SADKM: EP16: Matakot ka! Cara!
Habang nasa trabaho si Cara ay napapansin niyang laging nakatingin sa kanya ang boss niyang si Loui, pero pagtitingin siya dito ay bigla nalang umiiba ang tingin ni Loui. Lalapitan ni Cara si Loui para komprontahin ito, pero nakita niyang lumapit ang girlfriend nitong si Maxine kaya bumalik nalang siya sa pagtatrabaho.
Nasa gitna nang pagtatrabaho si Cara ng bigla siyang hatakin ni Maxine palayo sa ginagawa nito. Sumunod naman ang kaibigan ni Cara na si Akhie para awatin si Maxine sa gagawin nito kay Cara. Hinatak ni Maxine si Cara hanggang sa makarating sila sa Employees Exit ng Mall at sinundan naman sila ni Akhie hanggang doon.
Hawak-hawak ni Maxine ang buhok ni Cara at tinulak niya ito sa labas. Nagtinginan ang mga tao sa paligid nila at dahil kilala nilang lahat si Maxine ay umalis ang mga ito.
“Get out of Loui’s sight! At pati na rin sakin!” sigaw ni Maxine.
“Ma’am Maxine, pwede po ba na mamaya niyo nalang ‘yan pag-usapan dahil nasa kalagitnaan po siya ng pagtatrabaho papagalitan po siya ng manager namin,” pakiusap ni Akhie.
“I don’t care! Who the hell are you? Para pagsabihan ako ng ganyan? Mas okay nga na pagalitan ‘tong impaktang ‘to para maalis na sa trabaho!” ani Maxine.
“Cara, maiwan na kita ah papagalitan kase ako ni manager,” ani Akhie.
Tumakbo paalis si Akhie at tumayo naman si Cara para iwan si Maxine doon pero habang palakad siya paalis ay sinabunatan ito ni Maxine pabalik.
“Saan ka pupunta? Akala mo makakatakas ka? Malandi ka! Cara? Alam mong boyfriend ko si Loui! Bakit kailangan mong magpaganda sa kanya?” ani Maxine.
“Ma’am Maxine, hindi ako nagpapaganda sa kanya! Siya ang lumalapit sakin!” ani Cara.
“So? Anong feeling mo niyan? Na gusto ka niya? Na maganda ka? Cara! Kahit pa ilang beses ka niyang lapitan dapat mo siyang iwasan dahil fiance’ na niya ko!” ani Maxine.
Hindi pinansin ni Cara ang sinabi ni Maxine at umalis siya sa harap nito. Tumigil ulit ang paglalakad niya dahil sa sinabi ni Maxine.
“Guguluhin kita, hindi ka mananahimik habang nandito ka pa!” galit na sabi Maxine.
“Guluhin mo! Wala akong ginagawang masama sayo!” ani Cara.
Hinayaan na ni Maxine si Cara na umalis at pumunta ito sa opisina ni Loui. Pagkarating niya doon ay wala si Loui kaya hinanap niya ito sa labas. Hinahanap naman ni Loui si Cara dahil wala ito sa trabaho at nang makita ni Loui na bumalik na si Cara ay nilapitan niya ito agad para magtanong.
“Cara? San ka galing? Anong nangyari sayo?” tanong ni Loui.
Hindi pinansin ni Cara si Loui at nakita ni Maxine ang ginawang iyon ni Cara kaya napangiti ito ng patago. Umalis na si Maxine sa mall dahil sinundo na siya ng kanyang manager. Hinatid naman ito ni Loui sa labas. Nang makaalis na si Maxine ay nakita ni Loui na parating naman ang kotse ni Joey.
“Hey! Sir Loui! Goodafternoon! How’s your day?” nakangiting bati ni Joey.
“Nang-aasar ka ba? Umuwi ka na!” ani Loui.
“Bakit? Costumer ako! Kakain ako sa loob ng mall mo! Bakit mo ko pinapauwi? Ha Ha! Siguro akala mo susunduin ko si Cara noh? Ha Ha! Huwag ka mag-alala tama ka nang iniisip!” natatawang sabi ni Joey.
“Bakit alam mong ganito ang oras ng out niya?”
“Sinabi niya sakin! Magiging girlfriend ko na kase siya!”
Naglakad paalis si Loui at sinundan naman siya ni Joey hanggang sa makasalubong nila si Cara kasama ang kaibigan nito.
“Cara, tara na hatid na kita,” ani Joey.
“Sige tara,” ani Cara.
Humawak si Cara sa kamay ni Joey at humiwalay na rin ang kaibigan ni Cara sa kanya. Pero si Loui ay sinundan ang dalawa at hinawakan ang isa pang kamay ni Cara.
“Cara?” ani Loui.
“Bitawan mo siya! Sir!” ani Joey.
“Cara bakit mo ko iniiwasan?” ani Loui
“Di’ba sinabi ko na sayo kanina?” ani Joey.
“Tama na, Tara na umalis na tayo,” ani Cara.
Sumakay na si Joey at si Cara sa kotse. Hanggang tingin nalang ang nagawa ni Loui sa dalawa. Dahil sa galit at selos ni Loui ay pumunta nalang siya sa bar para uminom. Tawag ng tawag si Maxine kay Loui pero hindi niya ito pinapansin.
Nakahiga na si Cara sa kwarto niya nang gabing iyon pero hindi siya makatulog kakaisip kay Loui. Nag-aalala kase siya dito dahil hindi niya ito pinansin simula nang kausapin siya ni Maxine. Hinihintay niya rin ang text sa kanya ni Loui pero wala pa rin.
Nakatulog na si Cara, pero si Loui ay nasa bar pa rin at lasing na lasing na. Galit na galit ito at hinahamon ng hinahamon si Joey. Kung ano-ano ang sinabi sa loob ng bar.
“Mayabang ka Joey! Hanggang yabang ka lang! Kayang kaya kitang tapatan! Hindi ka magugustuhan ni Cara dahil panget ka! Mas gwapo pa rin ako sayo!” ani Loui.
Kinabukasan, walang pasok sa trabaho si Cara at may sahod na rin siya kaya sinama niya ang kapatid niyang si Carlo para mamili ng groceries at mga gusto nito. Habang pumapara sila ng sasakyan papunta sa grocery store ay biglang hinintuan sila ng isang kotse. Ang kotse ni Joey.
“Tara na! Sakay na!” ani Joey.
“Sir? Okay lang kami sir kasama ko ang kapatid ko,” ani Cara.
“Ate? Sino siya? Manliligaw mo?” tanong ni Carlo.
“Ano ba! Hayaan mo siya, boss ko siya sa dati kong pinapasukan di ko ‘yan manliligaw! Kadiri!” ani Cara.
“Ikaw? Gusto mo bang sumakay? Hayaan mo na yung ate mo!” ani Joey.
“Thanks! Di na ko bata na makukuha mo sa candy!” ani Carlo.
“That’s my bro! Sige na! Alis na!” ani Cara.
Dumating na ang jeep at sumakay na ang dalawang magkapatid. Habang nakasakay sa jeep ay nakasunod lang ang sasakyan ni Joey doon. Nagpapa-cute kay Cara dahil kita naman siya sa labas ay nakikita rin ni Carlo ang pagpapacute ni Joey sa ate niya kaya natatawa sila.
“Ngayon mo sabihin sakin na hindi mo manliligaw ‘yan! Di na ko maniniwala!” ani Carlo.
“Hindi nga! Ano ba!” ani Cara.
“Sus! Kinikilig ka nga sa pacute niya!”
“Manahimik ka nga!”
Tumahimik si Carlo pero nakatingin siya sa ate niya nang nakangiti kaya napapangiti rin si Cara.