SADKM:EP2 Ang Pag-ibig
Dinala ni Belen si Rita sa malapit at masarap na kainan sa kanila. Narinig kase nito ang sigaw ni Lola Amor na nagpapabili ito ng pagkain kay Rita. Habang papunta sila doon ay nakasimangot na si Rita kay Belen at hindi siya nito kinakausap.
“Rita naman! Sorry na kung iniwan kita doon at inisip mo na pinagkaperahan kita! Oo na! totoong pinag-kaperahan kita, nasilaw kase ako sa pera ehh! Tsaka alam mo naman ang buhay natin Bess di’ba?” ani Belen.
“Oo! Pero sana hindi mo ko iniwan ‘don at sinamahan mo sana ako para makita mo kung anong gagawin niya!” ani Rita.
“Sorry na Bess!” ani Belen.
Saktong doon rin sa binilan nila Rita at Belen ang punta ng nobyo ni Rita na si Reniel. Kaya napansin at nakita din ni Reniel si Rita doon na kasama si Belen. “Saan ka galing kagabi? tinatawag kita doon sa bahay niyo hindi ka lumalabas! kaya nalaman kong wala ka doon kagabi!” ani Reniel.
Hindi nakapagsalita ang dalawa nagtinginan pa ito at iniba nalang ni Belen ang usapan. “Anong bibilhin mo Reniel?” tanong ni Belen, at binalik ni Reniel dito ang hindi pagsagot sa tanong ni niya.
Hindi na natiis ni Rita si Reniel at sinabi nito kung saan siya nanggaling. “Reniel, pumunta kase ako sa bar kagabi kase sinundo ko si Belen. Gusto ko kase na mag-inom din hindi naman bawal ‘yon di’ba?” ani Rita.
“ lPero sana nagpapaalam ka! Sige na mamaya nalang punta ako sa bahay niyo. Gabi ulit! alam mo naman na gabi lang ang oras na pag-punta ko sa bahay niyo ehh,” ani Reniel, at umalis na ito sa karenderya.
Pagtapos bumili ni Rita at Belen ay naghiwalay na rin ang dalawa at umuwi na si Rita sa bahay niya. Pag-uwi ay binigay na nito ang pagkain na binili niya para sa lola niya. Maya-maya lang ay may biglang tumawag sa telepono nila pero hindi si Rita ang sumagot nito dahil wala naman siyang inaasahan na tatawag sa kanya. Si Lola Amor ang sumagot nang telepono.
“Hello? Sino ito?” ani Lola Amor.
“Hmn Hello po! Ako po si Cedrick kaibigan ni Rita, Pwede ko po ba siyang kausapin?” tanong ni Cedrick.
“Bakit!? Anong kailangan mo sa apo ko? Wala naman akong kilalang Cedrick na kaibigan ng apo ko!” sagot ni Lola Amor.
Narinig ni Rita ang pangalan na Cedrick. si Cedrick ang tumatawag sa telepono kaya agad na lumapit ito sa Lola niya para kunin ang telepono dito at kausapin si Cedrick.
“Bakit ka napatawag? Tsaka bakit alam mo kung anong number ng telepono namin?” ani Rita, na may kasamang pagtataka.
“Binigay mo sakin kagabi yung number ng telepono niyo hindi mo na ba maalala? Lasing ka na siguro kagabi? Musta na ang nobya ko?” tanong ni Cedrick.
“Wala na kong ibang nobyo kundi si Reniel lang! pwede ba? tigil-tigilan mo ko at baka kung ano pang magawa ko sayo!” ani Rita.
“Wait! Wag mo muna ibaba! Magkita tayo mamayang gabi sa harap ng chapel nakita ko kase kanina kung saan yung lugar mo at may malapit na chapel diyan, siguro doon nalang tayo magkita ibibigay ko yung damit na naiwan mo sa bahay bye,” ani Cedrick, binaba ang telepono.
“Huh! Hoyy!” ani Rita.
“Wala pa nga isang araw ehh! Gusto mo nanaman makita ako!” sigaw ni Rita. Nakatingin dito si Lola Amor nang masama at umupo na ito sa harap ni Lola Amor para kumain. Habang kumakain ay sinesermonan ni Lola Amor si Rita.
“Ikaw! May nobyo ka na nandyan na si Reniel! Bakit meron ka pang bago? Ano ka? Mauubusan nang lalaki? Oo Rita, Maganda ka mana ka sakin pero dapat isa-isa lang ang pagno-nobyo hindi dala-dalawa!” ani Lola Amor.
“Oo na La! Tama na at baka mabulunan ka kumakain tayo ehh,” ani Rita.
Tumahimik na si Lola Amor pero si Rita ay iniisip niya ang sinasabi ni Lola Amor. “Hindi ko naman talaga nobyo ang lalaking yon! Nangungulit lang siya at akala niya ay nobyo ko siya! Yari talaga sakin ang lalaking ‘yan pag-nagkita kami mamaya!” bulong sa isip ni Rita.
Maggagabi na hindi alam ni Rita kung saan siya pupunta. Nakikipagkita kase si Cedrick sa kanya sa Chapel at si Reniel naman ay pupunta sa bahay niya, aligaga na ito at hindi mapakali baka kase mahuli siya ni Reniel na nakikipagkita kay Cedrick kapag sa Chapel lang siya nakipagkita.
Umalis pa rin si Rita sa bahay nila at kahit hindi sigurado ay pumunta siya sa Chapel. pagkarating na ‘don ay nakita niya ang sasakyan ni Cedrick na nakaparada at nagmadali itong pumasok sa loob nang kotse.
Pagpasok ni Rita ay nakita nito si Cedrick na nakahubad ang pangtaas na damit. nagulat ito sa nakita niya at pawis ‘din ang katawan nito. “Ano ba? Ang tanda mo na! tapos gumaganyan ka pa diyan! Hindi ka na bata Ced! Magbihis ka nasaan na yung damit ko? Akin na para makaalis na ko agad,” ani Rita.
Pero hindi pa rin ito sinunod ni Cedrick. niyakap pa nito si Rita sa loob ng sasakyan at hinalikan sa labi. “Bakit!? Kahit matanda na tayo pwede pa rin natin gawin ‘to!” ani Cedrick, sabay tumawa.
“Alam mo Ced, wala ka bang nobya? Kase okay na ko ehh! Wag mo na kong lituhin!” ani Rita.
“Nalilito ka? Ibig sabihin may pag-asa ako sayo? May pag-asa na makuha pa kita sa kanya?” ani Cedrick, na may kasamang pang-aasar.
“Pwede ba kung mangbibwisit ka wag ngayon, kase yung nobyo ko papunta na sa bahay! Asan na yung damit ko?” ani Rita.
“Ito na(Inabot ang damit) sana magkita pa tayo ulit!” ani Cedrick.
Bumaba si Rita sa kotse na dala ang damit niya hinintay muna nito na makaalis ang kotse ni Cedrick at nang makaalis na ito ay umuwi na siya sa bahay niya. Pagkauwi ay nakita nito si Reniel na nakaupo at naghihintay sa kanya.
“Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang? kanina pa ko nandito sa bahay niyo tapos ikaw kung saan saan ka nagpunta Rita? Ano bang meron sayo? May tinatago ka ba sakin? Meron ba tayong dapat pag-usapan?” tanong ni Reniel.
“Wala papasok ko lang yung damit ko sa loob,” ani Rita.
“Umupo ka muna dito nag-uusap tayo Rita. tsaka saan galing ‘yun damit mo? Hindi ka naman nagpapahiram nang damit ahh,” ani Reniel.
“Reniel! Ano ba?” ani Rita.
“Ano rin ba? Inaayos ko na ang lahat para sa kasal natin di ba? Tapos ngayon ka pa nagkakaganyan?” ani Reniel, galit na sabi nito.
“Reniel hayaan mo kong magpaliwanag,” ani Rita.
“Kailangan na natin magkaron ng anak! Gusto ko na magkaron tayo ng anak!” ani Reniel.
“Reniel? Makakapaghintay ka naman di’ba? Tsaka kapag naayos mo na magpapakasal ako sayo agad!” ani Rita.