- Honey - Papungas-pungas pa akong nagising. Ngayon lang din ako tinanghali ng gising dahil sunday naman ngayon at wala ako masiyadong gagawin at marami akong oras na magpahinga. Sampung minuto na lang pala at alas-diyes na ng tanghali. Napuyat rin ako kagabi dahil tinapos kong lahat ang reports ko para sa klase. Para akong bruha na lumabas ng kwarto at nagpunta ng banyo. Sampung minuto lang ang itinagal ko dahil naghilamos lang naman ako at nagbanyo. Bumaba na ako sa hagdan matapos kong kunin ang eyeglasses ko. Pinuyod ko na lang ang buhok ko ng hindi nagsusuklay. Kahit malaki na lumang t-shirt ang suot ko at pajamas. Ayos lang naman nag itsura ko dahil mas sanay ako sa ganitong kasuotan. Nasalubong ko pa si Ate Akeera na sexy ang suot kahit nasa bahay. Halos makita na ang singit nito

