bc

Nabihag Ako ng Pangit Kong Maid

book_age18+
87
FOLLOW
1K
READ
others
arrogant
badboy
self-improved
dare to love and hate
comedy
sweet
royal
enimies to lovers
self discover
like
intro-logo
Blurb

Si Drake Sytangco mayaman, gwapo at perpekto! Magkakagusto sa isang pangit na maid? Mukang imposible mangyari diba? At dagdag pa ang mga taong hadlang sa pag-iibigan nilang dalawa. Si Tiray ang Pangit na maid. Paano kung isang araw magbago bigla ang takbo ng buhay n'ya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1. Ang Pangit Pangit mo kasi!
“Aray! Bakit ba kayo nambabato?” sigaw niya sa mga bata habang namumulot ng talangka sa may tabing dagat. “Ang Pangit pangit mo kasi!” sabi ng batang lalaki. “ Naku kayo talagang mga bata kayo ako na naman ang napag tripan ninyo isusumbong ko na talaga kayo sa mga nanay n’yo!” “ Ayaw Pangit! Pangit, Pangit!” sigaw ng tatlong bata. “ Hoy magsipag uwi na nga kayo wag si Tiray ang inaaway n’yo!” sigaw ni Makoy habang papalapit ito sa kanya. Magkaibigan sila nito simula bata palagi siya nitong pinagtatanggol sa mga nang-aaway at nang-aapi sa kanya. “ Tara na namamalo yan takbo na tayo!” sigaw ulit ng batang lalaki na nambato sa kanya kanina. Mabilis tumakbo ang tatlong bata. “ Nasaktan ka ba?” tanong ni Makoy sa kanya ng makalapit ito. Hinimas niya ang noo na natamaan ng bato kanina. “ Okay lang ako buti maliliit na bato lang ang tinatapon nila sa’kin.” “ Hayaan mo at kakausapin ko ang mga magulang ng mga batang iyon.” “ Hayaan mo nalang sila Makoy! Eh totoo naman kasi ang sinasabi nila tungkol sa’kin.” “ Anu ka ba Tiray huwag kang papayag na ginaganyan ka nila!” “Sanay na ako Makoy! Ikaw lang naman ang hindi nasasanay eh! Hindi ka ba napapagod na ipagtanggol ako?” “ Hindi! kaibigan kita Tiray syempre ipagtatanggol kita. At kahit pa gawin nila iyon sa iba ay ipagtatanggol ko parin dahil mali ang ginagawa nila.” “ Salamat Makoy ha? Kahit Pangit ako ay gusto mo parin akong maging kaibigan.” “ Syempre naman! Tama na nga ang drama! Halika na nga tulungan na kita dyan sa dala mo. Wow ang dami mong nahuling talangka halos mapuno itong malaking timba.” “ Ganitong oras kasi ay madami talagang mahuhuling talangka kaya nga kahit tirik parin ang araw ay pumunta na ako dito para manguha at makarami.” “Anung balak mo dito ibebenta mo ba ito?” “ Oo nakausap ko na si aling Tising papakyawin n’ya daw ang lahat ng talangka na mahuhuli ko ngayon. At syempre magtitira ako ng pang-ulam namin para mamaya paborito ni Itay ang ginataang talangka siguradong matutuwa naman iyon sa ulam namin.” “Pwede ba makikain nalang ako sainyo mamaya? Nakakagutom naman kasi ang kwento mo.” “ Oo naman Makoy!” “ Hindi biro lang! tutulungan ko si Nanay mamaya sa pag gawa ng bagoong marami ang may mga order sa kanya sa palengke ngayon.” “ Wow mukang kumikitang kabuhayan kayo sa bagoong.” “ Hindi naman sakto lang pangkain.” “ Tara na nga ng madala ko na iyang mga talangka kay Aling Tising.” *** “ Tay kamusta po marami kayong nahuling isda?” salubong niya sa kanyang Tatay pag pasok ng bahay nito kinuha niya ang sombrero nito. “ Mahina ngayon ang huli naming isda! Ang dami kasing gumagamit ng dinamita ngayon kaya kapag kami na ang nasa laot ay kunti isda nalang ang nakukuha namin.” “ Ipinagbabawal na nga po yan ngayon Tay . Dahil sa marami ang napapahamak pero marami parin ang matitigas ang ulo at hindi parin tumitigil sa pag gamit ng dinamita.” “ Marami talagang mangingisda ang matigas ang ulo kapag naman napahamak ay hihingi ng tulong sa barangay.” “Hayaan mo na nga lang sila Tay sya nga po pala nagluto po ako ng ginataang talangka siguradong mapaparami naman ang kain n’yo mamaya.” “ Salamat naman anak at naipagluto mo ako ng paborito kong ulam.” “ Natapos po kasi akong maglaba ng maaga kanina at pinuntahan po ako dito ni Aling Tising papakyawin n’ya daw po lahat ng makuha kong talangka kaya po nanguha ako kanina. Nagtira narin po ako ng pang-ulam natin ngayon pero Tay alam ko po na paborito mo ‘yan pero hinay hinay lang po at mataas sa cholesterol ang talangka.” “ Ohoo!ohooo!ohooo!” malakas na ubu ng kanyang Itay. “ Tay mukang napapadalas na po ang pag-ubo ninyo? Iniinom n’yo po ba ang gamot na binili ko sa bayan?” “ Oo nak! iniinom ko naman. Baka sa sobrang pagod lang ito at saka nalilipasan din kasi kami ng gutom kapag nasa laot na.” “ Tay may baon naman po kayo palaging dala, bakit po nalilipasan parin kayo ng gutom sa laot?” “ Hindi din kasi maiwasan lalo na kapag may biglaan pag-ulan at alon hindi kami agad nakakain.” “ Kawawa naman po kayo Tay, ang hirap din po kasi dito sa lugar natin pangingisda ang pangunahing hanap buhay ng mga taga dito.” “ Ganon talaga siguro nak ang buhay dito sa lugar natin ang hirap. Kaya nga gusto ko sana makapagtapos ka ng koleheyo o kahit vocational man lang. Para naman kahit papaano ay makapag trabaho ka sa bayan. Huwag mo kaming tularan ng nanay mo na mangingisda at tindera ang trabaho, dito narin ako tumanda na ganito parin ang buhay ang hirap.” “Hayaan mo na Tay mag aasawa nalang po ako ng mayaman para hindi mo na kailangan mangisda araw araw.” At tumawa siya ng malakas. “ Ikaw talagang bata ka puro ka kalukuhan.” “Bakit Tay imposible po ba ako na makapangasawa ng mayaman?” nagpa pungay pa siya ng kanyang mga mata. “ Kumain na nga lang tayo, at mukang nalipasan na ng gutom ‘tong anak ko!” “ Tay naman eh!” Silang dalawa nalang ng kanyang Tatay ang magkasama sa buhay. At ang kanyang Tiya Flores na matandang dalaga kapatid ito ng kanyang Ama nagta-trabaho ito ngayon sa maynila bilang katulong sa isang mansyon. Dito ito nakatira sa bahay kasama nila dahil wala narin itong ibang kamag anak maliban sa kanila ito narin ang nagpaayos ng bahay nila na ilang ulit narin nasira ng bagyo. Naghahanda na siya para matulog ng marinig niya ang ama na sunog sunog nitong pag-ubu isang buwan narin itong may ubu mawawala tapos babalik. Pinuntahan niya ito agad sa katabing kwarto para tingnan. “ Tay ininom n’yo na po ba ang gamot nyo?” “ Oo Nak! Ohooooo! Pero hindi parin mawala ngayon.Ohooo!Ohooo!Ohooo!” Nakahawak ito sa kamay habang panay parin sa pag-ubu. kita niyang hirap na hirap ito. Nakita niya ang bahid ng dugo sa kamay nito pakatapos ubuhin. “ Tay may dugo!” Napapatitig lang ang kanyang Itay sa kamay nito na may bahid ng dugo. “ Tay kailangan na po kitang dalhin sa ospital. Sandali po at pupuntahan ko si Makoy.” Dinala nila sa bayan ang kanyang Itay at duon ay napag alaman niyang may tuberculosis ang kanyang Ama buti at hindi pa naman sobrang malala ang sakit nito pero kailangan ng anim na buwan na gamutan. Tinitingnan niya ang Ama na ngayon ay nakahiga at mahimbing na natutulog nabigyan na ito ng gamot kaya pansamantalang natigil ang pag-ubu. Dahil sa sobrang pagta-trabaho nito umulan man at umaraw para may makain sila ay nagkasakit na ito. Awang awa siya sa kalagayan ng kanyang Ama. Biglang tumunog ang cellphone niyang hawak , lumang modelo iyon ng Nokia keypad pa ito hindi katulad ng nakikita niya sa mga kapit bahay na ng galing sa maynila touch screen bigay pa ito ng kayang tiya Flores para nakokontak sila agad nito. “ Hello Tiya?” “ Tiray? Nagtext sa’kin si Makoy. Dinala daw ninyo si Domingo sa ospital? Bakit anung nagyari?” Nagaalala ang boses na tanong nito sa kabilang linya. “ May TB po si Itay tiya!” “ Anu? Jusko naman! Bakit nagkaroon ng ganyan si Domingo? Oh anung sabi ng doktor?” “ Kailangan daw po ng anim na buwan na gamutan at malaking halaga ang kailangan.” “ Naubus narin kasi ang naipon ko Tiray, diba pinagawa natin ang bahay diyan para safe naman kayong mag ama kapag malakas ang bagyo at nagpagawa pa ng bagong bangka ang Tatay mo.” “ Opo Tiya alam ko po ‘yon, kaya nga po malaking problema ngayon kung paano ang gamutan ni Tatay.” “ Nangangailangan dito ng katulong kung gusto mo ay ikaw nalang ang irerekomenda ko kay Don Fausto total kilala na naman nila ako kaya papayag iyon na ikaw ang kukunin ko. Ikaw kung gusto mo ditong magtrabaho?” “ Pero sino po ang mag aalaga kay Tatay? Kapag nagtrabaho ako dyan malayo po ang maynila Tiya!” “ Pwede naman natin sya ipagkatiwala sa kaibigan mo’ng si Makoy. Magbibigay nalang tayo sa kanila buwan buwan. Malaki naman ang magiging sahod mo dito para dalawa tayong nagtatrabaho at ng matustusan natin ang mga gamot ni Domingo.” “ Kakausapin ko muna po si Makoy. Pero Tiya kailangan ko po ng pambayad ngayon dito sa ospital, wala po akong naitabing pera ngayon.” “ Sige Tiray padadalhan kita.” “ Maraming salamat po Tiya sa tulong nyo.” “ Wala ‘yon pamilya tayo sino pa ba ang magtutulungan.” *** Tatlong araw silang namalagi sa ospital at pinayagan narin makalabas ang kanyang Ama pero kailangan nilang bumili ng mga gamot para sa TB nito at may monthly check-up para makita kung gumagaling na ang kanyang Tatay. “ Salamat Makoy at pumayag kayo na alagaan si Tatay. Kailangan ko kasi talagang magtrabaho para makabili ako ng mga gamot niya.” “ Wala ‘yon Tiray anu kaba! Hindi na kayo iba sa’min ng tiyo Doming. Kailan ba ang alis mo papuntang maynila? “ Bukas ng gabi kailangan ko narin talaga kasing magtrabaho para kay Tatay at kapag tumunganga ako dito wala kaming kakainin. Maliit din kasi ang padala ni tiya Flores para sa isang buwang na gamot ni Itay at sa buwanan checkup niya.” “ Ganon ba mukang napaaga naman!” “Kailangan eh, baka mawala pa ang trabaho na ibibigay ni tiya.” “Mag-iingat ka don ha. Saka magtetext o tumawag ka palagi samin.” “ Oo naman palagi ko kayong tatawagan. Maraming salamat talaga Makoy.” *** “ Nak! Hindi mo na kailangan pa ang magtrabaho sa maynila.” Nakaupo ito sa gilid ng kanyang pa-pag habang busy siyang naglalagay ng mga damit sa loob ng bag na dadalhin papuntang maynila. “ Tay kailangan po! Kailangan nyo po ng mga gamot para sa sakit ninyo. Kailangan mo po gumaling Tay kayo nalang po ang meron ako at hindi ako papayag na mawala pa kayo sa’kin ng wala akong ginagawa dito, kailangan nyo po magpalakas at magpagaling para sa’kin Tay please?” “ Nag alala kasi ako sayo nak! Maynila iyon at wala ako don para ipagtanggol ka sa masasamang tao.” “ Tay, wag po kayong mag-alala sa’kin. Andon naman po si tiya Flores kasama ko naman po s’ya sa mansyon.” “ Basta lagi kang tatawag ha?” “ Opo Tay, huwag po kayong mag alala sa’kin.” Niyakap siya ng mahigit ng kanyang Tatay Domingo. Matanda narin ito kaya hindi niya na ito papayagan pa na bumalik pa sa pangingisda sa dagat s’ya naman ang magtatrabaho para sa kanyang Ama. “ Makoy ikaw ng bahala kay Tatay ha? Tumawag ka kung may kailangan kayo.” Hindi niya mapigilang hindi tumulo ang kanyang mga luha. “ Huwag kanang umiyak Tiray hindi namin dito pababayaan ang tiyo Doming. Ikaw ang mag-iingat don maynila ‘yon.” “ Salamat talaga Makoy malaking utang na loob namin ito sainyo.” “ Wala iyon Tiray para na tayong isang pamilya dito.” Patuloy ang pagluha niya hindi na siya tumingin pa sa may bintana ng bahay nila kung saan ang kwarto ng kanyang Ama alam niyang nakatingin iyon sa kanya at napaka lungkot. ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
97.1K
bc

His Obsession

read
74.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook