SADKM:EP12 Ang Malditang Artista
Pag-uwi ni Cara sa bahay nila ay nandoon na ang asawa nang nanay niya at ang kapatid niya. Nakita ni Cara na kumakain na sila, pero hindi niya ito pinansin at diretsong pumasok sa loob ng kwarto niya.
Kinabukasan na ang event ni Maxine sa Mall of Li, kaya naman naghahanda na ang buong management sa kanya. Habang busy ang iba ay tinawagan muna ni Maxine ang boyfriend niyang si Loui, ang may ari at bigboss ng Mall of Li.
“Hello Loui! Kamusta na? Busy ka ba bukas? Pwede mo ba kong panoorin? Hinanda ko talaga sayo ang mga ipe-perform ko bukas!” masayang sabi ni Maxine.
“Hindi naman ako busy bukas, nandoon ako sa Mall pero hindi kita mapapanood, gusto mo lumabas nalang tayo pagtapos ng show?” ani Loui.
“Palagi ka nalang tumatanggi sakin! Ano nanaman bang problema! Kahit kailan kitang niyaya hindi ka sumama sakin! Gusto mo na ikaw palagi ang nag-aaya!” sigaw ni Maxine.
“Sorry, babawi ako next time!(Call Ended)” ani Loui.
“Next time na naman? Hanggang kailan ba matatapos ang next time na ‘yan! Uurrrggg!” naiinis na sabi ni Maxine.
Kinabukasan, handa na ang lahat sa event. Nag-aayos na rin si Maxine sa dressing-room at hinihintay nalang niya na mag-umpisa ang start ng event. Nasa dressing-room si Cara at siya ang nag-aasikaso sa loob ng dressing-room.
“Yaya! Hoy! Ikaw! Nasaan si Loui?” tanong ni Maxine.
“Ma’am si Sir Loui po nasa office niya,” sagot ni Cara.
“Pwede mo ba kong samahan sa kanya?” tanong ni Maxine.
“Pwede naman po Ma’am pero baka po magalit si Sir,” sagot ni Cara.
“Tara lumapit ka sakin at may ibubulong ako sayo!” ani Maxine.
Lumapit naman si Cara sa kanya at nilapit ni Cara ang tenga niya sa bibig ni Maxine, dahil sa ibubulong nito.
“Girlfriend ako ni Loui, sabihin mo nalang sa kanya na pinapapunta ko siya dito sa dressing-room,” ani Maxine.
Sinunod ni Cara ang utos ni Maxine sa kanya, pero sinundan pa rin siya ni Maxine. Pagkarating ni Cara sa labas ng office ni Loui ay nakita niya rin na nasa labas ito. Habang papalapit si Cara kay Loui ay nakangiti na si Loui sa kanya.
“Sir, tawag po kayo ni Ma’am Maxine sa dressing-room niya,” ani Cara.
“Sino ang kasama mo kagabi? Yung humatak sayo?” seryosong tanong ni Loui.
“Sir? Bakit po?” nagtatakang tanong ni Cara.
“Boyfriend mo ba siya?” tanong ni Loui.
Naririnig ni Maxine ang tanong ni Loui kay Cara at lumabas na siya sa sulok na pinagtataguan niya at lumapit kay Loui.
“Bakit kailangan mo pang tanungin ang personal na buhay ng employee mo?” seryosong tanong ni Maxine.
“Cara, mamaya nalang tayo mag-usap, Bumalik ka na sa event,” ani Loui.
“Sagutin mo ang tanong ko! Anong meron sa inyo nang babaeng ‘yon? Kabit mo ba siya? May gusto ka sa kanya? May iba ka pa bang tinatago sakin kaya hindi mo ko kayang bigyan ng oras mo?” ani Maxine.
“Tama na! Paranoid ka na naman! Kung ano-ano na naman ang iniisip mo!” sigaw ni Loui.
Pumasok na si Loui sa office niya at iniwan si Maxine sa labas. Sinundan siya ni Maxine at habang nakatalikod siya ay niyakap siya ni Maxine ng mahigpit. Hinarap siya ni Loui at hinayaang yakapin siya ni Maxine.
“Sige na, bumalik ka na sa event, manonood ako! Galingan mo ahh,” ani Loui.
Dahan dahan na bumitaw si Maxine kay Loui at hinalikan siya nito sa labi. Pagtapos ay bumalik na si Maxine sa dressing-room, hanggang sa nag-umpisa na ang event at nanood si Loui sa kanya. Habang sumasayaw si Maxine ay tinitingnan niya ang boyfriend niya at nahuli niya itong nakatingin kay Cara kaya nag-iba ang mood niya.
Pagtapos na pagtapos nang event ay hinanap ni Maxine kung nasaan si Cara at saktong lalapit naman si Cara sa kanya para humingi nang autograph na ibibigay niya sa kapatid niya, pero iba ang salubong niya kay Cara. Kinuha ni Maxine ang notebook na hawak ni Cara at sinulatan niya ito nang “You are a real b***h!”.
“Kailan pa kayo naglalandian ng boyfriend ko? Sino ka huh!” galit na sabi ni Maxine.
Hindi nakapag-salita si Cara sa ginawa ni Maxine sa kanya, ang dami rin taong nakatingin sa kanya at kinukuhanan sila nang litrato. Kinuha ni Maxine ang I.D ni Cara at tiningnan ang pangalan niya.
“Oww, I see! Ikaw si Cara ang Event Organizer ng Mall nang boyfriend ko? At ikaw rin ang babae niya? Magkano ba ang binabayad niya sayo? Magkano isang gabi mo?” galit na sabi ni Maxine.
Nakita ni Loui na nagkakagulo sa gitna ng Mall, kaya agad siyang lumapit para tingnan ang nangyayari. Pagkarating niya ay nakita niyang inaaway ni Maxine si Cara kaya agad niyang hinatak si Cara at tiningnan si Maxine ng masama tsaka lumayo.
Nagulat si Maxine sa ginawa ni Loui sa kanya at sinundan niya ito kung saan niya dadalhin si Cara. Nang makalayo na sa maraming tao ay agad na pinakalma ni Loui si Cara. At dumating si Maxine sa kanila.
“So? Totoo nga ang hinala ko?” tanong ni Maxine.
“Hindi mo muna tinanong sakin Maxine! Bigla ka nalang gumawa ng ingay at nag-iskandalo! Mabait na employee si Cara, kaya magaan ang pakikisama ko sa kanya!” galit na sabi ni Loui.
“Bakit ganun ka makatingin sa kanya? May laman yung tingin mo Loui!” ani Maxine.
“Cara, mauna na kami, pasensya ka na dahil nadamay ka sa problema namin,” ani Loui.
Umalis sina Loui at Maxine, naiwan si Cara sa likod ng stage. Dumating naman si Joey sa Mall at pumasok sa loob para hanapin si Cara. Nakita ni Joey ang kasama ni Cara na si Akhie, kaya tinanong niya kung nasaan si Cara at sumagot naman ito.
“Miss? Ikaw ang kaibigan ni Cara diba? Nasaan siya?” tanong ni Joey.
“Nandoon siya sa likod ng stage, hindi ko muna nilapitan dahil umiiyak siya ehh,” sagot ni Akhie.
Pumunta agad si Joey sa likod ng stage at nakita niyang nandoon si Cara, nakayuko at umiiyak. Nilapitan niya ito at sinubukang kunin ang kamay ni Cara, humawak naman ito sa kanya at sumama.
“Bakit nandoon ka? Anong ginagawa mo ‘don?” tanong ni Joey.
Hindi siya sinagot ni Cara sa salita, sinagot siya nito gamit ang pagyakap ng mahigpit.