- Honey - Heto ako ngayon sa supermarket para mamili ng ilang lulutuin ngayong dinner. Pinipilit kong maging busy dahil sa kahihiyan na nangyari sa aking buhay kaninang tanghali. Ilang can goods at noodles lang ang binili ko dahil naubos na ilang stocks sa aming kusina. Bumili na rin ako ng gamit ko pang hygiene at pang ritual sa sarili. Matapos kong magbayad sa cashier ay bitbit ko na ang malaking eco bag palabas ng market. Kailangan ko ngayong maging busy at kung maaari lang ay ayaw ko munang humawak ng cellphone. Hiyang hiya talaga ako sa nangyari kanina. Nakakainis kasi eh, kung hindi dahil sa walang magarang caller na iyon ay pati ang walang malay na si Xander ay nasigawan ko na nga, namura ko pa. Malay ko ba na siya pala ang tatawag ng hindi tinitignan ang nasa caller. Sa sobran

