SADKM:EP5 Ang Paglaki

1131 Words
Umiiyak pa rin si Cara dahil hindi niya tanggap na totoo ang sinasabi sa kanya ng mga kaibigan niya na putok sa buho siya. At galing pa iyon mismo sa mama niya. Lumabas si Cara ng kwarto at pumunta sa mama niya. “Ma, ano po bang pangalan ng tatay ko?” tanong ni Cara, kahit na umiiyak ay matapang niya pa ring tinanong sa mama niya kung sino ang tunay na tatay niya. “Ma, hindi niyo po ba siya kilala? Sino po ba talaga ako?” dagdag ni Cara. Umiiyak si Rita sa mga tanong ng anak niya sa kanya, pero itinatago na lang niya iyon sa harap ng anak niya. Hindi na sinagot ni Rita ang tanong ng anak niya at pumunta siya sa kwarto niya. Hanggang sa sumigaw si Cara sa labas ng kwarto nito. “Ako na po mismo ang maghahanap sa tatay ko! Ako na rin po mismo ang kikila sa kanya! Pangako ko po yan! Dahil hindi ko po makikilala ang sarili ko kapag wala siya!” ani Cara. Pagtapos niyang magsalita ay tumakbo si Cara palabas ng bahay, narinig naman ni Rita ang malakas na pagsara ng pinto kaya agad na lumabas ito para Makita ang nangyari. Takbo lang ng takbo si Cara, hindi rin nito naisipang tumigil ng kahit sandali man lang. Tumatakbo siya habang iniisip ang sakit, nang malaman niya kung ano ang totoo. Hanggang sa nagdalaga na si Cara. iniisip pa rin niya kung sino ang tunay niyang tatay at gusto niya pa rin itong mahanap at makilala. Nakauwi na si Cara galing sa school, papasok siya sa lugar na puno ng tsismosa. “Hoy!! ‘yan na si Cara! yung anak ng p*kp*k!” sabi ng isang kapit bahay niya. Hindi na natiis ni Cara ang narinig niya kaya pinatulan niya ang mga nag-uusap na tsismosa. “Hoy!! Kung mag-uusap kayo tungkol sa buhay ng iba, siguraduhin niyong wala dito yung taong pinag-uusapan niyo!” ani Cara. “Huh!? Tanga ka ba? Hindi mo ba alam na talagang pinaparinig talaga namin sayo yung sinasabi namin!” ani Tisay. Ang kapit-bahay ni Cara na tsismosa. “Oo! Naririnig ko araw-araw, kaya kahit hindi niyo na ulit-ulitin!” ani Cara. Tumigil na si Cara at hinayaan niya nalang ang mga tsismosa. Pag-uwi ay nakita niyang nandoon ang kapatid niya at ang mama niya, hindi na dapat niya kakausapin pero tinawag siya nito kaya lumapit siya. “Saan ka galing? Naghanap ka ba ng trabaho? Kahit huwag ka na muna magtrabaho, okay lang sakin na magpahinga ka muna dito sa loob ng bahay.,” ani Rita. “Ma, hinahanap ko si Papa, pero huwag kayong mag-alala. Pag nahanap ko na siya kahit sa kanya na ko tumira.,” ani Cara. Tumingin siya sa kapatid niya at ngumiti. “ikaw, kompleto ang magulang mo, meron kang tatay at meron ka ring nanay. Sana pagsikapan mo para matulungan mo sila” ani Cara. at tsaka umalis pagtapos niyang magsalita. Pumasok siya sa kwarto niya at sinara ang pinto. “Hays! Nasaan ka na ba Tay! Ano ba pangalan mo?” ani Cara. Humiga ito at dahil sa sobrang pagod ay nakatulog na siya. “Sir Joey! Nandito na po yung painter na hinihintay niyo!” ani Mico. Ang tauhan ni Joey. Lumabas si Joey ng office niya at pinuntahan ang sinasabi ng tauhan niya. Pagkarating niya sa waiting area ay sumalubong sa kanya ang painter na kanina pa niyang hinihintay na dumating. “Hi Joey, ang laki na ng istudyante ko ahh, pwede na ba tayong magstart?” tanong ng painter na sumalubong sa kanya. Dahil ito ang unang araw na pagbubukas ng Rosko’s Gallery ay inimbitan ni Joey ang isang sikat na pintor. Pumunta si Joey sa mga tao sa gallery at doon pinakilala, at ni-welcome ang kasama niya. “Ladie’s and Gentlemen, I would like you to meet, the one and only Sir.Cedrick Apostol! He is my art professor by the way, and He’s my bestfriend. The half of the gallery is made by him. Thank’s and enjoy!” ani Joey “Salamat sa pagpapakilala mo sakin sa kanila, alam mo napakabait mo at napakagaling na tao. Bihira lang ako makakilala ng ganyan, nasaan na si Ms.Janna?” ani Cedrick. “Si Mommy? Hindi ko alam kung nasaan siya pero baka nandiyan lang siya kinakausap yung mga tao. Alam mo naman si Mommy maraming ka-sosyo” ani Joey. “Okay lang, may importante lang akong itatanong sa kanya. Baka kase meron pa siyang ipagawa? Balik na ko sa Art Center.,” ani Cedrick. “Alam niyo Sir! Napaka hardworking niyong tao, pwede ka naman magpahinga muna.,” ani Joey. “Joey, ito lang naman ang libangan ko tsaka wala naman akong ibang pinag-kakaabalahan.,” ani Cedrick. Pinayagan na ni Joey na makaalis si Cedrick at pumunta ng Art Center. Nagising na si Cara dahil sa ingay ni Reniel. Nagwawala kasi ito dahil bagsak nanaman ang kapatid niyang si Carlo. Lumabas siya ng kwarto niya dahil gutom na rin siya, pumunta siya sa kusina at kumuha ng pagkain. Kahit nagwawala na si Reniel ay hindi nito pinapansin. Hanggang sa mapuna nanaman siya nito at sakanya binuntong ang galit sa kapatid nito. “Hoy! Sinabi ko ba na kumain ka na? Bakit ka kumain ka diyan?” ani Reniel. Pero kahit nagwawala na siya ay hindi pa rin siya pinapansin ni Cara. Reniel: Ayan! ‘yan ang natutunan sayo ng kapatid mo! Matalino ka nga pero wala ka na mang modo! Bastos ka! Rita: Tama na, tama na Reniel. Reniel: Ano? Kakain ka nalang? Hindi ka magtatrabaho? Rita: Reniel! Ano ba!? Cara: Hayaan niyo! Magtatrabaho ako! Pero hindi ako magtatrabaho para sa kakainin mo! Tumahimik na si Reniel at pumasok sa kwarto nito. Dahil sa galit at tampo ni Carlo ay lumabas muna ito ng bahay at naiwan si Cara at si Rita sa kusina. Inayos ni Cara lahat ng gamit na binagsak ni Reniel at tinulungan siya ng nanay niya. “Cara, pasensya ka na ahh, wag mo intindihin yung sinabi ng Tatay Reniel mo.,” ani Rita. “Ma, hanggang kailan ka magtitiis sa ugali niyan? Ano? Habang buhay ka nalang magtitiis sa kanya?” ani Cara. “Cara, wag mo nalang intindihin. Hayaan mo nalang siya, hindi ka naman niya sinasaktan diba?” ani Rita. “Kaya kong lumaban atsaka hindi niya na ko masasaktan! Ikaw! Intindihin mo ang sarili mo! Huwag ako.,” ani Cara. Inayos ni Cara ang damit niya at nagsuot ng tsinelas. “Saan ka pupunta?” tanong ni Rita. “Diyan sa labas, hahanapin ko si Carlo” sagot ni Cara. lumabas siya para hanapin si Carlo. Pumunta siya sa computer shop pero wala ‘don si Carlo. Kaya sinubukan ni Cara na puntahan sa tabi ng ilog at pagkarating niya ‘don ay nandoon nakatambay si Carlo at nagpapahangin. “Carlo, nandyan ka lang pala! Anong ginagawa mo dito? Ayaw mo pa ba umuwi?” ani Cara. “Ayoko muna ate, dito muna ako magpapahangin muna ako.,” ani Carlo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD