Chapter 2. Gwapo pero masama ang ugali!

1939 Words
Nakarating din  siya ng maynila mausok maingay pero maganda ang syudad. Marami ang naglalakihang building dahil first time niyang makarating dito ay namangha siya sa mga nakikita. Tama nga ang kwento ng tiya Flores niya pati ng mga kapit bahay nila na nagtrabaho dito maganda nga talaga ang maynila. Ilang oras din ang naging byahe niya, maaga siyang umalis sa lugar nila sa probinsya, at palubog  na ang araw ng marating siya dito. Nakita na niya sa malayo ang kanyang tiya Flores ilang minuto din siyang naghintay dito sa terminal. “ Tiya!” masaya niyang salubong dito. “ Tiray kamusta ang byahe?” “ Mabuti po tiya.” “ Mabuti naman at hindi nagkaroon ng problema ang bus na sinasakyan mo.” “ Opo Tiya medyo bago naman po ang bus hindi katulad ng mga bus na nasasakyan nyo noon na laging nasisiraan.” “ Oo nga buti naman at hindi mo na naranasan ang ganon. Nagustohan mo ba ang maynila?” “ Opo Tiya ang ganda pala po talaga ng maynila sa wakas ay nakapunta din po ako dito at hindi nalang puro kwento.” “ Hayaan mo at kapag day off natin ipapasyal kita sa malaking mall dito.” “ Talaga po tiya? Gusto ko po iyan sa wakas makakasyal narin ako dito sa maynila.” Excited na sabi niya. “ Anu ba iyan ibang mga dala mo?” “ Ah, ito po ba may bagoong padala po ng nanay ni Makoy, at mga tuyong isda po.” “ Ang dami naman yata niyan?” “Alam ninyo naman po ang Itay tiya!” “ Halika na maghanap na tayo ng masasakyan. At baka abutan pa tayo ng rush hour dito.” Sumakay sila ng Taxi. “ Bakit po tayo nag taxi tiya? Diba po mahal ang pamasahe?” “Okay lang para makarating agad tayo sa masyon at saka may mga dala tayo mahihirapan tayo mag commute.” “ Okay po.” Nang marating nila ang masyon ay sobra siyang humanga sa napaka gandang bahay ang gara talagang pang mayaman. Sa telebesyon lang siya nakakakita ng ganitong bahay pero ngayon nasa harapan na niya. “ Wow tiya! Dito po kayo nagtatrabaho?” mangha niyang tanong. “ Oo Tiray at dito kana rin magtatrabaho.” “ Ang laki laki po at ang ganda ng mansyon! Hindi po kayo napapagod maglinis dito?” “ Nakakapagod nga,  pero dahil nandito kana ay tatlo na tayong maglilinis dito, pero alam mo ba na si Don Fausto lang ang nakatira dito.” “ Talaga po? Bakit wala po ba syang anak at asawa o kamag anak?” “ Meron syang anak si sir Drake! Pero simula ng mamatay si Donya Hilda ay tumira na iyon sa condo mag isa.” “ Nakakalungkot naman po bakit kaya? Sobra nga nilang yaman pero hindi sila masaya hindi katulad natin sa probinsya na magkakasundo ang pamilya kahit nga kapit bahay ay pamilya ang turing sa isa’t isa.” “ Sobrang higpit din kasi ni Don Fausto, at saka may pagkapasaway din kasi ang anak niyang si sir Drake simula ng mamatay si Donya Hilda.” “ Kawawa naman baka masyadong nalungkot ng mawala ang Nanay niya.” “Ewan ko ba sa batang iyon hindi naman siya ganyan dati! Halika na Tiray tara na sa loob at ipapakilala na kita kay Don Fausto.” *** Pagpasok niya palang sa loob ay namangha na naman siya sa mga mamahaling gamit na nakikita niya. Dahan dahan kumatok ang kanyang tiya Flores sa isang magarang pinto. “ Tuloy.” Dinig niyang sabi sa kabilang pinto. “ Don Fausto, ipapakilala ko lang po ang pamankin ko sya po iyon inirekomenda kong bagong magiging katulong galing po sya sa probinsya namin.” “ Mabait, masipag at mapapagkatiwalaan ba iyan pamankin mo?” “ Ay oo naman po Don Fausto Mabait po si Tiray at totoong mapag kakatiwalaan itong pamankin ko.” Medyo nakakatakot ang muka ni Don Fausto dahil muka itog napaka istrikto. “Hello po Don Fausto.” Magalang niyang bati sa Don. “ Okay turuan mo siya ng mga gawain dito sa mansyon Flores at please ingatan mo ang mga mamahaling porcelain Jar at mga painting na koleksyon ko mahal iyan at hindi kayang bayaran ng sahod mo.” anang Don. “ Opo Don Fausto makakaasa po kayo maingat naman itong pamankin ko.” “ Okay mabuti kung ganon. Pwede na kayong lumabas.” “ Maraming salamat po Don Fausto sa pagtanggap mo sa’kin.” Tumango lang ito sa kanya. “ Tiya mukang nakakatakot naman si Don Fausto.” “ Huwag kang matakot basta ginagawa mo ang trabaho mo at maingat ka lang sa mga gamit na koleksyon nya ay hindi siya magiging mahigpit sayo.” “ Opo tiya hindi ko po sasayangin ang trabahong binigay nyo sa’kin.” “ Tara na don sa maids quarter ipapakilala kita kay Dona isa sa matagal narin katulong dito.” “Kayo lang pong tatlo dito sa masyon ang magkakasama?” “ Ah, hindi may personal body guard driver  si Don Fausto at may  hardinero pa kaming kasama dito bali lima kami lahat dito pang anim ka.” “ Malungkot po siguro ang Don kasi wala syang pamilya na kasama dito?” “ Oo, Pero lagi naman kasing wala iyan dito laging out of town at maraming negosyo inaasekaso.” “ Ganon po ba? kaya pala kailangan dito ng masipag at mapagkakatiwalaan na katulong.” “ Oo hindi basta basta kumukuha ng katulong yan si Don Fausto. Kasi nga madami na ngayon ang masamang tao na gusto lang siyang pagnakawan.” “ Ang hirap din palang maging mayaman no tiya?” “ Sinabi mo pa kaya masayang simpling tao ka lang wala kang kinatatakutan na mananakaw sayo.” “ Andito na pala kayo!” “ Ay Oo Dona si Tiray pamankin ko.” “ Hi Tiray welcome sa Masyon ng Sytangco.” Sytangco pala ang apelyedo ni Don Fausto. “ Hello po! kayo po si Dona?” “ Oo ako nga ikaw pala kinekwento ng tiya mo.” “ Opo.” “ Alam mo puputi ka dito sa maynila lalo na at hindi ka naman dito laging nasa labas.” “ Ay gusto ko po iyan ate Dona para po mabawasan ang mga nang-aasar sa’kin sa lugar namin.” “ Halika kana muna sa kwarto Tiray ng maayos mo na ang mga gamit mo. Maghahanda lang kami ng hapunan nitong si Dona.” “ Okay po tiya.” Ang gara ng kwarto kahit pa nga Maids quarter ito dalawang double deck ang higaan dito sa kwarto nila sa taas nalang ang bakante kaya ito na ang magiging higaan niya sa baba ang kanyang tiya Flores. Nang matapos na siyang mailigpit ng kanyang mga gamit ay naligo muna siya bago lumabas para tumulong sa paghanda ng hapunan. Napansin niyang maraming niluto ang tiya Flores at ate Dona niya pero si Don Fausto lang naman ang kakain. “ Tiya may bisita po ba ang don?” “ Wala Tiray, nagsasabi iyan kapag may darati siyang mga bisita.”  “Ang Ibig nyo pong sabihin ganito po kayo lagi maghanda ng pagkain?” “ O-o kailangan ay maraming pagpiliian ang Don sa mga ulam.” “ Ay napakasosyal talagang maging mayaman. Saatin ay ilang araw na nating ulam iyan ang ganyan karami.” “ O-o ganito talaga hindi pwede isang ulam lang.” Nakita niya ang malalaking hipon at grilled na isda , grilled pork at may vegetable salad pa. At ang kulay ng kanin black rice. “ Nakaka gutom naman po tiya.” “ Pakatapos niyang kumain ay saka tayo makakain. Huwag kang mag-alala ang kunti lang kumain ni Don Fausto matitikman mo din lahat ng ‘yan.” “ Talaga po?” “ Oo. Kahit istrikto siya ay hindi naman madamot sa pagkain lahat ng pagkain na inihanda ay pwede na natin kainin.”  “ Swerte naman po pala ninyo dito dahil mag isa lang si Don Fausto.” “ O-o. kaya pagbutihin mo ang trabaho mo para hindi ka mapaalis dito ha?” “ Opo tiya.” Habang naglilinis siya ng malaking glass window sa labas malapit sa may main door ay may pumasok na lalaki nakasuot ito ng itim na jacket at itim na pantalon at naka sombrerong din na kulay itim. Hindi niya  ito kilala kaya agad siyang humarang sa daraanan nito. Siguro ay nakabukas ang gate at nakapasok ito agad ng hindi nila namalayan. “ Hoy Sino ka? Magnanakaw ka siguro no? bakit basta basta ka nalang pumapasok dito?” Hindi ito umimik diretso lang ito sa papasok ng main door. “ Hoy bawal kang pumasok dito sabi!” Hinarang niya ang buong katawan para hindi ito makapasok sa loob ng mansyon. “ Miss hindi mo ba ako kilala?”iritabling tanong nito. “ Hindi bakit sino ka ba? Ganyan ang bagong mudos nyo hindi ibig sabihin na bagong salta lang ako dito sa maynila ay mauuto n’yo na ako!” Pasigaw niyang sabi at dinuro pa niya ang lalaking kaharap. “ Miss umalis ka sa daraanan ko kung ayaw mo bumalik ka sa pinang galingan mo!” “ Hoy kung sino ka man wala akong paki sayo! Hindi mo ako mauuto!” “ Miss I said you get out of my way!” “ At talagang may pa english english kapa! Ako ang mamalagot kapag pumasok ka dito.” “ I will count one to three if you don’t get out of my way, you’re fire!” “ Wala akong pakialam sayo!May pa english english kapang nalalaman! Dahil alam ko na may nanakawin ka sa loob ng mansyon at alam kong masamang tao ka! Hindi mo ako maluluko Anak yata ‘to ni Doming!” tinaas pa niya ang manggas ng damit na animoy handa ng makipag bogbogan sa lalaking kaharap. “ I don’t believe this happening! Hindi mo ba talaga ako kilala? Saang  bang probinsya ka nang galing?” “ Sa probinsya kung saan hindi basta basta maloloko ang mga tao! Kung ako sayo umalis kana bago pa ako tumawag ng pulis! Mabait pa ako niyan sayo!” “ Miss are you on drugs? Kung magnanakaw ako ay hindi ako sa main door papasok!” “ Malay ko ba baka bagong modus n’yo yan!” “ I’m Drake Sytangco! Where is Flores?” “ At alam mo pa talaga ang pangalan ng anak ng  amo namin? At ng tiya ko! Magaling ka magnanakaw pero hindi mo ako mauuto!”  “ O-o dahil ako nga si Drake!” “ Hindi hindi ka pa rin makakasok dito kahit anung mangyari!” “ Unbelievable!” Galit na ito at iritable. “ Hindi talaga ako na niniwala na anak ka ng amo ko!” “ Tiray tapos kana ba diyan?” tanong ng tiya Flores niya habang palapit ito sa kinatatayuan niya. “ Tiya buti po andito kayo may mama’ po na gustong pumasok sa mansion at sabi nya pa ay anak siya ni Don Fausto!” “ Ay sir Drake! Kayo po pala.” “ Flores sino ba ‘to? Kanina pa ako ayaw papasokin.” “ Sorry sir bago palang po kasi siya dito, pasensya na po kayo!” Nanlaki ang kanyang mga mata at hindi siya nakakilos agad napatunganga siya sa lalaking kaharap bakit kasi nakasuot ito ng itm na jacket? napagkamalan tuloy niya itong masamang tao. Inalis nito ang suot na salamin at sombrerong itim. Nakita niya ang magagandang mga mata nito na may mahahabang pilik mata, at malalagong kilay ngayon lang siya nakakita ng ganito ka gwapong lalake sa buong buhay niya. Para itong artista sa teleserye na pinapanood niya matagal siyang nakatitig dito.                          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD