SADKM:EP11 Hinahanap-Hanap Kita
Para makapag-usap nang maayos ay pumunta sila sa gilid at doon nalang nag-usap. Hindi pa nag-uumpisa ang pag-uusap nila ay niyakap agad ni Joey si Cara.
“Bakit hindi ka na pumasok sa Gallery? Hinahanap kita, pero hindi naman kita makita. Buti nalang napadaan ako kanina dahil meron akong binili, kung hindi siguro hindi na kita nakita,” ani Joey.
“Sir Joey, pasensya na po kayo kung hindi ako nakapagpaalam ng maayos sainyo. Bakit niyo po ba ako hinahanap? Pwede naman po kayo humanap ng kapalit ko para sa trabaho po,” ani Cara.
“Cara, gusto kong ilipat ka nang pwesto. Gusto kitang gawin na isa sa mga pintor ko! Magaling kang mag-paint at ikaw ang hinahanap ko! Meron kang talent dito!” ani Joey.
“Sir, masaya na po ako sa trabaho ko ngayon. Maraming salamat po sa pag-punta niyo,” ani Cara.
“Cara gusto kita!” ani Joey.
Natulala si Cara sa sinabi ni Joey sa kanya, halos hindi na ito makapagsalita dahil sa nabigla siya at kinakabahan sa sinasabi ni Joey. Para patunayan ni Joey ang tunay niyang nararamdaman kay Cara ay niyakap niya ulit ito.
“Cara, sana pagbigyan mo ko,” ani Joey.
Sumama si Cara kay Joey at dinala siya nito sa mamahaling restaurant. Hindi sanay si Cara na pumunta sa ganong lugar at ang suot niya pa ay pang-trabaho, kaya nahihiya siya na humarap sa mga taong mayayaman sa loob ng restaurant.
“Hindi mo na dapat ako dinala sa ganitong lugar, hindi ako sanay!” ani Cara.
“Huwag kang mag-alala Cara, hindi ka naman tulad ng iniisip mo ehh maganda ka at mukha kang mayaman!” ani Joey.
“Alam ko naman na prank lang ‘to Sir! Hindi niyo naman siguro magugustohan ang isang katulad kong mahirap,” ani Cara.
“Cara, hindi lahat ng tao ay mababa ang tingin sa inyo, huwag mo kong itulad sa kanila,” ani Joey.
“Sir, sige na sabihin niyo na yung sasabihin niyo, dahil pag-late akong umuwi papagalitan ako ng nanay ko! Huwag niyo na kong bulahin! Diretsuhin niyo na ang gusto niyong sabihin,” paliwanag ni Cara.
“Huwag na tayong kumain, hatid nalang kita sa bahay niyo!” naka-ngiting sabi ni Joey.
“Seryoso kayo? Kayo ang bahala Sir,” ani Cara.
Naunang lumabas si Cara at hinintay si Joey. Nagtataka siya sa mga sinasabi ni Joey sa kanya. Naiilang siya dahil hindi siya sanay na ganun siyang ituring ni Joey. Paglabas ni Joey sa pinto ng restaurant ay napatingin si Cara sa kanya at natulala sa itsura niya. Lumalakas na naman ang kabog ng dibdib niya, hanggang sa lapitan siya nito.
“Tara! Sakay ka na,” ani Joey.
“A-ahh Sige!” ani Cara.
Pinagbuksan ni Joey si Cara ng pinto at sumakay naman si Cara. Habang nasa loob si Cara ng kotse at nasa kalagitnaan din nang daan ay pinatong ni Joey ang coat niya kay Cara. Nagulat si Cara sa ginawa nito at napangiti nalang siya.
“May naging girlfriend na ba kayo Sir?” tanong ni Cara.
“Marami na! A-hmm, wala akong girlfriend ngayon!” sagot ni Joey.
“Ha Ha(Laugh), Marami ka na palang naging girlfriend pero ganyan ka kumilos? Umayos ka nga Sir! Para kang torpe!” biro ni Cara.
“Ewan ko ba, sayo lang naman ako nagkaganito,” ani Joey.
Nang makarating na sila sa labas ng lugar ni Cara ay bumaba na si Cara doon, pero hindi niya inaasahan na susundan pa siya ni Joey hanggang sa loob ng lugar nila. Hindi alam ni Cara na sinusundan siya nito at habang nakasunod naman si Joey ay natatawa siya. Hanggang sa makarating na sila sa bahay ni Cara. Nakita ni Rita na may kasamang lalaki ang anak niya.
“Anak! Sino ang kasama mong ‘yan?!” tanong ni Rita.
“Sir? Bakit po kayo sumunod sakin?” ani Cara.
Diretsong pumasok si Joey sa loob ng bahay ni Cara at nag-bless sa nanay ni Cara. Nakatingin nalang si Rita sa ginagawa ni Joey sa loob ng bahay niya at naka-kunot noong tumingin sa anak niya.
“Sino ang lalaking ‘yan?” bulong ni Rita.
“Boss ko ‘yan sa dati kong pinasukan Nay, hindi ko na maawat ehh diretso nalang siyang pumasok,” ani Cara.
“Hoy! Hindi pa kita pinapaupo! Sino ka ba? Saan ka galing? Pinapasok ba kita sa bahay ko?” galit na tanong ni Rita.
“Nay, pasensya na po kayo pero gusto ko po na bumalik si Cara sa gallery ko, gusto ko po na maging isa siya sa mga painter’s ko,” mahinahon na sabi ni Joey.
“Cara ano ‘to? Di ba sinabi ko sayo na tigilan mo na ang pag-pinta! Ano ang sinasabi ng lalaking ‘to?” galit na sabi ni Rita.
“Nay, gusto ko la-“ naputol na sabi ni Joey.
“Labas! Mag-uusap kame ng anak ko!” sigaw ni Rita.
Naka-yuko si Cara nang kausapin niya ang nanay niya tungkol sa sinasabi ni Joey. Mainit nanaman kase ang ulo ni Rita dahil nalaman nanaman niyang nag-pinta si Cara. Lumabas si Joey sa bahay ni Cara at naghintay.
“Ano ka ba! Hindi ka ba makikinig sakin?! Sabihin mo sa lalaking ‘yon na ayaw mong mag-pinta!” sigaw ni Rita.
“Oo nga! Ayoko na ngang mag-pinta ehh, hindi naman ako nag-drawing o kahit ano pa! Iniiwan ko ang lahat nang gusto kong gawin! Kinakalimutan ko na ang sarili ko dahil kayo naman ang nasusunod di ba?” galit na sabi ni Cara.
Lumabas si Cara at hinatak si Joey palayo sa bahay niya. Hinatid niya ito sa labas ng lugar nila kung saan naka-parada ang kotse nito. Nang makarating sila doon ay si Cara na ang nagbukas nang kotse at pinapasok si Joey sa loob nito, pero hindi sumusunod si Joey sa kanya, nakatitig lang ito sa mata ni Cara na mangilid-ngilid ang luha. Pinunasan ni Joey ang luha ni Cara gamit ang damit niya.
“Ano ba! Umuwi ka na! Dahil sa pangungulit mo sakin nag-away nanaman kami ng nanay ko! Alam ko na yung pag-painting ko lang ang gusto mo at hindi ako! Kaya please lang, umalis ka na!” ani Cara.
“Liligawan kita! Manliligaw ako sayo! Gusto talaga kita! Dati pa kitang gusto! Liligawan kita ahh, huwag mo kong ire-reject!” ani Joey.
Sumakay agad si Joey sa kotse niya at agad na umalis. Hindi na nito pinakinggan ang sasabihin ni Cara. Pinanood pa ni Cara ang pag-alis ni Joey at hindi pa rin siya naniniwala sa mga sinasabi ni Joey sa kanya.
“Wala kang maloloko dito Sir! Babaero!” sigaw ni Cara.