- Honey - Gumising na naman ako sa umagang ito na parang zombie at ngarag na ngarag. Paano ba naman na dalawang oras lang ang itinulog ko mula pa kagabi. Sino ba naman agad kasi ang makakatulog sa nagdaang gabi. Napapailing na lang ako kapag naalala ko iyon. Nasa maayos na kaming nag-uusap ni Xander ng bilang bumuluga si Ate Max na may hawak pang baril at diretsong nakatutok pa sa mukha ni Xander. Kulang na lang ay maihi ako sa tindi ng gulat ko. Yun pala ay kasalanan ko rin pala ang lahat kung bakit napasugod si Ate Max dahil nung padalhan ko ba naman ito ng text message. Ilang beses daw itong tumawg sa akin pero hindi daw ako sumasagot, eh paano ba ako sasagot kung naiwan ang mga gamit ko sa loob ng sasakyan ni Xander ng bigla niya kong buhatin ng walang paalam. Nagagalit na kinausap

