- Honey - Mabuti na lang at maaga akong nagising ngayon, hindi naman ako masiyado napuyat. Mabilis na din ang pagkilos ko para pumasok sa trabaho. Sabay pa kaming dalawa ni Ate Cassey na bumaba ng hagdan. Saktong pagpunta namin sa kusina walang tao pero may pagkain ng nakahain. “Saan kaya sila?" pagtataka ni Ate Cassey. “Kaya nga. Kakahiya naman mauna kumain kapag wala pa sila. Pero baka ma-late naman tayo teh.". nauna na akong naupo. Nagkibit balikat si Ate Cassey. “Sabagay. Kumain na lang sila. Malalaki na sila." Sabay pa kaming natawa. Kaya kumain na kaming dalawa. Mabilis lang naman kami natapos dahil sandwich lang naman ang kinain ko at gatas. Nagbaon pa nga ako ng dalawa dahil ang sarap ng pagkakagawa ni Ate Akeera. pangsosyalin. Napatingin din ako kay Ate Cassey dahil tatl

