SADKM:EP9 Ang Pag-guhit ni Cara

1044 Words
Natulog na ang dalawang magkapatid pagtapos nila mag-usap. Maagang ginising ni Rita si Cara dahil gusto niyang ipasok ito sa mall na ni-recommend niya dito. Hindi pa handa si Cara na iwan ang trabaho niya dahil gusto niya na rin na doon magtrabaho. Dahil mapilit at gusto ni Rita na siya ang masusunod ay halos kaladkarin na niya si Cara papuntang Mall. Pagkarating doon ay hinanap agad ni Rita ang kaibigan niya na magiging backer ni Cara at kinausap nila ito. “Siya na ba ang sinabi mong gusto mo ipasok dito? Napakaganda naman pala niya, tara dito hija umupo ka at hintayin mo ang H.R namin siya ang mag-interview sayo! Wait lang ahh hintayin niyo ko dito.,” aniya. Nakasimangot at tulala lang si Cara na naghihintay sa upuan. Nilapitan siya ng nanay niya at pinagalitan dahil sa itsura nito. “Ano ba! Umpisa pa lang ganyan ka na! umayos ka ahh umayos ka!” galit na sabi ni Rita. Umayos naman si Cara at nang dumating na ang H.R ay lumabas na si Rita. Naghintay si Rita sa labas hanggang sa matapos ang interview kay Cara. Si Cara ay nakasimangot na lumabas kaya akala ni Rita ay hindi makakapasok si Cara. Nilapitan niya agad si Cara at tinanong niya ang nangyari sa interview. “Ano? Bakit ganyan ang itsura mo? Anong sabi sayo? Hindi ka daw ba tanggap?” pag-aalalang tanong ni Rita. “Ma, interview palang ‘to meron pa kong training at sinabi sakin na tatawagan pa lang ako! Hindi naman agad na makakapasok ako dito ehh dahil walang ganun!” galit na sabi ni Cara. “Walang ganun? Bakit agad agad nakuha ka sa trabaho mo?” tanong ni Rita. “Dahil iba ‘yon kaysa sa trabahong ‘to!” sagot ni Cara. “Hindi pwede! Kailangan makapasok ka dito!” ani Rita. Pumasok sa loob si Rita para kausapin ang H.R na nag-interview kay Cara. Pagtapos niyang makausap ang H.R ay hindi na niya nakita si Cara sa labas. Hinanap ni Rita si Cara sa loob ng Mall at nakita niya ito na nanonood ng seminar. Seminar tungkol sa pagbuo ng painting at si Cedrick ang nagtuturo. Hindi na tumuloy si Rita na tawagin si Cara, dahil baka makita siya ni Cedrick. Umuwi na si Rita sa bahay nila at doon nalang hinintay si Cara. Hindi rin naman dumiretso si Cara sa bahay nila dahil pumasok pa siya ng trabaho. Pagpasok niya ay wala pa doon ang boss niya kaya naglinis na siya at tinapos ang mga gagawin niya. Pagtapos ng lahat ng gagawin niya ay nagpahinga siya sa upuan na mismong nakalagay doon sa gitna ng gallery. Habang naka-upo ay nakita ni Cara na may Easel sa gitna rin nito. Kaharap mismo ng upuan ang Easle. Wala pa masyadong tao dahil sarado ang Gallery. Naisipan ni Cara na magpinta siya doon at subukan ang paggamit ng Easle. Ito ang unang gagamit si Cara ng tunay na art material sa pagpipinta. Gumuhit si Cara na para bang alam niya kung ano ang ginagawa niya. Ginuhit niya lang kung ano ang nasa isip niya ng mga oras na ‘yon. Pagtapos na magguhit ni Cara ay dumating na ang boss niya kaya dali-dali siyang tumakbo paalis at hindi na niya nakuha ang ginuhit niya. Hindi na muna siya nagpakita sa boss niya nang araw na ‘yon. Nakatambay lang si Cara sa lagayan niya ng gamit panglinis at Iniisip kung paano makakaalis sa trabaho niya. Naisip kase ni Cara na maganda rin ang trabahong ni-recommend sa kanya ng nanay niya, mas malaki rin ang sweldo at malaki rin ang maiipon niya. Tapos na ang oras ng trabaho ni Cara. Hindi na siya nagpaalam sa boss niya dahil balak niyang hindi na rin pumasok kinabukasan. Hinahanap ni Joey kung nasaan si Cara, may dala kase itong meryenda para sa kanya. Hindi nakita ni Joey si Cara sa lugar nito. Kaya naisip niyang baka natutulog nanaman si Cara sa upuan kaya pumunta siya doon. Hindi nakita ni Joey si Cara doon, pero may nakita siyang iba. Ang painting na nagpatibok ng puso niya. Ang painting na umakit sa kanya. Naramdaman kase ni Joey na parang pamilyar sa kanya ang painting na nakikita niya ngayon. “Sino ang gumawa niyan?” tanong ni Joey. Tumakbo ng mabilis si Joey sa office niya para ma-review ang CCTV. Nang makita niya ang CCTV ay bumungad sa kanya si Cara. Si Cara ang gumuhit ng painting sa gitna ng Gallery. Hinanap ni Joey ang resume ni Cara at nakita niya ang contact number ni Cara doon at agad niya itong tinawagan. Tinatawagan ni Joey si Cara, pero pinapatayan naman siya nito. Hindi na niya sinubukan na tawagan pa ulit dahil maghihintay nalang siya na pumasok ito kinabukasan. Pagkarating ni Cara sa bahay nila ay pinagalitan siya ng nanay niya dahil gabi nanaman siyang umuwi at pinagalitan din siya nito sa pag-iwan nito sa kanya sa Mall. “Bakit ngayon ka lang umuwi? Saan ka pumunta kanina? Bakit iniwan mo ko doon?” tanong ni Rita. “Ano bang sabi sayo ng H.R? Mag-aabang ako ng tawag nila at kung makakapasok ako ‘don iiwan ko na ang trabaho ko.,” sagot ni Cara. “Saglit! Bakit ang hilig mo sa painting? Tigilan mo na ‘yan! Itigil mo ang pagkahilig mo diyan! Ilang beses na kita sinabihan na itigil mo na ‘yan pero hindi ka pa rin nakikinig!” galit na sabi ni Rita. Pagtapos magsalita ni Rita ay iniwan siya ni Cara. Hindi na sinagot ni Cara ang nanay niya at pinili nalang na tumahimik para matigil ito. Si Carlo ang sumagot sa nanay niya, galit si Carlo dahil sa pagpigil ni Rita sa hilig ni Cara. “Ano ba Ma! Hayaan niyo na si ate! Nasasakal na siya sa ginagawa niyo! Hindi niyo ba alam na parang ayaw ko na mag-aral! Ayaw ko na pag-aralin niyo pa ko kung kayo rin naman ang masusunod sa kung anong gusto ko! Palayain niyo siya! Palayain niyo si ate! Hayaan niyong siya ang mamili ng gusto niya!” sigaw ni Carlo. Pagtapos na magsalita ni Carlo ay tumakbo ito papasok sa kwarto niya at pabagsak na sinara ang pinto. Narinig ni Cara ang sinabi ng kapatid niya sa nanay nila at sinilip niya ang labas ng kwarto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD