SADKM:EP4 ANG PAGSILANG

1056 Words
Hawak lang ni Rita ang pregnancy test niya hanggang sa pag-uwi niya, pagkarating niya sa bahay niya ay nakita niyang nandoon si Reniel at nakaupo. Naghihintay nanaman ito sa kanya at pagagalitan nanaman siya, pero iba ang nangyari. Dahil niyakap siya ulit nito ng mahigpit at masayang sinalubong. “Rita, tara umupo ka meron akong ibabalita sayo!” ani Reniel. Umupo naman si Rita at nakinig sa sasabihin ni Reniel. May kinuhang papel si Reniel sa bag niya at pinakita ito kay Rita. “Ito Rita, ito na ang papeles! Naayos ko na ang lahat, pwedeng pwede na tayo ikasal! Malapit na Rita!” masayang sinabi ni Reniel. “Reniel, magpapakasal tayo! Ikakasal ako sayo!” ani Rita. Dahil sa sobrang saya ni Reniel ay niyakap niya ulit si Rita at hinalikan. “Reniel, kahit kailan mo gustong magpakasal! Magpapakasal ako sayo!” dagdag ni Rita. Makalipas ang isang buwan. Nagpakasal na si Rita at si Reniel at pagtapos ng kasal ay dinala ni Reniel si Rita sa lugar ng kanilang paglilipasan ng gabi. Kabado si Rita at hindi pa handa sa mangyayari, pero hindi niya mapigil si Reniel sa gusto nitong gawin sa kanya. Napapikit si Rita at naalala niya ang gabing magkasama sila ni Cedrick. Napapahigpit ang kapit ni Rita kay Reniel, hanggang sa tinulak na niya si Reniel at umiiyak. “Rita? Bakit? Anong nangyari? May nagawa ba kong mali?” ani Reniel. Nagtataka si Reniel sa ikinikilos ni Rita. Lumapit si Rita kay Reniel at lumuhod. “Reniel, patawarin mo ko sa nagawa kong kasalanan sayo!” ani Rita. “Rita? Meron ba kong dapat malaman?” tanong ni Reniel. “Oo! Meron kang dapat malaman tungkol sakin! Reniel, buntis ako! Buntis ako Reniel at si Cedrick ang ama!” ani Rita. Mahigpit ang hawak nito sa kamay ni Reniel at umiiyak. “Bakit?! Bakit ngayon mo lang sinabi sakin ‘yan Rita! Bakit mo sinekreto sakin!” galit na sabi ni Reniel. “Dahil ayokong mawala ka sakin! Mahal kase kita Reniel at ayokong iwanan mo ko!” ani Rita. Kahit na masakit para kay Reniel ang nangyari ay pinatawad niya pa rin si Rita. Itinayo niya ito at pinakinggan lahat ng sinabi. Hanggang sa lumaki na ang pinagbubuntis ni Rita, masaya si Reniel kahit na hindi niya anak ang nasa sinapupunan ni Rita. Nagtrabaho si Reniel, hanggang sa maipanganak na ni Rita ang batang nasa loob niya. Dinala ni Reniel si Rita sa hospital at doon nanganak si Rita. “Misis! Babae po ang anak niyo, napakaganda naman ng anghel na ito! Sobrang ganda! Ano po ba ang ipapanagalan niyo sa kanya?” tanong ng Nurse. “Cara, Cara ang ipapangalan ko sa kanya!” masayang sabi ni Rita. Makalipas ang labing-dalawang taon, nag-aaral na si Cara at marami na ring kaibigan. At sa panahong ito ay gra-graduate na si Cara sa primary school at nandoon si Rita pati na rin si Reniel. “Our first honor! Cara Lobrice please come to stage!” pagtawag kay Cara. Kahit buntis si Rita ay dali-dali niyang sinamahan ang anak niya sa stage at isinabit sa anak niya ang nakuhang medalya. Pagtapos ng graduation ay umuwi na agad ang buong pamilya sa bahay nila. Pag-uwi ay nag-Celebrate na sila sa paggraduate ni Cara sa elementary. “Masarap ba anak? Palagi kang makakatikim ng masasarap na pagkain kapag lagi mong ginagalingan sa school!” ani Rita. “Ma! Syempre naman! Gagalingan ko po lagi para mas marami pa po akong maipon na medal!” masayang sabi ni Cara. “Pa! ano pong regalo niyo sakin? Marami po akog natanggap na medal ohh,” dagdad ni Cara. “Anong gagawin mo sa medal na ‘yan? Makakain mo ba ‘yan? Wala akong regalo sayo!” ani Reniel. “Reniel! Wag mo naman ginaganyan si Cara! Buti nga nag-sisipag sa pag-aaral yung bata ehh!” ani Rita. “Alam mo Rita! May alam na ang anak mo! Kailangan niya na malaman kung sino ang tatay niya! Bakit hindi mo ba sabihin sa kanya kung sino ang tatay niya?” ani Reniel. “Reniel! Please… hayaan mo muna kami ni Cara! Masaya nga siya ohh! Nanghihingi lang naman siya sayo ng regalo!” ani Rita. Dahil sa sobrang init ng ulo ni Reniel kay Cara ay lumabas siya ng bahay at iniwan na magdiwang ng graduation ang mag-ina sa loob. Imbes na ngumiti si Cara ay nakasimangot pa ito sa harap ng mama niya. Hindi rin natiis ni Rita ang anak niya at tinanong niya ito kung anong gustong regalo. “Anak? Anong gusto mong regalo? Laruan? Gusto mo ba na kumain nalang tayo sa labas?” tanong ni Rita. “Ayoko po Ma! Hindi ko po ba tatay si tatay Reniel?” ani Cara. “Anak! Wag mo intindihin ang sinasabi ng tatay mo, siya ang tatay mo wala ng iba!” ani Rita. “Sabi rin po kase ng mga kalaro ko sakin na putok sa buho daw po ako! At sabi rin tatay na hindi daw po siya ang tatay ko, ehh kung hindi po siya. Sino po ang tatay ko?!” ani Cara. Umiiyak ng tumingin si Cara kay Rita, kaya naman humarap si Rita dito at pinatigil ang anak niya. Dinala niya si Cara sa kwarto nito at sinara ang pinto. Silang dalawa lang mag-ina ang nasa loob at doon na nagging seryoso si Rita sa anak niya. “Anak? Gusto mo bang malaman?” tanong ni Rita. Tumango si Cara na sumensyas ng oo at inamin na ni Rita kung ano ang totoo. “Cara, totoong hindi si Reneil ang tatay mo, ang totoo niyan ay hindi na kami nagkita ng tatay mo. Hindi ko na Makita kung nasaan siya dahil umalis na siya sa dati niyang tinitirahan” ani Rita. “Nasaan na po siya? Bakit po hindi siya ang kasama niyo? Bakit po si tatay Reniel ang kasama niyo?” tanong ni Cara. “Hindi mo maiintindihan ngayon, pero ang masasagot ko lang d’yan ay kaya kami magkasama ni tatay Reniel mo, dahil mahal ko siya.,” sagot ni Rita. “Mama, gusto ko pong makilala si Papa! Yung tunay kong tatay! Hanapin po natin siya, gusto ko po na mapakita sa kanya lahat ng medal ko!” ani Cara. “Anak, hindi na natin siya makikita! Dadating din yung panahon na makikita mo siya, pero Cara hindi pa ngayon ang panahon na ‘yon!” ani Rita. “Ma! Ayoko na po kayong kasama! Gusto ko na po doon sa tunay kong tatay!” ani Cara. “CARA!! Tama na ang tungkol d’yan! Dahil malabo na magkita pa kayong dalawa!” sigaw ni Rita
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD