- Honey - Pagtingin ko sa wall clock ay pasado ala-syete na ng gabi at kakatapos lang ko lang sa aking ginagawa. Nagligpit na ako sa aking gamit at pinatay na ang ilaw. May iilan na lang na teacher ang natira pa, dahil ang ibang classroom ay patay na ang mga ilaw. Napangiti ako sa guwardiya ng batiin ako nito. “Ingat po ma'am Honey. Andiyan na po pala ang sundo niyo." magalang na salita ni Mang Buboy. “Sundo? Sino po?" pagtataka ko. “Ah ayun siya sa may kanto Ma'am Honey. Puntahan niyo na lang yung puting kotse sa may puno,dahil kanina pa kayo hinihintay niyan". “Ah ganun po ba? Sige po salamat." Ngumiti ako sa matanda. Sino naman ang sumundo sa akin? Hindi naman ako nakaramdam ng takot. Bihirang mangyari na may susundo sa akin. Pwera na lang kung si Ate Max iyon. Tatawag naman i

