SADKM:EP3 Ang Anghel

1178 Words
SADKM:EP3 Ang Anghel Pagtapos ng pag-uusap ni Rita at Reniel ay umalis na ito sa bahay ni Rita. Habang nag-iisa siya iniisip niya ang magiging lagay ni Reniel kung sakaling matuloy nga ang pagmamahal niya kay Cedrick. “Bakit? Bakit ko ba naiisip yung mga bagay na ‘to!? Gusto ko na ba si Cedrick? Nako! Hindi pwedeng mangyari ‘to! Magagalit si Reniel sakin!” bulong sa isip ni Rita. Pumasok ito sa kwarto niya at natulog. Makalipas ang tatlong linggo naging malapit na ang loob ni Rita at Cedrick sa isa’t isa. patuloy niya nalang sinekreto ang nangyayari sa kanila ni Cedrick sa Lola nito at sa kaibigan niya, pati na rin sa isa pang nobyo nito na si Reniel. Halos araw-araw na nagkikita si Cedrick at Rita at wala na rin itong maibigay na oras kay Reniel. Dahil naka-focus na ito kay Cedrick at dito niya na rin binubuhos ang lahat ng oras niya. Galing si Rita at Cedrick sa Park at umuwi sa bahay ni Cedrick. Hindi na rin nakakauwi si Rita sa bahay niya at madalas na umuuwi sa bahay ni Cedrick. Kakauwi lang galing sa park ang dalawa. gutom sila kaya nagluto si Cedrick ng kakainin nilang dalawa, habang nagluluto ay pumunta si Rita sa kwarto ni Cedrick at nakita nito ang sketchpad ni Cedrick. Kinuha ni Rita ang sketchpad at tiningnan niya ang mga guhit ni Cedrick at sa bandang gitna nito ay nakita ni Rita ang iginuhit ni Cedrick na larawan niya. tuwang-tuwa siya ng makita niya ang guhit na ‘yon at dinala niya kay Cedrick. “Magaling ka pala gumuhit? Artist ka pala! Bakit hindi mo sinabi?” ani Rita. “Hindi ka naman nagtanong kung nagtanong ka siguro sasabihin ko,” ani Cedrick. “Ang ganda ng pagkakaguhit mo sakin! Ano bang trabaho mo?” tanong ni Rita. “Architect, palpak na architect! kase wala pa rin project kahit isa natapos ko ‘yan pero hindi ako kumita. Ilang beses na kong nag-apply pero wala ehh iba talaga ang buhay kapag minamalas ka,” ani Cedrick. “Pano ka kumikita ngayon?” tanong ni Rita. “Sa pagguguhit tsaka sa pagpipinta, tingin ko naman kase na doon talaga ako kikita,” sagot ni Cedrick. “Ang swerte ko pala sayo! Kung magiging asawa kita,” ani Rita. “Swerte? Alam mo walang swerte nasa pagsisikap yan,” ani Cedrick. “Tara! Kain na tayo baka humaba pa ang pag-uusap natin tungkol diyan,” ani Rita. Kumain na ang dalawa ng sabay at pagtapos ay pumunta ang dalawa sa kwarto. Gabing gabi na wala pa rin si Rita sa bahay nila at hindi na rin mapakali si Reniel sa pag-aalala kay Rita. Nakahiga si Rita at Cedrick at dahil sa hindi nila matiis ang nararamdaman nila ay tumayo si Cedrick sa pagkakahiga nito. pagtapos ay umibabaw ito kay Rita at hinalikan niya ito. Hindi na rin nakapagpigil si Rita, ipinagkatiwala niya na rin ang p********e niya kay Cedrick. Lumalalim na ang gabi, pero lahat nang kailangang gawin ni Cedrick kay Rita ay ginawa niya na. pawis na pawis at hingal na hingal ang dalawa kasabay ng kaba at init na nararamdaman nila. Kinabukasan kahit hindi pa gising si Cedrick ay umalis na si Rita sa bahay nito kahit hindi pa nagpapaalam. Umuwi si Rita sa bahay nila at naabutan nito si Reniel na nakahiga sa upuan kaya ginising niya ito. Rita: Bakit dito ka natulog? Hindi ka umuwi? Lola Amor: Bakit hija? Saan ka ba nanggaling! Kagabi ka pa hinihintay ng asawa mo! Rita: Di ka pa uuwi? Reniel? Reniel: Uuwi na ko. Tumayo si Reniel sa pinag-hihigaan nito at yumakap kay Rita bilang pagpapaalam na uuwi na siya. Pero biglang nag-iba ang ihip ng hangin. naamoy kase ni Reniel si Rita na ikinasira ng umaga niya. “Saan ka talaga nanggaling Rita?” tanong Reniel, na may kasamang pagtataka. “R-Reniel? Huminahon ka,” ani Rita. “Amoy lalaki ka Rita! Rita bakit ka ganyan! Bakit binigay mo agad ang sarili mo sa iba? Bakit sa iba? Ang tagal kong pinaghandaan na makuha ka! Na maging sakin ka na! pero-” ani Reniel, naputol ang pagsasalita niya at nag-umpisa siyang umiyak. Niyakap ulit ni Reniel si Rita ng mahigpit, umiiyak itong yumakap kay Rita at humalik sa noo. Pagtapos ay hinawakan niya ang kamay ni Rita at lumuhod sa harap nito. “Pwede mo bang ipangako sakin na hindi ka na makikipagkita sa lalaking pinagkakatiwalaan mo?” ani Reniel, umiiyak at nagmamakaawa ito sa harap ni Rita. Nag-umpisa na rin tumulo ang luha ni Rita at hindi na rin niya mapigilan maging emosyonal. “Sorry…sorry Reniel pero mahal ko na siya kaya ko siya pinagkatiwalaan,” ani Rita. Tumayo si Reniel mula sa pagkakaluhod nito. hindi pa ito makapaglakad ng maayos dahil parang tutumba pa ito dahil sa panghihina na nararamdaman niya. “Reniel wag ka munang umalis! Hayaan mo kong magpaliwanag!” ani Rita, pag-awat niya kay Reniel. Pero tuloy pa rin sa pag-lakad si Reniel kahit humahagulgol ito sa pag-iyak. Makalipas ang isang linggo, nag-iba na rin ang nararamdaman ni Rita sa katawan niya. Napapansin niya na palagi siyang nagugutom at hindi alam kung anong gustong kainin. hanggang sa dumating yung araw na gumising siya at mainit ang pakiramdam niya sa kanyang sarili at nahihilo rin ito tsaka nasusuka. Pumunta si Rita sa banyo at doon sumuka, pagtapos ay pumunta rin si Rita sa malapit na botika para bumili at gumamit ng pregnancy test, alam kase nito na ganun ang nararamdaman ng mga buntis. Pagkauwi ay agad nitong ginamit ang pregnancy test na binili niya at mga ilang segundo lang ay nagpositve siya. naiyak si Rita dahil sa pagbubuntis niya at dahil na rin sa relasyon nila ni Cedrick. Agad na sinabi ni Rita kay Lola Amor na buntis siya. “Bakit? Bakit ka nagpabuntis sa lalaking hindi ka pinakasalan? Bakit! Bakit apo!” ani Lola Amor.“Wala na tayong magagawa dumating na ang anghel sa buhay mo! sana naman Rita makapagdesisyon ka na kung anong gusto mong mangyari sayo at sa magiging anak mo!” dagdag ni Lola Amor. Dahil sa sinabi ni Lola Amor kay Rita ay agad na pumunta si Rita sa bahay ni Cedrick para ipaalam ang pagbubuntis niya. Pagkarating sa bahay ni Cedrick ay nandoon ito sa labas at nakaupo, sinalubong siya nito at hinalikan. “Bakit ang aga mo naman pumunta? Ang init mo ahh? May sakit ka ba? Tara pasok ka muna sa loob,” ani Cedrick. Pero hindi na sumama si Rita sa loob ng bahay nito. “Bakit Rita? May problema ba?” tanong ni Cedrick. “Ced… Hindi ko na kaya ayoko na! gusto ko kase na magsimula ulit kami ni Reniel, gusto ko siya maging asawa. Ced sana maging masaya ka sa kung anong desisyon ko! Sana wag ka na mangulit, ito na ang huling pag-uusap at pagkikita natin. Wag ka ng magpapakita sakin,” ani Rita, umiiyak siyang umalis sa bahay ni Cedrick. Hawak nito ang pregnancy test niya at hindi niya napakita kay Cedrick dahil natatakot siyang malaman ni Cedrick ang pagbubuntis niya at iniisip ni Rita na baka hindi rin matanggap ni Cedrick ang magiging anak nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD