SADKM:EP6 ILIHIM NALANG

1053 Words
Sinamahan muna ni Cara ang kapatid niyang si Carlo na magpahangin muna at magrelax sa tabi ng ilog. Masyado kasing dinamdam ni Carlo ang pagwawala ng tatay niya at ang bagsak rin na grado nito sa school. “Ate Cara, paano ba maging matalino kagaya mo? Di ko kaya yung expectation ni Papa sakin ehh, palagi niya kase sinasabi sakin na gayahin daw kita.,” malungkot na sinabi ni Carlo. Wala nang kahit na ano pang sinabi si Cara, Niyakap niya ng mahigpit ang kapatid niya at pinakinggan ang saluobin nito. Hindi kase nagsasabi ang kapatid niya sa kanya ng mga problema, dahil ito lang unang pagkakataon na nakausap niya ng seryoso ang kapatid niya. Nang naging maayos na at magaan na ang pakiramdam ni Carlo ay umuwi na sila ng Ate niya. Pagkarating nila sa bahay nila ay naabutan nilang naglilinis ang Nanay nila, mangilid-ngilid pa rin ang luha ng nanay nila, kaya lumapit si Carlo para yakapin ito, si Cara ay nakatingin lang sa kanila kaya pinalapit ito ni Carlo para yakapin nilang dalawa ang nanay nila. Sumunod naman si Cara sa gusto ni Carlo, lumapit siya dito at yumakap. Masama man ang loob ni Reniel sa kanila, pero masaya siyang nakita niya ang mag-iina na magkayap. Mula sa likod ng pinto ng kwarto nito ay nakasilip siya sa mag-iina at nang matapos na yakapan ay dahan dahan rin niyang sinara ang pinto ng kwarto. “Ma, tulog na po ako.,” paalam ni Carlo. Pumunta naman si Carlo sa kwarto niya at iniwan ang kapatid niya at nanay niya sa kusina. Dahil hindi sanay si Cara na ganun ang nanay niya sa kanya ay umiwas ito, pumunta siya sa bintana at sumilip sa labas. “Anak, Cara, ikaw? Hindi ka pa matutulog?” mahinang tanong ni Rita. Umiling nalang si Cara na tila nagsasabing, hindi pa ito matutulog, kaya lumapit si Rita sa anak niya at tinabihan. “Anak, wag mo ng intindihin yung sinabi sayo ng tatay mo kanina ahh, ayus lang sakin na hindi ka muna magtrabaho.,” ani Rita. “Ma, kilala mo ba talaga ang tatay ko?” seryosong tanong ni Cara. nangingilid-luha itong humarap sa nanay niya, na tila nagmamakaawa na banggitin sa kanya kung saan siya nag-mula. Hindi pa rin sinagot ni Rita ang tanong ng anak niya. Nakatingin lang siya kay Cara at natulala na parang hindi niya pa kayang sagutin ang tanong ng anak niya. Hindi na naghintay si Cara sa sagot ng nanay niya, alam niya naman kase na hindi sasagutin ng nanay niya ang tanong tungkol sa tatay niya. Pumunta na si Cara sa kwarto niya at iniwan na rin ang nanay niya sa sala. Pigil ang iyak ni Rita, kahit masakit sa puso ay nagagawa ito ni Rita matago lang ang sakit na nararamdaman niya mula sa nakaraan niya. Pagtapos ng kasal ni Rita at Reniel ay pumunta na sila sa lugar kung saan nila i-ce-celebrate ang kanilang honeymoon. Pinigil ni Rita ang gustong gawin ni Reniel sa kanya at sinabi niya rito na buntis siya, tinanggap ni Reniel ang batang pinagbubuntis ni Rita. Pero nang magtagal ang pagsasama nila ay unting-unting nagbago si Reniel. May araw na galit si Reniel kay Rita at sinusumbat niya dito ang pagkakamaling nagawa ni Rita. “Bakit?! Ako ba ang tatay ng batang ‘yan?! Rita, kung sinabi mo lang sakin ng maaga na buntis ka dahil sa kalandian mo! Sana hindi na kita pinakasalan.,” galit na sabi ni Reniel. Dumating din ang araw na Pinapahiya ni Reniel si Rita sa buong pamilya niya. “Rita?! Wag mong sabihin sa kanila na anak natin ‘yan! Dahil hindi ako ang kasama mo nung ginawa mo ‘yan! Ma, Pa, to follow nalang yung apo niyo sakin.,” ani Reniel. “Reniel, pwede bang satin nalang ang problemang ‘to? Wag na natin pag-usapan sa harap ng pamilya mo.,” pakiusap ni Rita. “Bakit?! Nahihiya ka? Kinahihiya mo yung kalandian mo?!” sigaw ni Reniel. Hanggang sa hindi na kinaya ni Rita ang sakit na nararamdaman niya at ang bigat ng puso mula sa sinasabi ng asawa niya. Tumakbo si Rita sa tabi ng ilog, doon iniyak at nilabas ang bigat na nararamdaman niya. “Pinili kita Reniel, bakit mo ako pinapahirapan ng ganito. dahil kase sa batang ‘to ehh(Sinuntok ang tiyan) dapat hindi ka na nabuo! Sana nung una pinatay na kita!” sigaw ni Rita. “Ma? Umiiyak ka ba?” tanong ni Carlo. Nagulat si Rita dahil sa anak nito, pinunasan niya ang luha niya at tumayo para harapin si Carlo. Pumunta siya sa kusina para kunan ng tubig si Carlo at ibinigay niya ito. Hinawi nito ang buhok ni Carlo at hinawakan sa pisngi. “Uminom ka na, pagtapos matulog ka na rin.,” ani Rita. “Sige! Goodnight po!” paalam ni Carlo. Kinabuksan, naghanda na si Rita ng almusal para sa mga anak niya at pati na rin sa asawa niya. Pero hindi pinansin ni Cara ang luto nito, sinubukan ni Rita na alokin ulit si Cara pero iniwasan siya nito. Cara: Aalis lang ako. Rita: Saan ka pupunta? Kumain ka muna baka malayo pa ang pupuntahan mo. Cara: Saglit lang naman ako tsaka malapit lag pupuntahan ko. Reniel: Sabihin mo nalang kase ng diretso na ayaw mo kong kasabay kumain! Cara: Wala akong sinasabing ganyan! Reniel: Pero ganun yung gusto mong sabihin. Cara: Nagpaalam ako kay mama ng maayos! Kailangan ko pa ba magpaalam sayo? Rita: Sige na anak umalis ka na. Reniel: Kaya lumaking bastos ang anak mo dahil sinanay mo! Cara: Kaya ako ganito dahil sayo! Rita: Anak, sige na. Reniel: Anong sabi mo? Dahil sakin? O nagrerebelde ka sa nanay mo dahil putok sa buho ka! Rita: Reniel! Please lang, sige na Cara umalis ka na. Sinunod ni Cara ang sinabi ng nanay niya, umalis na siya at hindi na pinansin ang mga sinasabi ng tatay Reniel niya. Lumabas ng bahay si Cara na maraming nakikinig sa labas ng ayaw nila. Ganyan kase ang mga tsismosa buhay na buhay at akala mo alam ang nangyayari sa buhay ni Cara. Dire-diretso lang na naglakad si Cara. hanggang sa makalabas siya sa lugar nila. Dala ni Cara ang gamit niya at nandoon ang mga requirements niya para sa paghahanap ng trabaho. Nasa bag rin niya ang hinanda niyang damit para sa pag-apply at ang iba pang gagamitin niya sa pag-aapply.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD