan ko ba, first time nangyari sa akin ang ganito. Nakakainis lang dahil ang lalaking iyon ang puno't dulo ng lahat. Dagdagan pa sa aking kaisipan ng makita ako ni Ate Max. Mabuti na lamang ng dumating ako ay wala pa ang ibang mga kaibigan namin habang si Ate Akeera ay kasama ni Ate Lily lumabas. Kaya si Ate Max ang siyang nakakita sa akin na bumaba sa isang magarang sasakyan. Katakot-takot na mga katanungan ang sumalubong sa akin na para bang tulad din siya ng mga tiyahin ko kapag ako ay nagkakamali. Nang banggitin ko sa kaniya kung sino ang naghatid sa akin na walang iba kundi si Xander Mcvright na Uncle ng isang estudyante ko. Biglang natahimik si Ate Max. Kaya natanong ko sa kaniya kung kilala niya lalo pa at parehas silang mga mayayamang tao. Ang sabi lamang niya sa akin ay mag-iingat ako. Mabuti naman at hindi pa ito nagtanong pa hinayaan na lamang ako na kumain pa ng hapunan dahil bigla akong nagutom. Mabuti na lang talaga at may ulam pang ginataang langka na mas masarap pa kesa sa kinain namin na mamahalin na hindi ko man mag-enjoy lunukin dahil sa isang taong nakaharap sa akin. Matapos ko maligo at balik sa dating gawi, pagbaba ko ng hagdan bitbit ko pa ang mga gamit ko. Hindi na muna ako nagsuklay at hinayaan ko lang na nakapulupot ang towel sa aking buhok. “Goodmorning mga Ate!" Ngumiti ako sa kanila. Binati rin naman nila ako. Nakikiramdam ako kung may alam ba sa kanila sa nangyari nang magdaang gabi pero wala naman. Si Ate Max naman ay seryoso lang na kumakain kaya ako ay tahimik lang din. Ang maingay lang naman ay si Ate Lily na last bumaba at mukhang puyat pa. Nagkukwentuhan sila ni Ate Akeera dahil namasyal ata ang mga ito. Ang sarap ng bagong saing na kanin at ang ulam namin ay ginisang ampalaya na may itlog. Dagdagan pa ng pritong daing na may sawsawan. Ang sarap talagang magluto ni Ate Akeera. “Hindi muna ako uuwi tonight. At baka kila Uncle muna ako ng ilang araw." salita ni Ate Gail na para bang may halong lungkot. Napatingin kaming lahat sa kaniya. “Paano ang store mo?" tanong ni Ate Max. “May ipinagkakatiwalaan naman ako dun. Sila muna ang mamamahala habang wala ako". “May family problem ba?" si Ate Cassey. “Paano yan, hindi mo na makikita ang Crush mong babaero." singit ni Ate Lily na ikinatalim ng mata ni Ate Gail. “Hindi ah. Basta pag-uwi ko na lang dito. May kailangan lang kasi akong asikasuhin." sagot ni Ate Gail na parang nawalan ng gana kumain. “Mag-ingat ka. Umuwi kang pretty para madale mo na si Papa Lance." ngisi ni Ate Akeera. “Ingat Ate." hinawakan ko sa braso sa kamay si Ate Gail. Pinisil naman niya ang kamay ko at nag-thank you. Sabay-sabay ulit kaming sumakay ng jeep na tatlo. At nauna naman akong bumaba sa dalawa. Ganun ulit ang daily routine ko at wala naman nagbago. Kailangan ko rin pala tapusin ang ilang reports ko kaya baka late na rin akong makauwi mamayang gabi. Pagdating ko ay naglinis muna ako sa buong classroom at ilang minuto lang ay nagsidatingan na rin ang aking mga estudyante. Dumating din si Misty at ang naghatid sa kaniya ay si Xavier. Ewan ko ba medyo nalungkot ako ng kaunti, pero pinagbawalang bahala ko na lang iyon. “Hi Ms. Honey!" sabay kindat ni Xavier. Gwapo naman talaga itong lalaki na ito at magaling magdala ng damit. Pero mukha kasing maloko at mahilig pang kumindat kaya turn off agad. “Hello din! Wala ka ata nitong nakaraan." nakangiti ko sa kaniya. “Wow namiss mo ako?" kumikislap pa ang mga mata nito. “Hindi! Anu ba yan dapat pala hindi na ako nagsalita." napaingos ako. “Woahhhh. Sinadiya ko talagang 'wag magpakita sa iyo para ma-miss mo ako. Kaya si Kuya muna ang inutusan ko sunduin si Misty." sabay kindat nito. “Mmmm" napangiwi ako dito. Minsan din talaga mahangin ang taong ito. Ilang minuto pa ay nagpaalam na rin ito. Nagsimula na rin akong mag-klase. Naghahanda na rin para sa nalalapit na exam ng mga bata. Mabilis lang lumipas ang mga oras at natapos na ang klase. Ang huling sumundo sa aking estudyante ay si Xavier. Nakangisi na naman ito. “Hello Ms. Beautiful Teachers Honey. Nagdala ako ng snacks, ayaw ko kasing magutom ang magandang Teacher ng maganda kong pamangkin." Ngiting aso pa si Xavier habang inaabot nito ang isang paper bag na may laman ng Starbucks. Kahit minsan mapang-asar ito ay may puso din naman. “Wow. Thank you Sir Xavier." masaya kong kinuha ang ibinigay nito. “No, no. Wag mo na akong tawaging Sir. Para naman hindi tayo magiging isang malaking pamilya." patuloy na nakangisi ni Xavier. “Huh?" nalilitong napatingin sa kaniya. Sayang ang itsura nito at mukhang nagkahangin na ata ang utak. “Bye bye Mama Honey!" yumakap sa akin si Misty. “Bye bye. Ingat sa pag-uwi." Hawak ni Xavier ang Barbie bag ni Misty at ang kaniyang lunch box at nauna ng maglakad ang bata ng lumingon pa sa akin si Xavier. “Gusto mo bang sumabay na sa amin? Ihahatid na kita Ms. Honey. Kailangan mo ng maging safe ngayon." hirit ni Xavier. ”Ah hindi na. Salamat na lang. May kailangan pa akong tatapusin. Thanks sa food!" nag-wave na ako kay Xavier at ganun na rin kay Misty. “Ohh okay. Bahala ka. Baka may mag-alala sayo." sabay tawa nitong nakakaloko. Hindi ko na ito pinansin at naupo na ako sa aking chair at humarap sa aking table. Sakto naman ay may pa-snacks pa sa akin. Kung sabagay mabait talaga itong si Sir Xavier. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na niya ako binibigyan ng foods. Kung minsan pa nga ay kapag sa breaktime namin. Nagugulat na lang ako na delivery ng food na para sa akin. Alam ko kung paano ako ma-chismis ng ilang kasama kong teachers na hindi ko na lang binibigyan ng pansin. Alangan naman tanggihan ko ang pagkain eh grasiya na yun. Habang nakaharap sa laptop ay kumakain ako ng tinapay at umiinom ng kape. Nagulat ako ng may dalawang boses na pamilyar ang nambubulabog na naman. “Wow sana all may pa-snacks sa isang gwapo." salita ni Ma'am Garcia. “Eh ikaw ba naman ang maganda hindi ka ba ililibre. Single na nga maganda pa. Kulang lang sa ayos pero pasok na pasok sa banga!" echoserang salita ni Ma'am Santos. Napatigil ako sa ginagawa. Andito na naman itong dalawa. Kahit mababait ang mga ito pero kapag ganitong chismisan talaga ay ewan ko na lang. “Gusto niyo po? Hati tayo." kunwaring alok ko para magtigil ang dalawa. “Ay sus! Sa iyo yan. Kahit type namin yang si Sir Xavier. Aba hindi naman kami mang-aagaw. Kaya kumain ka lang ng kumain para tumaba-taba ka naman." sabay tawa ng mga ito. Hindi ko alam kung joke pa ba iyon o insulto na. Pero binalik ko na lang ang mata ko sa laptop. “May ipaglilingkod po ba ako sa inyong dalawa? Sabihin niyo na kasi kailangan ko pang tapusin ito oh." sabay nguso ko sa harap ng screen. “Ay grabe siya!" “Saglit lang kami dito. Makiki-marites lang." sabay tawa pa ang dalawa. “Hmmmp?" pinagpatuloy ko ang pag-type ng hindi sila nililingon. “Yung kagabi? Bakit ka sinabay ni Sir Xander?" “Hinatid ka ba sa bahay o nag-date kayo?" “Baka may crush sayo yun?" “Nako dalawang magkapatid tutuhugin ka Ma'am Honey?!" Sunod-sunod na mga katanungan ng mga ito. Napalakas ang pagtipa ko sa keyboard. At biglang may pumitik sa aking sentido. Napalingon ako sa dalawa at inayos ang eyeglass ko. “Pumunta kayo para itanong lang yan sa akin?" “A-ah eh. Y-yan kasi ang lumalabas sa bibig ng ilang co-teachers natin. Eh kami lang naman ang may close sa iyo kaya kami na nagtanong." napapakamot pang salita ni Ma'am Santos. “Hindi porke nakita niyo ako kagabi na isinabay sa pagsakay ay ganun na agad ang nangyari." “Ay pasensiya ma'am Honey." Sabi pa ni Ma'am Garcia. “Para lang po sa kaalaman ng lahat. Isinabay lang po ako umuwi at kasama ko ang estudyante ko." “Ay ganun ba. Tsk! Yun talaga si Ma'am Medina Chismosa. Katanda na." napapailing pa si Ma'am Santos. “Kung iyon lang ipinunta ninyo. Yun lang din ang isasagot ko. Kaya sige may tatapusin pa ako." seryoso kong salita at humarap na sa laptop. “Pasensiya na Ma'am Honey." salita ng dalawang teacher at nagpaalam na rin ang mga ito. Ako naman ay nayayamot sa mga ito. Kung makapang-chismis ay akala mo hindi teacher. Anung akala sa akin nakikipaglandian? Kahit na nag-dinner kami sa isang sikat na hotel ay hindi naman iyon date dahil kumain lang kami kasama ang estudyante ko. Mabuti ng ganun lang ang sinabi ko, mahirap ng magsalita pa. “Bwisit ‘tong mga ito. Ang tatanda na puro chismosa." pabulong-bulong ko pa habang naiinis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD