- Honey - Kakatapos ko lang maglaba ngayon. Medyo nakakapagod din dahil naglinis na rin ako ng banyo. Tinulungan pa nga ako ni Ate Cassey na maglinis ng bahay. Habang si Ate Gail ang nakatoka magluto ng aming dinner. Si Ate Akeera ay rest day today dahil palagi naman siya ang gumagawa ng gawaing bahay, ay kailangan niya rin ng pahinga. Si Ate Lily kasi ay hindi mo siya mautusan. Bihira lang ito kumilos at kapag nakapaghugas na ito ng pinggan ay achievement na iyon sa kaniya. Siguro dahil anak mayaman kaya nasanay na lang din kami. Habang si Ate Max naman ay kumikilos rin ito sa gawaing bahay. Siya ang may-ari ng bahay at nakakalibre na kami sa paninirahan dito kaya grateful na kami. Mas pagod pa ito sa kaniyang trabaho dahil kung saan-saan ito nagpupunta kahit sa malayong lugar pa. “Hone

