SADKM:EP15 Selos!
Pagkuha ni Cara ng bag sa kamay ni Loui ay nagpasalamat na ito at naglakad pauwi sa bahay niya, pero tinawag siya ulit ni Loui sa hindi malaman na dahilan. Kita sa mukha ni Loui ang lungkot at ang itsura pa nito ay patingin-tingin sa taas. Hindi maintindihan ni Cara ang nangyayari sa boss niya, kaya lumapit siya dito at inamoy ito kung nakainom ba nang alak.
“Hindi naman po kayo naka-inom ng alak sir! Bakit ganyan kayo? Tsaka Sir, namumula na po yung pisngi niyo, may sakit po ba kayo?” tanong ni Cara.
“Ahm, wag mo na pansinin ‘yan, ganyan naman talaga yung pisngi ko kapag pagod at mainit,” sagot ni Loui.
“Hindi pa ba kayo uuwi Sir?” tanong ni Cara.
“Huh? Hmm, uuwi na ko! Ba-bye na, bukas nalang ulit ahh,” nahihiyang sagot ni Loui, at diretsong umalis na ito.
Naglalakad pauwi si Cara na iniisip niya ang itsura ng boss niya. Nakaramdam kasi siya ng kilig nang hawakan niya ang mga pisngi nito. Unang beses niya lang kase makahawak ng mukha ng isang lalaki.
Pagkarating ni Cara sa bahay nila ay tulog na ang nanay at tatay niya, si Carlo nalang ang nandoon at busy pa sa paggawa ng home-work. Nang makita ni Carlo na dumating ang ate niya ay hinandaan niya agad ito ng pagkain at kumain naman si Cara.
“Akk! Ano ba ‘to! Bakit ang alat! Sino nagluto?!” naka-kunot noong sigaw ni Cara.
“Bakit ate? Pangit ba yung lasa?” tanong ni Carlo.
“Ikaw nagluto?(Tumango si Carlo) dapat unti lang ang nilalagay mo na asin, pasensya na, sorry kase hindi ko alam na ikaw pala, kinain ba nila ‘to?” mahinahon na sabi ni Cara.
“Oo, kinain ‘yan nila nanay at tatay, kaya pala konti lang ang sabaw na kinuha nila at marami ang kanin,” nakasimangot na sabi ni Carlo.
“Ha Ha(Laugh), Hayaan mo sa susunod matututo ka na! Ganyan din naman ako nung una ehh, ano bang ginagawa mo? Gumagawa ka ng home-work mo?”tanong ni Cara.
“Oo, balik na ko ahh, ikaw na bahala diyan ate!” sagot ni Carlo.
Pagtapos ni Cara kumain ay pumasok na siya sa kwarto niya at tiningnan ang cellphone niya. Nakita niya ang message ni Loui sa kanya at may message rin si Joey sa kanya. Nagtataka siya sa nangyayari sa kanya dahil ang dalawang lalaki na malapit sa kanya ay nag-message sa kanya ng oras ng gabi.
“Ano kayang problema ng dalawang ‘to?” tanong sa isip ni Cara.
Binuksan ni Cara ang message ng dalawa at binasa. Bigla nalang napatayo si Cara sa parehang message na nabasa niya mula sa dalawa. Tiningnan ni Cara ng maigi kung magkaiba ba ang may ari ng number na nag-message sa kanya. Pero magkaiba talaga ito, iba talaga ang kay Loui at kay Joey.
“Goodnight! See you tommorow! ##” message na galing kay Loui at Joey.
Papasok na sa trabaho si Cara at paglabas niya sa kanto ng lugar nila para sumakay ng jeep ay nakita niya ang dalawang lalaking nag-message sa kanya ng gabi. Dala ng dalawang lalaki ang mga sasakyan nila at parehas nilang sinusundo si Cara. Hindi maintindihan ni Cara ang nangyayari sa kanya, Hindi rin siya makapaniwala kung nananaginip ba siya o totoo ang nakikita niya.
“Sirs? Sir Loui, Sir Joey? Bakit po kayo nandito?” tanong ni Cara sa dalawang lalaki.
Hindi muna sinagot ng dalawa ang tanong ni Cara at nagtinginan muna sila ng masama. Hindi rin alam ni Cara kung anong nangyayari sa kanila at hindi rin niya alam kung kanino siya sasama.
Joey: Cara, Tara na hatid na kita sa trabaho mo
Loui: Cara, parehas lang naman tayo ng pupuntahan, kaya sumabay ka na sakin.
Joey: Ako na ang maghahatid sayo Cara.
Loui: Hindi mo na siya maiistorbo kung sakin ka sasabay.
Joey: Cara-
Cara: SIRS!! Anong bang meron? Sir Loui, mauna na po kayo. Kay Sir Joey nalang ako sasabay.
Sumakay si Cara sa sasakyan ni Joey at iniwan na nakasimangot si Loui. Nagdabog si Loui na pumasok sa loob ng sasakyan niya dahil sa hindi malaman na dahilan. Habang nakasakay si Cara sa loob ng sasakyan ni Joey ay inabutan siya nito ng isang boque ng bulaklak. Tinanggap ni Cara ang mga bulaklak na binigay sa kanya, pero hindi niya tinanggap ang lalaking nagbigay sa kanya nito.
“Ang mahal kase ng bulaklak na ‘to kaya tatanggapin ko, pero hindi pa rin ako pumapayag na ligawan mo ko, nagiging magaan na ang loob ko sayo at ayoko naman na pagtapos ng lahat nang ‘to magka-ilangan na tayo,” mahinahon na sabi ni Cara.
“Alam mo Cara, tatanggapin ko naman kahit hindi mo tanggapin ‘yan, basta tanggapin mo ko,” ani Joey.
“Sapilitan ba ‘to? Ikaw lang kaya ang naging kaibigan ko na ganyan!” ani Cara.
Nasa gitna na sila nang daan at malapit na rin sa Mall na pinapasukan ni Cara nang mapansin nila na sinusundan sila ni Loui. Nakatingin si Joey sa sasakyan ni Loui sa likod at si Cara naman ay tumitingin na sa babaeng makakasalubong niya, Si Maxine na nakangiti nang nag-aabang kay Loui.
Pagbaba nila sa sasakyan ay nag-tabi pa ang kotse ng dalawa at nagkasalubongan sila. Pagbaba nila ay hawak ni Cara ang bulaklak na bigay ni Joey at nakatingin naman doon ng masama si Loui.
“Dito nalang ulit kita susunduin mamaya ahh, sana wala nang umepal!” ani Joey.
“Sige, pasok na ko sa trabaho,” paalam ni Cara.
Umalis na sina Joey at Cara sa harap ng dalawa, pero si Loui ay sinusundan pa rin ng masamang tingin si Joey. Nakatingin rin si Maxine sa mukha ni Loui at tinitingnan ang tinitingnan ni Loui.
“Bakit? Anong problema mo sa kanya? Bakit ganyan ka makatingin?” sunod-sunod na tanong ni Maxine.
“Huh? Wala lang kase palagi nalang siyang nandito at sinusundo yung employee ko,” sagot ni Loui.
“Talaga? Bakit ganun ka makatingin? Dahil nagseselos ka?” tanong ni Maxine.
“Bakit naman ako magseselos?” tanong ni Loui.
“Siguraduhin mo lang Loui! Alam ko kahit hindi mo sabihin sakin! Nararamdaman ko na may gusto ka sa babaeng ‘yon! Kilala mo ko Loui! Lahat gagawin ko para lang hindi ka maagaw ng kahit sino mang babae sakin! Palagi mong tatandaan ‘yan!” banta ni Maxine.
Naglakad na si Maxine papasok sa loob at naiwan si Loui na tulala sa labas. Hindi niya rin kase malaman kung ano talaga ang tunay na nararamdaman niya kay Cara at bakit nag-iiba ang kinikilos niya.
“Gusto ko na ba siya?” tanong sa isip ni Loui.