SADKM:EP7 Putok sa Buho

1084 Words
Pagkarating ni Cara sa pag-aaplyan niya ay agad niyang pinasa ang mga requirements niya. Sa mismong araw at oras din siya i-interview ng manager. Sa isang fast-food restaurant siya nag-apply at service crew ang inapplyan niya dito. Hindi pa sila nakakaabot sa kalagitnaan ng pag-uusap nila ay alam na ni Cara na hindi siya matatanggap nito. Kaya pagtapos ng interview niya sa manager niya ay lumabas na siya ng fast-food restaurant. Hindi na alam ni Cara kung saan siya mag-aapply, kaya nagbalak nalang siyang umuwi. Naglakad si Cara papuntang sakayan pauwi sa kanila, sasakay na sana siya pero nakita niyang may nakapaskil na “Wanted Janitress/Janitor” sa tapat ng isang Art Gallery kaya naglakad siya papunta dito at nagtanong sa guard. “Kuyang Guard, hiring pa po ba ito? Pwede po ba akong magpasa ng resume ko? Baka makapasa ako dito.,” tanong ni Cara. inabot niya sa guard ang resume niya at tinanggap naman ito ng guard. “Miss? College Graduate ka pala ehh, bakit hindi ka mag-apply sa natapos mo? Pahiram ako ng I.D mo para papasukin kita sa loob.,” ani Kuya Guard. Kinuha naman agad ni Cara ang I.D niya at binigay sa guard. Pagtapos ay pinapasok na siya sa loob nito. Entrance palang ng Art Gallery ay manghang-mangha na si Cara sa nakikita niya sa labas nito at nang makapasok siya sa loob ay lalo siyang nabighani sa ganda nito. Naglalakad palapit kay Cara si Joey, ang buong akala ni Joey ay bisita si Cara sa Art Gallery nila, pero nang malapitan niya ito ay nag-iba ang tingin ni Joey sa kanya. Dahan dahan kase na humarap si Cara sa kanya at ang ganda rin ni Cara sa suot niyang damit. “Hi Miss? Welcome to Rosko’s Gallery! Please let me introduce to you, the most visiting art in my gallery-“ ani Joey. “Saglit, mag-aapply po ako Sir. Nakita ko po kasing may nakapaskil sa labas na Wanted Janitress, gusto ko lang po kasing subukan na mag-apply.,” ani Cara. “Mag-aaply ka? At bilang Janitress pa? What the?!” gulat na sabi ni Joey. “Sir, ako po si Cara Lobrice, aalis nalang po ako kung hindi niyo rin po ako tatanggapin.,” ani Cara. “Wait, follow me to my office!” ani Joey. Palabas na sana si Cara ng Art Gallery pero naawat siya ni Joey. Naglakad na papunta si Joey sa Officee niya at sumunod naman agad si Cara dahil gusto na rin niya na magkaroon ng trabaho. Pagkarating nila sa office ay umupo si Joey sa mesa nito at umupo na rin si Cara. Binigay ni Cara ang hawak niyang Resume at nilabas niya rin ang mga hawak niyang requirements. Kabado at Nag-aalala si Cara sa magiging resulta ng usapan nila. Nakatingin si Cara kay Joey habang binabasa nito ang requirements niya. Mga ilang sandali lang ay natapos na ang pagbabasa ni Joey sa pinasang resume ni Cara. kumuha siya ng ballpen at sinulatan ang resume ni Cara. Nagtataka si Cara sa ginawa nito kaya tinanong ni Cara kay Joey ang ginawa nito sa resume niya. “Bakit niyo po sinulatan Sir?” tanong ni Cara. “Really? Wala kang idea kung bakit ko sinulatan resume mo? Ha Ha! You’re so funny!” natatawang sabi ni Joey. “Kaya mo ba ko pinapunta dito sa office niyo sir para pagtawanan ako?” tanong ni Cara. “No! hindi, easy! Nagbibiro lang ako, pasalamat ka nga dahil ganito ako ehh, yung iba diyan masungit! By the way, Huwag ka na magsungit! Because, You’re hired!” ani Joey. “Talaga po ba sir? Salamat po! Salamat po talaga sir!” masayang sabi ni Cara. Lumabas si Cara ng Rosko’s Gallery na meron na siyang trabaho at masayang umuwi. Nakangiting naglalakad si Cara papunta sa bahay nila, pero nag-iba nanaman ang mood niya ng marinig niya nanaman na pinag-uusapan siya nang bawat taong dinadaanan niya. Hindi na sana papansinin ni Cara ang sinasabi ni Tisay sa pagkakataong ito, dahil ikakasira lang ng kasiyahan ng araw niya kung papansinin niya pa ang sinasabi nito. Pero hinabol pa siya nito at hinarangan ang dadaanan niya. “Ano? Matapang ka na ngayon? Hindi ka na namamansin? Huh!” sigaw ni Tisay. “Alam mo hindi na kase dapat ako pumapatol sayo, dahil wala kang pang-intindi! Bakit mo ko hinarangan ngayon? Para gumawa ng tsismis na malakas ka sa lugar na ‘to? Tisay, kumikita ka ba diyan?” ani Cara. “Aba! Makapagsalita ka akala mo kong sino ka na ahh!” sigaw ni Tisay. Tinalukaran ulit ni Cara si Tisay at naglakad, pero hinatak ni Tisay ang buhok niya pabalik sa kanina nilang pwesto. Hindi makagalaw si Cara dahil nasasaktan siya sa pagkakahawak ni Tisay sa kanya, wala na rin siyang magawa kundi sumigaw nalang. Habang hawak ni Tisay ang buhok ni Cara ay nginungudngud niya ito sa kalsada. Maraming tao ang pinapanood lang ang ginagawa ni Tisay kay Cara, at yung iba ay sumigaw pa at humihiyaw sa tuwa na makakita ng away. Hanggang sa dumating na ang Nanay at Tatay ni Cara pati ang kapatid niya. Inawat agad ni Reniel si Tisay at binitawan naman ang buhok ni Cara. Walang nagawa at walang laban si Cara, hindi na rin siya gumanti dahil mas pinili niyang umuwi at magpahinga na lamang. “Ano ba kasing nangyari? Bakit kayo nag-away? Hindi ka naman ganyan anak ahh, hindi kita pinalaking ganyan! Ano bang nangyayari sayo?” tanong ni Rita. Hindi na nakinig si Cara sa sinasabi ng Nanay niya sa kanya. Pumasok nalang siya sa kwarto niya at doon nagpalipas ng iyak. Habang nasa loob ng kwarto si Cara ay nag-aaway naman sa labas ang Nanay at Tatay niya. “Ano? Mas nagiging malala na yung anak mo ngayon! Hindi naman pala marunong makipag-away, nakikipag-away pa!” sigaw ni Reniel. “Anong magagawa ko? Siguro napikon na si Cara sa mga pang-aasar nila!” ani Rita. “Bakit niya pa dinadamdam! Di’ba totoo namang putok sa buho yang anak mo!” ani Reniel. “Tumigil ka!” ani Rita. “Tumigil? Rita, hindi rin matatahimik yung anak mo! Pag hindi mo sinabi sa kanya kung ano yung totoo! Kung nasaan ang tatay niya!” sigaw ni Reniel. Tumahik na lang si Rita at hindi na umimik sa sinabi ni Reniel sa kanya. Si Cara naman ay tapos ng umiyak at inaayos na lang niya ang sarili niya. Gusto niya sanang sabihin sa Nanay niya na nakakuha na siya ng trabaho, pero nasira ang moment na sasabihin niya sa nanay niya, dahil sa away na nangyari sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD