SADKM:EP17: Ang Kapatid ni Joey

1134 Words
SADKM: Ep17: Ang Kapatid ni Joey Pagkarating ng dalawang magkapatid sa grocery store ay agad na pumasok sila dito at pumuli ng mga bibilhin. Sumunod naman si Joey sa loob at sinundan ang dalawa. Habang namimili ay napapansin na ni Cara si Joey, gayundin ang kapatid nito. Kaya hinatak ni Cara ang kapatid niya at nagtago sila. Natatawa silang magkapatid na pagmasdan ang lalaking parang tangang naghahanap sa kanila. Kung saan saan kase ito tumitingin na halos umikot na ang dalawang mata nito kakahanap. Kaya lumapit na si Cara dito at ginulat niya ito. “HOYY! Ano ba problema mo? Bakit mo kami sinusundan? Hindi kami makapamili ng maayos! First date namin magkapatid! Please, Sir? Bigyan niyo naman po kami ng konting space!” ani Cara. “Hindi ko naman kayo ginugulo, tumitingin lang ako sainyo. Sige lang mamili lang kayo hindi ako manggugulo,” ani Joey. Bumalik si Cara sa kapatid niya at tinuloy ang pamimili. Pagtapos nilang mamili ay nakaabang sa labas si Joey. Marami silang biniling grocery at may mabigat na bigas din silang dala kaya nagpasya nang sumakay si Cara sa kotse ni Joey. “Akala ko ate tatanggi ka pa e, iiwan na sana kita,” ani Carlo. “Sige na sumakay ka na!” ani Cara. Tinulungan ni Cara si Joey sa paglagay ng mga pinamili nila sa kotse at pagtapos nila, bago sila sumakay sa kotse ay kinausap muna ni Cara si Joey. “Salamat ah, akala ko kanina uuwi ka na dahil inaway kita,” ani Cara. “Nakita ko kase na maraming tinuturo si Carlo sayo kaya alam kong marami kayong mapapamili. Sige na basta welcome na welcome ka sa kotse ko! Tara na at baka gabihin pa kayo,” ani Joey. Pagdating nila sa kanto ng lugar nila Cara ay binaba na sila doon ni Joey. Tumawag naman si Carlo ng tricycle papasok sa loob. Agad naman na nakatawag si Carlo at sinakay nila lahat ng napamili nila roon. “Dito nalang kami Sir. Maraming salamat po!” ani Cara. Ngumiti nalang si Joey kay Cara at pinagmasdan na umalis ang dalawa. Nang makaalis na ito umalis na rin siya. Pagkarating ni Joey sa bahay niya ay agad na nagpahinga ito. Umupo sa sofa at binuksan ang TV para magpaantok. Nagulat ito ng biglang may humalik sa pisngi niya habang nagpapahinga at kinilabutan siya sa bulong ng babaeng humalik sa kanya. Napabalikwas siya ng bangon para tingnan ang babae at nang makita niya ito ay isang babaeng maamo ang mukha ang bumungad at nagpagising sa kanya. “Kuya? Kararating mo lang ba?” tanong ng babae. “Jackelyn? Bakit mo ko hinalikan sa pisngi? Tsaka anong ginagawa mo sa bahay ko? Nakainom ka na ba ng gamot? Sino kasama mo dito?” galit na sabi ni Joey. “Kuya…gusto lang naman kita samahan matulog! Nandito ako kase miss na miss na kita! Hindi mo na ko pinupuntahan sa bahay! Palagi ka nalang busy sa trabaho! Hayaan mo na ko na tumabi sayo!” umiiyak na sabi ni Jackelyn. “Ihahatid kita bukas sa bahay ah, ihahatid kita ng maaga,” ani Joey. Tumango lang si Jackelyn at hinawakan ni Joey ang kamay niya papunta sa kwarto nito. Humiga na silang dalawa ng magkatabi at hinayaan ni Joey na yumakap lang ito sa kanya. Kinabukasan, hinatid na ni Joey si Jackelyn sa bahay ng magulang nito. Pagkarating doon ay sinalubong na sila ng mommy nila at ang mga nag-aalaga kay Jackelyn. Jenna: Anak! Jacky! Bakit ka umalis ng bahay? Di’ba sabi ko sayo na dadating si Joey! Jackelyn: Palagi niyo nalang sinasabi ‘yan! Hindi naman siya pumupunta! Joey: Bakit kase hindi niyo siya pinainom ng gamot! Tingnan niyo tuloy yung nangyayari! Jackelyn: Kuya? Galit ka ba sakin? Ayaw mo ba ko kasama? Joey: Gusto pero sana nagsasabi ka sa kanila! Jackelyn: Hindi! Galit ka sakin kaya ka nagkakaganyan! Jenna: Joey! Tama na! Jacky, tara na hindi galit sayo si kuya mo! Jackelyn: Gusto ko siya ang magpainom sakin ng gamot! Hindi na nakaalis si Joey sa bahay ng Mommy niya dahil sa ampon na kapatid niya. Hindi niya na din nahatid si Cara sa trabaho nito. Nasa trabaho na si Cara ng mga oras na ‘yon. Nasa gitna na rin si Cara ng pagtatrabaho. May malaking bazaar event kase ang gaganapin sa Mall. Kaya mas naging busy siya sa pagtatrabaho. Habang nagtatrabaho si Cara ay nagbigay na naman ng napakaraming pagkain ang boss nilang si Loui sa kanila na nagpatigil sa pagtatrabaho nila. Lumapit si Loui kay Cara para iabot ang pagkain na para sa kanya. Iba kase ang pagkain niya at halatang mas pinaghandaan ito kaysa sa ibang kasamahan niya. “Sir! Pwede po ba na itigil niyo na kung ano mang nararamdaman niyo sakin,” ani Cara. “Cara? Naririnig nila, pwede bang sa office nalang natin ‘to pag-usapan?” ani Loui. “Sir hindi na po! Mas magandang marinig nila para hindi nila ako pinag-uusapan! May fiance’ ka na! ikakasal ka na Sir e! bakit nagugustuhan mo pa ko?” “S-sorry,” Umalis si Loui nang nakayuko at hiyang-hiya dahil sa mga sinabi ni Cara sa harap ng mga katrabaho nito at empleyado niya. Pagdating ni Loui sa office niya ay umupo siya at napakamot ng ulo sa sobrang hiya. “Bakit ba kase nagugustuhan ko siya!” sigaw ni Loui. Mag-over-time si Cara sa trabaho niya at nainip na rin si Joey kakahintay sa labas kaya pumasok na siya loob. Nung nasa entrance na siya ng Mall ay sinalubong siya ni Maxine at inawat sa pagpasok nito. “Hi Joey! Can we have some talk?” ani Maxine “Sure!” ani Joey. Pumunta sila sa isang coffe shop sa loob ng Mall at doon nag-usap. Alam na ni Joey na tungkol kay Cara ang pag-uusapan nila dahil mukhang galit ito dahil sa fiance’ niya. “Ilayo mo na si Cara sa harap namin ni Loui!” ani Cara. “Nakakagulat ka naman! Si Cara pa rin magdedesisyon kung saan niya gusto magtrabaho. Pero ang alam ko dapat si Loui ang magpaalis sa kanya!” ani Joey. “Kaya mo rin siya ilayo! Kunin mo siya at bigyan mo siya ng trabaho! She’s good at painting and graduate siya ng Fine Arts! Hindi bagay si Cara as event organizer!” “Totoo? May pake ka sa kanya at stalker ka pa? alam ni Cara ang gagawin niya! Itigil mo yung pagbabantay sa kanya!” “Please! Please Joey! Alam kong mahal mo si Cara at mahal ko si Loui! Marami na kaming pinagsamahan at ayokong masira ‘yon!” Tumayo si Maxine at kinuha ang bag niya atsaka umalis. Naiwan si Joey doon na tulala at malalim ang iniisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD