SADKM:EP1 ANG SIMULA

1279 Words
SADKM:EP1 ANG SIMULA Nasa isang bar si Rita at hinihintay ang kaibigan nitong si Belen. Nagtatrabaho kase si Belen bilang isang G.R.O sa bar at si Rita naman ay binisita lang ang kaibigan niya sa bar na pinapasukan nito. At dahil medyo busy si Belen sa ginagawa nito ay naisipan nitong uminom nalang muna at maghintay sa isang lamesa. Medyo matagal ng naghihitay si Rita kay Belen at naparami na rin ang nainom na alak nito. Pumunta ang isang lalaki sa lamesang inuupuan ni Rita at nagpaalam sa kanya “Hi Miss? Pwede ba na dito nalang ako umupo?” maayos na pag-papaalam ng lalaki. “Sorry ahh may hinihintay kase ako sa iba ka nalang umupo marami naman ang bakante diyan!” ani Rita. “Ayoko kasing umupo ng mag-isa sa mga bakanteng ‘yan tsaka kanina pa kita tinitingnan parang wala ka namang kasama,” palusot na sinabi ni Cedrick. “Ayoko na may kasama, tsaka hindi pa kita kilala sir! lubuyan mo ko!” galit na sabi ni Rita. “Wait! Ako si Cedrick tawagin mo nalang akong Sid! Kase ‘yun ang tawag sakin nang mga bisaya kong katrabaho,” pabirong sabi ni Cedrick. “Sid?(She Laugh) bakit naman Sid? Ang ganda-ganda na ng pangalan mo na Cedrick, alam mo hindi naman mahirap banggitin! Sige papayag na ko na dito ka umupo, magkakilala naman na tayo,” ani Rita. “Hindi pa kita kilala,” ani Cedrick. “Hayy! oo nga pala ako si Rita, Rita Lobrice hindi ako G.R.O dito ahh baka mamaya mapagkamalan mo pa ko! nandito lang ako para mag-enjoy at hinihintay ko rin ang kaibigan ko,” ani Rita. “Rita Lobrice? ang ganda ng pangalan mo ahh Cedrick Apostol yung full name ko,” ani Cedrick. na may kasamang ngiti. “Hmm ayan na pala siya! Siya yung kaibigan ko na sinasabi ko sayo,” ani Rita. tinuro nito ang kaibigan niya. “Pwede ko bang mahingi yung number mo? Para maging text mate tayo,” ani Cedrick. hawak ang kamay ni Rita. “Text mate? Telopono lang ang meron kami, di ka ba nagbibiro? Okay sige,” ani Rita. kasabay ng pag-alis nito sa kamay ni Cedrick. Binigay ni Rita kay Cedrick ang number ng telepono nito at iniwan nang saglit sa lamesa para puntahan ang kaibigan nito na si Belen. “ang tagal mo naman! Kanina pa ko nandito, tara doon ka sa lamesa ko may nakilala ako dito baka magustuhan mo!” ani Rita. Sumama naman si Belen sa lamesa na sinasabi ni Rita at umupo silang dalawa. pinakilala ni Rita si Belen sa nakilala nitong lalaki sa bar “Siya yung sinasabi ko sayo si Belen nga pala! yung kaibigan ko,” ani Rita. Masaya namang nagkakilala ang dalawa at nagtuloy ang pag-iinuman nila hanggang sa bumagsak na si Rita, hindi na kase nito nakayanan ang kalasingan niya kaya pinagtulungan siyang buhatin ni Belen at Cedrick. Pagkarating sa labas sinakay nalang si Rita sa kotse na dala ni Cedrick. “May gusto ka ba sa kaibigan ko? Kanina ka pa ganyan makatingin sa kanya!” tanong ni Belen. na may halong pagtataka. “Hmm pwede ko ba siyang makasama ngayong gabi?” tanong ni Cedrick. “Hoyy! G*g*! Hindi G.R.O ang kaibigan ko! Hindi ako papayag!” galit na sagot ni Belen. “Wag kang mag-alala wala akong gagawing masama sa kanya, gusto ko lang na pag-gising niya ako ang una niyang makikita,” ani Cedrick. “Penge akong pamasahe! Kahit ano ng gawin mo dyan! Ibalibag mo pa yan basta no s*x! Tiwala naman ako sayo ehh,” ani Belen. Binigyan ni Cedrick si Belen ng pera at bumaba na ito sa sasakyan niya. Naiwan ang kaibigan nitong si Rita sa loob kasama si Cedrick. Hanggang sa makaratimg na ito sa bahay. Dinala ni Cedrick si Rita sa kwarto niya dahil sa sobrang kalasingan ay kumuha si Cedrick ng basang twalya at pinunasan niya si Rita. Hinubaran niya ito para maging komportable ang pagtulog dahil na rin sa sobrang hilo ni Cedrick ay natulog na din siya sa tabi ni Rita. Nagising si Cedrick umaga na at malakas na ang sikat ng araw. Pero si Rita ay hindi pa nagigising masarap pa rin ang tulog nito kahit medyo nasisilawan na ng araw ang mukha nito. Naka-ngiting pinagmamasdan ni Cedrick ang mukha pati ang katawan ni Rita. Habang natutulog si Rita at nakahubad ay naisipan ni Cedrick na iguhit si Rita. Kumuha ito ng sketchpad at doon ginuhit ang nakikita niyang hubad na katawan nang magandang babae na si Rita. Nang-matapos na ang ginuguhit niya ay nagising na rin si Rita, nagulat si Rita dahil katabi niya sa higaan si Cedrick. pinagpapalo niya ito ng unan at tsaka sinampal ng ilang beses hindi pa ito natapos dahil sinipa niya pa si Cedrick. “Saglit! Magpapaliwanag ako!” ani Cedrick. “ANO!! G*G* KA ANO PANG IPAPALIWANAG MO!” sigaw ni Rita. “Easy! Walang nangyari satin Rita! hindi ko gagawin sayo ‘yon,” ani Cedrick. “May nobyo ako tapos makikita ko ang sarili ko nakahubad sa tabi ng ibang lalaki! Hindi ako p*kp*k!” ani Rita. “Rita…walang nangyari satin kaya ka nakahubad kase pinanusan kita! para maging komportable yung pagtulog mo pero hindi ko sinamantala yung kalasingan mo!” paliwanag ni Cedrick. “Ano pang ginawa ko? Cedrick!! Wag ka magsinungaling ano pang nangyari!?” ani Rita. “Wala na yun lang!” ani Cedrick “aalis na ko nasaan yung damit ko?” tanong ni Rita. “Pinalabahan ko may damit pa naman ako diyan,” ani Cedrick “Kailangan yung damit ko mismo! Dahil makikita ako ng nobyo ko na pang-lalaki ang suot ko! Baka isipin niya nakipag-siping ako sa ibang lalaki,” ani Rita. “Hindi niya iisipin yon ikaw lang ang nag-iisip, sige na gamitin mo muna yung damit ko,” ani Cedrick. Tinanggap naman ni Rita ang pinapahiram na damit ni Cedrick sa kanya at bago siya umalis ay biniro pa siya ni Cedrick. “Sabi mo nga pala sakin kagabi na nobyo mo na ko! kita tayo ulit sa susunod!” ani Cedrick. Naiinis na umalis si Rita sa bahay ni Cedrick. nahihiya rin siyang naglakad dahil malaki at panglalaki ang suot niyang damit. kahit sa sinakyan nito ay pinagtitinginan ang itsura niya hanggang sa makarating siya sa lugar na tinitirahan niya ay pinagtitinginan siya ng mga kapit-bahay niya. Nakasalubong nito si Belen at kinamusta ang lagay niya. “Ano ng nangyari sayo Bess!? Bakit ganyan na ang suot mo? Alam mo mas mabuti pa na umuwi ka muna at may sasabihin ako sayo!” ani Belen. Umuwi naman si Rita at nagpalit nang damit at nakita niya ang lola niyang naghihintay sa kanya, Nagmano siya dito at nakatikim pa ng sermon. “Bakit umaga ka na umuwi! Sinabi ko sayo na wag kang magsasama diyan sa kaibigan mong G.R.O! ayan pati ikaw inuumaga ka na ng uwi!” ani Lola Amor. Hindi na ito pinansin ni Rita at pagkatapos magpalit ng damit ay lumabas ulit siya ng bahay para makipagkita kay Belen. Di pa siya nakakalayo ay humabol nang sigaw ang lola niya. “Bumalik ka agad! At bilhan mo ko ng ulam!” “Opo!” sagot ni Rita. ‘Di pa ito nakakalayo sa bahay niya ay agad itong sinalubong ni Belen at doon nalang din sa gilid nang daan nag-usap. “Anong nangyari sa inyo ni Cedrick?” tanong ni Belen. “Wala daw pero nakahubad ako ehh, kaya hindi ko rin masabi kung meron o wala,” ani Rita. “Paano kapag nalaman ni Reniel?” tanong ni Belen, kasabay ng pag-alala. “Iyon nga rin ang inaalala ko ehh, pano kaya? Tsaka ikaw? Bakit nawala ka kagabi? Di’ba dapat kasama kita ngayon? Ano nasaan ka!?” ani Rita. “Sorry Bess, pero binigyan niya ko ng pera ehh, wala naman siyang ginawa sayo promise! Libre nalang kita! Anong gusto mo? Dali!” ani Belen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD