Unang araw ng trabaho ni Cara at kailangan na maaga siyang pumasok para hindi maging palpak ang unang araw sa trabaho. Inayos ni Cara ang mga gamit niya at nilagay sa locker, inayos niya na rin ang mga gamit na pang-trabaho niya.
Handa na si Cara na magtrabaho at unang lilinisin niya ay ang C.R ng Gallery. Pagpunta ni Cara sa C.R ay malinis ito, sobrang linis ng sahig pati ang mga salamin sa loob nito.
“Parang wala naman akong lilinisin dito! Nag-lillinis ata ng mag-isa itong C.R na ‘to ehh,” ani Cara.
Kahit malinis na ang C.R ay niliampasuhan pa rin ito ni Cara at pinunasan ang mga salamin, pati ang mga toilet ay nilinis niya. Pagtapos na maglinis sa loob ng C.R ang hallway naman ang nilinisan niya.
Maaga rin na pumunta si Joey sa Gallery, kasama ang kaibigan niyang si Cedrick. Nasa office ni Joey ang dalawa nag-uusap tungkol sa paglilipat ng isang art mula sa Art Center nila. Seryoso ang dalawa sa pag-uusap nila tungkol dito.
Nang matapos na ang meeting nila ay lumabas na sila ng office at nakita ni Joey na nakaupo sa sahig si Cara, yakap ang mop at nakatingin sa isang malaking painting na naka-display sa harap niya.
Dahan-dahan na lumapit si Joey kay Cara para gulatin ito. Hanggang sa makarating siya sa likod ni Cara at tiningnan din ang tinitingnan ni Cara kanina pa, at dahil hindi maramdaman ni Cara na nasa likod niya si Joey ay ginulat na siya nito.
“HOOYY!!!” sigaw ni Joey.
“AYYYY!!! Sorry po sir, pasensya na po! Nalibang po kase ako sa pagtingin ng mga painting dito ehh sorry po talaga.,” paliwanag ni Cara.
“Ano ka ba? Okay lang sakin! Tsaka hindi naman ganun karami ang gawain dito, pag nakita mong malinis na yung ibang area wag mo ng linisin kase mapapagod ka lang.,” ani Joey.
“Okay po Sir Joey.,” ani Cara.
“O’sige! Alis na ko” paalam ni Joey.
Pag-alis ni Joey ay pinagpatuloy ni Cara ang trabaho niya. Ang huling gawain ni Cara bago siya umuwi ay magtapon ng basura sa labas at pagtapos niyang gawin ‘yon ay diretsong umuwi na si Cara.
Pagka-uwi ni Cara ay pinagalitan siya ng Mama niya, dahil wala siya maghapon at gabi na siya umuwi sa bahay nila. Wala kasing ka alam-alam ang nanay ni Cara na nagtatrabaho na siya dahil hindi niya pa rin nasasabi sa nanay niya, kahit nagdaan na ang ilang araw bago ang trabaho niya.
Rita: Saan ka nanggaling? Bakit ngayon ka lang umuwi? Alam mo ba kanina pa ko naghahanap sayo?
Cara: Nay, may trabaho na po ako.
Rita: Trabaho? Saan? Bakit ngayon mo lang sinabi sakin?
Cara: Kase Nay, wala akong panahon para sabihin sainyo! Araw-araw kayo nag-aaway ng asawa mo! Paano ko pa sasabihin?
Rita: marami naman akong oras anak ehh, sana kung sinabi mo hindi na ko nag-alala sayo kung nasaan ka!
Reniel: Anong bang trabaho mo? Sa office ba ‘yan? Magiging mayaman na ba tayo?
Cara: Nay, pasensya na po kayo! Papasok na po ako sa loob.
Rita: Anak, anong trabaho mo? Saan ka nagtatrabaho?
Cara: Nay, Janitress lang po ako sa Art Gallery.
Reniel: Janitress? Akala ko pa naman yayaman na tayo!
Hindi na pinatulan ni Cara ang sinabi ni Reniel, dahil kahit siya mismo ay nahiya sa sinabi niya. Nakita rin ni Cara ang dismaya sa mukha ng nanay niya. Hindi inasahan ni Cara na madidismaya ang nanay niya sa trabahong pinili niya. Kaya pagpasok ni Cara sa kwarto niya ay lalo siyang napagod, dahil inisip niya rin ang pinaghirapan ng nanay niya para lang makapagtapos siya.
Hindi na rin makapagpigil si Rita, dahil gusto na rin niyang makausap ang anak niya tungkol sa pinili niyang trabaho at pagbabalewala ng mga pangarap na narinig niya mismo sa anak niya. Pagpasok ni Rita sa kwarto ni Cara ay dahan-dahan niyang nilapitan ito at kinausap.
“Anak, bakit naman ‘yan yung trabahong pinili mo? Di ba sabi mo dati gusto mong maging business ad? Bakit ganyan? Bakit wala ka sa bangko o kahit saang kompanya na gusto mo?” tanong ni Rita.
“Nay, hindi ko na po pangarap yung sinasabi niyo! Hindi ko na gusto yung pagiging business ad at magtrabaho sa kompanya! Bata pa po ako nung sinabi ko ‘yon sainyo, hindi business ad ang tinapos ko ngayon, nakakalimutan niyo ba? Fine Arts po ang tinapos ko, puro kase kayo away ng asawa mo! Graduation ko nga hindi ka pumunta ehh, ang nagsabit sakin ng medal ko si Carlo!” ani Cara.
“Gusto mo maging painter? Hindi pwede Cara! ayokong maging pintor ka! Mahina ang kita diyan! Umalis ka sa trabaho na ‘yan! Tutulungan kita na maghanap ng trabaho, meron akong backer sa Mall of Li, doon ka sa mall na ‘yon magtrabaho!” ani Rita.
“Nay, hindi mo po ako naiintindihan! Magkaiba po tayo ng pangarap! Ang pangrap ko ay ang maging isang pintor at makilala ang tatay ko!” sigaw ni Cara.
“Mag-ayos ka ng mga requirements mo! Ayaw kong magtrabaho ka sa mga ganyan! Ayaw kong maging isang Janitress ka lang!” sigaw ni Rita.
Ayaw ni Cara na iwan niya ang trabaho niya, pero naiintindihan niya ang nanay niya dahil ayaw lang ng nanay niya na mahirap rin na trabaho ang maranasan niya. Lumabas si Rita na nandoon si Reniel sa harap ng pinto nang kwarto ni Cara.
“Bakit ka nandito? Nakikinig ka sa sinasabi ko sa anak ko? Reniel, tama na ‘to! Nawawala na ang pagiging magulang ko sa anak ko! Maawa ka naman sa kanya!” ani Rita.
“Hindi naman kita pinagbabawalan na kausapin siya ahh, Rita! Wag mo sakin isisi ang kakulangan mo sa anak mo! Gusto ko lang na mas pagtuunan mo ng pansin si Carlo, Malaki na si Cara! kaya na niya mag-isa!” ani Reniel.
Narinig ni Carlo ang sinabi ng tatay niya, kaya napatingin siya sa nanay niya. Mahirap rin para kay Carlo na makita ang ate niyang nahihirapan dahil sa tatay niya. Kaya ng matapos na ang away ng mag-asawa at tahimik na sa bahay nila, nasa kwarto si Carlo at lumabas para magtimpla ng gatas niya at nakita niya ang ate nya na nasa kusina rin nakaupo at nakatulala.
“Ate? May problema ka ba?” tanong ni Carlo.
“Hulaan ko? Kaya ka nandito para magtimpla ng gatas noh?” ani Cara.
Tumayo si Cara at pinagtimpla ng gatas ang kapatid niya. At pagtapos magtimpla ni Cara ng gatas ay inabot niya ito sa kapatid niya. Inulit naman ulit ni Carlo ang tanong niya sa ate niya pagkaupo nito.
“May problema ka ba?” patuloy ni Carlo.
“Kailangan ko pa ba sabihin sayo?” tanong ni Cara.
“Ang daya mo naman! Pag ako sinasabi ko sayo yung problema ko tapos ikaw hindi!” ani Carlo.
“Sige na nga, kase pinag-iisipan ko kung aalis ba ko sa trabaho ko at sasama kay mama? Alam mo kase Carlo, nahihirapan talaga ako ehh kase ibang iba ‘tong tinatahak ko sa gusto ko maging trabaho ko, gusto ko kase maging isang pintor kaso mahirap pala gawin ‘yon, wala akong sample kase kahit drawing ko sa papel pinupunit ni nanay, ayaw niya na nagda-drawing ako dito sa bahay.,” ani Cara.
“Ate, pagiging pintor ba talaga ang pangarap mo?” tanong ni Carlo.
“Oo, kase noon pa lang parang nai-inlove na ko sa mga paintings at ‘yon din ang hilig ko, kaya ikaw Carlo, kapag nangangarap ka dapat madami at dapat lahat ng bagay subukan mo! Huwag kang matakot dahil pagdating ng panahon na kilala mo na yung sarili mo at alam mo na talaga kung ano yung gusto mo madali mo nalang magagawa.,” ani Cara.