SADKM:EP14 Bantay Sarado!

1083 Words
SADKM:EP14 Bantay Sarado! Biglang binitawan ni Cara ang pagkakahawak niya sa dibdib ni Loui at dali-daling lumabas. Paglabas niya ay nakasalubong niya si Maxine na papunta na rin sa office ni Loui. Hindi na niya sana papansinin ito, pero si Maxine mismo ang humarang sa kanya. “Saan ka nagpunta? Sa office ni Loui? Anong ginawa niyo?” tanong ni Maxine. “Ma’am, Mataas po ang paggalang ko sainyo! Huwag naman po sana kayo pumunta dito para guluhin ang trabaho ko!” ani Cara. “What the!? Nagsasalita ka pala? Cara, remember this! I will locked my eyes on you! And of course, on my boyfriend! Both of you! Babantayan ko kayo!” pananakot ni Maxine kay Cara. Nakayukong naglakad si Cara papunta sa mga ka-trabaho niya. Pagdating ni Maxine sa office ni Loui ay naabutan niya itong naka-ngiti at naka-hawak sa dibdib niya. Nagulat si Loui sa biglaang pagdating ni Maxine sa office niya at napatayo siya sa gulat. “B-bakit ka nandito? A-anong gusto mo?” natatarantang sabi ni Loui. “’Yan ba ang walang tinatago Loui? Bakit ka kinakabahan? Dahil dumating ako? Ano bang ginawa niyo dito ni Cara?” sunod-sunod na tanong ni Maxine. “Nagulat lang ako dahil hindi ko ine-expect na dadating ka!” sagot ni Loui. “Bakit ka nakangiti at nakahawak sa dibdib mo? Hinawakan mo ba ang dibdib niya?” patuloy na tanong ni Maxine. “Huwag mo kong paghinalaan!” sigaw ni Loui. Dahil sa bwisit ni Loui kay Maxine ay lumabas na ito ng office niya at sumunod na naman si Maxine sa kanya. Pumunta si Loui sa stage at doon umupo. Lumapit naman si Akhie kay Loui at inabotan niya ito ng kape. “Sir, kape po muna kayo,” ani Akhie. “Salamat!” ani Loui. Habang naka-upo at nagkakape ay nakita ni Loui si Maxine sa taas na nakatingin sa kanya at nakita niya rin si Joey, natatandaan kase ni Loui na si Joey ang lalaki na palaging nag-susundo kay Cara. May dala si Joey na bulaklak at nilapitan niya si Loui, para tanungin kung nasaan si Cara. Nang makalapit na si Joey kay Loui ay tumayo bigla ito at nagpakilala sa kanya. “Welcome to Mall of Li, Joey Rosko!” nakangiting pag-bati ni Loui kay Joey. “Thank You! Nasaan si Cara?” tanong ni Joey. Nang tanungin ni Joey si Loui tungkol kay Cara ay napatingin ulit siya sa taas at wala na doon si Maxine. Lakad takbo ang ginawa ni Loui para makita si Cara at hinahabol naman ni Joey ang lakad niya. “Huwag ka naman magmadali! Bakit ka ba tumatakbo? Bakit ba kita hinahabol?” ani Joey. Hindi pinapansin ni Loui ang sinasabi ni Joey. Tuloy tuloy lang ang lakad niya hanggang sa makarating sila sa labas ng C.R at nandoon na naman si Maxine, tinatakot na naman niya si Cara. “MAXINE!! TIGILIN MO SI CARA!!” sigaw ni Loui. Pinahawak ni Joey ang dala niyang bulaklak kay Loui at hinawakan ang kamay ni Cara. Sumama ulit si Cara kay Joey at nilayo niya ito kay Maxine. “Bigay mo nalang ang bulaklak na yan sa shota mo! Mga kulang sa pansin! Hindi na kase sikat na artista kaya gumagawa ng iskandalo para sumikat!” galit na sabi ni Joey. Hawak ni Joey ang kamay ni Cara palabas ng Mall. Sinagip na naman niya si Cara sa gulo, pero hindi ayos kay Cara ang ginagawa ni Joey na pagtulong sa kanya. Dahil din kase sa pagtulong niya ay pinag-uusapan si Cara ng mga ka-trabaho niya. Pagkarating sa labas ay bumitaw si Cara kay Joey at tinulak niya ito. Naglakad si Cara papunta sa sakayan at sinundan siya ni Joey, hanggang sa pag-sakay ni Cara sa jeep ay sinundan siya nito. “Hindi mo ba ko kakausapin? Bakit ka ba inaaway ng laos na artista na ‘yon?” ani Joey. “Hindi ko alam kung bakit, mainit ang ulo niya simula nung okay kami ni Sir,” ani Cara. “Nagseselos siya sainyo? Kahit naman ako siguro magseselos din sainyo!” pabirong sabi ni Joey. “Bakit ka naman magseselos? Ikaw tigilan mo na rin ako! Marami pa kong pangarap sa buhay!” sigaw ni Cara. “Ako ikaw lang pangarap ko!” pabirong sabi ni Joey. “Meron ka bang pampa-goodmood?” tanong ni Cara. “Nagshashabu ka ba?” pabirong tanong ni Joey. “Anong sinasabi mo?” ani Cara. “Joke, syempre meron! Sa tuwing malungkot lang naman ako, nagpipinta ako, gusto mo ba?” ani Joey. “Papagalitan na naman ako pag-ginawa ko ang bagay na ‘yan! Diyan nga naiinis si Nanay!” ani Cara. “Tayo lang naman ang makakaalam ehh, hindi mo naman sasabihin sa nanay mo!” ani Joey. Bumaba sila nang jeep at sumakay ng taxi para pumunta sa art center nila Joey. Pagkarating nila don, kahit gabi ay kita ang ganda ng art center nila Joey, Ang Rosko’s Art Center. Pumasok sina Joey at Cara sa isang kwarto na puro Easle at maraming gamit na pang-kulay. “Ano umpisahan na natin?” nakangiting tanong ni Joey. “Nasa labas palang tayo ng art center na ‘to, gusto ko na mag-umpisa,” sagot ni Cara. Binuksan ni Joey ang ilaw sa kwarto na ‘yon at hinanda ang lahat ng gagamitin nila sa pag-pinta. Nang maihanda na ni Joey ang lahat ay inumpisahan na ni Cara ang pag-pinta niya. Habang nagpipinta siya ay nasa likod niya si Joey. “Meron akong naalala sayo pagdating sa paghawak mo ng brush,” ani Joey. “Sino? Ilan sila?” pabirong tanong ni Cara. “Oyyy! Nakakapagbiro ka na ahh, goodmood ka na ba? Siyempre isa lang,” sagot ni Joey. “Mama mo? Papa mo? Ex mo?” sunod-sunod na tanong ni Cara. “Yung teacher ko sa painting, Ganyan na ganyan siya humawak kagaya sayo,” sagot ni Joey. Nang matapos na ang painting ni Cara ay tinago agad ni Joey ‘yon at saktong nadala na sa labas ng driver nila ang kotse na naiwan niya sa Mall. “Nandito ka na pala! Akala ko hindi mo na ko mahihintay ehh, akala ko sasama ka na sa iba!” ani Joey. “Sino kausap mo?” nagtatakang tanong ni Cara. “Yung kotse ko! Ha Ha(Laugh),” sagot ni Joey. Sumakay na ulit ang dalawa at hinatid ni Joey si Cara hanggang sa labas ng lugar nila. Pagbaba ng sasakyan ay nakita ni Cara si Loui na nakatayo hawak ang bag niya. “Sir Loui? Pasensya na po kayo naabala ko pa kayo,” ani Cara. “M-Magkasama kayo?” tanong ni Loui. “Bakit po Sir? May problema po ba?” tanong ni Cara. “Cara! Mauna na ko ahh, nag-enjoy ako ngayong gabi kasama ka!” nakangiting sigaw ni Joey.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD