Naghintay si Joey sa Gallery niya hanggang umaga. Oras na ng trabaho ni Cara pero hindi pa rin ito dumadating. Sinubukan ulit tawagan ni Joey pero hindi pa rin ito sumasagot.
“Nasaan ka na ba? Ano nang nangyari sayo?” bulong sa isip ni Joey.
Nakatanggap na si Cara ng text sa Mall of Li at iniimbita na siya nito na pumunta sa Mall para magtraining. Naghanda na si Cara ng damit niya para sa training sa Mall. Ang training ni Cara na ‘yon ay umabot ng halos isang linggo bago magtanggap at mag-umpisa sa trabaho.
Nag-uumpisa na si Cara at natutuwa naman ang nanay niya sa ginagawa niya. Si Cara ay isang event organizer sa Mall of Li. Nakuha ni Cara ang trabaho na ‘yon dahil may natapos naman siya at meron siyang alam sa art designing.
Nagkaron ng isang malaking event sa Mall of Li dahil may pupunta na isang sikat na artista doon na si Maxine Francisco. Pinaghandaan ng lahat ang event na dadating at isa na si Cara doon. Kinabukasan na kase ang event at kakatapos lang ng isang event na ginaganap doon kaya inayos na nila agad.
Meron na rin nakikilang kaibigan si Cara sa trabaho niya, si Akhie. Magandang babae rin si Akhie kagaya niya. Si Akhie rin ang kasama niya sa pagkain at pag-uwi. Kaya mas mabilis nilang nakilala ang isa’t isa.
Habang nag-aayos ay nagtilian ang mga kasama nila dahil dumating ang boss nila na si Loui. Tiningnan nila ang dahilan kung bakit nag-ingay ang mga kasama nila at nakita nila na dahil sa boss nila.
Nang makita ni Cara si Loui ay hindi niya rin maiwasan na hindi kiligin at hindi titigan ng matagal ang boss nila. Ang gwapo at ganda ng katawan nito. Maputi at ang pogi kung ngumiti kaya ang karamihan ay nahuhumaling sa kanya.
Pabilis ng pabilis ang t***k ng puso ni Cara dahil papalapit sa kanya ang boss nila. Pagkalapit sa kanya ay mahigpit siyang inakbayan nito at dinala sa gilid ng stage na ginagawa nila.
“Ikaw yung organizer right?” tanong ni Loui.
“My God! Ngayon ko lang naramdaman ‘to! Bakit ang lakas ng t***k ng puso ko kumalma ka! Kalma!” bulong sa isip ni Cara.
“Miss? Ikaw ang organizer?” ulit ni Loui.
“Huh? Yes Sir!” sagot ni Cara.
“You did it well! Magugustohan ‘to ni Maxine!” nakangiting sabi ni Loui.
“May ipapagawa po ba kayo Sir? May gusto po ba kayong idagdag?” tanong ni Cara.
“Wala na, pwede ka ng bumalik sa trabaho.,” ani Loui.
Hindi alam ni Cara kung bakit siya nakakaramdam ng ganun. Hindi naman siya in-love kay Loui pero hindi niya maipaliwag ang nararamdaman niya dito. Habang nagtatrabaho si Cara ay palihim niyang tinitingnan si Loui.
Nakatayo si Loui sa stage at naliliwanagan ito ng malalakas na ilaw na nakatutok sa kanya. Hindi pa rin matigil si Cara at patuloy pa rin ang palihim na tingin niya kay Loui hanggang sa napansin na siya ni Loui.
Lumapit ulit si Loui sa kanya at sinama ulit siya sa gilid ng stage. Tinitigan ni Loui ang mata ni Cara at si Cara naman ay pinunasan ang mata niya. Hindi na makapagsalita si Cara at nakatingin lang din siya sa mata ni Loui.
“Bakit ka tumitingin sakin? May gusto ka bang sabihin?” tanong ni Loui.
“Wala Sir, alam niyo naman po na kapag ang tao unang beses niya nakita ang kilala at mayaman na tao ay napapatitig talaga.,” sagot ni Cara.
“Yeah, that’s right! Normal nga lang naman ‘yon? Akala ko naman may sasabihin ka, sige na bumalik ka na sa trabaho mo!” ani Loui.
Babalik na sana si Cara sa trabaho pero pinigil siya ulit ni Loui at nilapit nito ang mukha nito sa kanya. Tinutok naman ni Loui ang labi niya sa tenga ni Cara at bumulong.
“Dahil sayo magpapa-lunch ako!” bulong ni Loui tsaka umalis.
Paglapit ni Cara sa mga katrabaho niya ay inasar siya nang mga ito. Namumula naman ang mga pisngi ni Cara, dahil sa ginagawa nilang pang-aasar dito. Lumapit si Akhie sa kanya at tinanong kung ano ang binulong ni Loui sa kanya at narinig naman ng lahat ang sagot ni Cara.
“Anong sinabi ni Sir sayo?” tanong ni Akhie.
“Magpapa-lunch daw siya ngayon.,” sagot ni Cara.
“MAGPAPALUNCH SI SIR?! AYYYYYYYY! SOBRANG BAIT NIYO TALAGA!” sigaw ng isang katrabaho ni Cara na nakarinig sa sagot niya.
Tumingin ulit si Cara kay Loui at nahuli siya ulit nito. Kaya ang dalawang dalari ni Loui ay tinutok niya sa mata niya at itinuro niya kay Cara, kaya lalong nag-ingay ang mga katrabaho niya.
Pagtapos ng trabaho nila ay saktong dumating naman ang pa-lunch ni Loui sa kanila. Tinulak si Cara ng mga katrabaho niya at inuutosan nila na magpasalamat sa binigay ni Loui sa kanila at lumapit naman si Cara kay Loui para gawin ang utos nila.
“Sir Loui, Salamat po sa pa-meryenda niyo samin!” ani Cara.
“Bago ka lang ba? Hmm, bago ka nga lang kaya hindi mo ko gaano kilala. Nagpapameryenda talaga ako pagtapos magtrabaho, masanay ka na.,” ani Loui.
“Siguro nga, masasanay rin ako pag-tumagal na ko. Sige po Sir, balik na ko sa kanila.,” paalam ni Cara.
Bumalik si Cara sa mga katrabaho niya at kinikilig pa rin sila. Tapos na naman ang oras ng trabaho ni Cara. Sabay-sabay silang magkakatrabaho na pumunta sa locker room at inayos ang gamit nila.
“Bess, hintayin kita bukas sa kanto niyo ahh baka mauna ka na naman!” ani Akhie.
“Hindi kaya lang naman ako nauna dahil akala ko late na ko! Tsaka ano ka ba! Hindi pa nga tayo nakakauwi ehh pagpasok agad ang iniisip mo!” ani Cara.
“May inspirasyon na kase ako ehh kaya gusto ko pumasok nalang! My God! Nakakakilig siya sobraaa!” ani Akhie.
“My God? (Laugh)” ani Cara.
“Anong nakakatawa ‘don? Ikaw ahh may issue ba tayo ‘don?” tanong ni Akhie.
“Wala may naalala lang ako!” ani Cara.
Pagtapos nila mag-ayos ng gamit ay lumabas na silang dalawa ng Mall at pakalabas nila ng Mall ay may bumabang lalaki sa kotse na humarang kay Cara. Pinauna na ni Cara si Akhie na umuwi dahil kakausapi niya pa ang lalaking humarang sa kanya.