- Honey - Napapangiti na lang ako kay Ate Lily na talaga naman na head turner. Para kasi itong modelo habang naglalakad dahil sa tangkad at mas lalo pa sa maganda nitong mukha na parang artista. I admired her kahit na palaging may kaaway ay nasa katwiran naman. Kung sabagay lahat ng kasama ko sa bahay ay puro magaganda. Wala atang tapon dahil puro pinagpala ang kagandahan. Itong si Ate Akeera kahit na kasing liit ko ay napakaganda rin. Mukha itong inosente kapag hindi mo kilala pero kapag nakilalang lubos ay maingay din ito at malakas tumawa. Bagay nga silang dalawa ni Ate Lily na parehas kalog. Si Ate Cassey naman ay napakahinhin at parang si Mama Mary ang mukha. Ang sabi nila ay medyo magkaperas kami ng ugali ni Ate Cassey, pero mas mataas ang tingin ko kay Ate dahil siya marami ng pags

