Chapter 3. Si Tiray ang bagong Maid ni Drake?

1713 Words
Bigla siya nitong pinandilatan ng mapansin nito ang matagal na titig niya, agad niyang binawi ang tingin masyado ata siyang nag enjoy sa napaka-gwapong muka nito. “ Naku sir Drake pasensya na po talaga kayo! Hindi ko pa po kasi kayo kilala talaga! at sa picture ko lang po kayo nakita.” “ Diba I told you? Kapag hindi mo ako pinapasok  you’re fire!” “ Naku sir huwag naman po ginagawa ko lang po ang trabaho ko sir!” “ Bakit kailan ka pa naging security guard dito sa mansyon aber?” “ Pasensya na sir ako po ang nagsabi sa kanya na huwag magpapasok ng kong sino lalo na kapag hindi niya kilala.” Hindi magkanda ugaga na paliwanag ng tiya niya. “ Okay fine! pagbibigyan kita ngayon but next time na gawin mo ulit sa’kin ‘to! mag balot balot kana at umuwi kana ng probinsya kung saan ka galing! Maliwanag?” “ Opo sir! Pasensya na po talaga kayo.” “ Flores asan si Pa’pah?” “ Wala po sya ngayon sir umalis.” “ May idea ba kayo kung saan siya pumunta?” “ Wala po sir eh.” “ Ganon ba?! never mind I will call his secretary!” Ang gwapo naman nito kaya lang antipatiko. Tinitinganan niya ito habang nag de-dial ng telepono. “ Tiray halika nga!” mahinang sabi nito at dinala siya sa may kusina. “ Sandali po tiya.” “ Bakit hindi mo naman pinapasok si sir Drake kanina?” “ Eh kasi po hindi ko s’ya namukhaan agad katulad ng nasa picture sa sala nakasuot ba naman kasi siya ng Jacket na itim tapos naka sombrero at naka salamin pa!” “ Buti at hindi nagalit sayo ng sobra!” “ Oo nga po. Buti nalang! Mabait parin si sir Drake.” “ Naku huwag ka palaging naglalayas o pinapalayas niya ang mga maids na pinapadala namin sa condo niya.” “ Talaga po?” “ O-o kaya buti kanina ay hindi niya sineryoso ang sinabi niya sayo.” “ Naku po buti nalang pala talaga!” “ Kaya next time mag-iingat ka kapag nandito siya sa mansyon.” “ Opo tiya!” “ Sumilip siya sa may pintuan sa likod ng kusina paalis na ito nakita niyang sumakay ito sa magarang  motor.” “ Bakit po naka motor si sir Drake?” “ Mahilig kasi iyan magmotor si sir Drake malamang ay nakipag karera na naman iyan sa mga kaibigan niya.” “ Ganon po ba? Ganyan siguro talaga ang mayayaman no tiya? Puro kasiyahan lang ang alam gawin. Sa atin sa probinsya puro pagtatrabaho ang alam natin gawin kailangan natin magtrabaho para may makain kundi ka kikilos mamatay ka sa gutom.” “ Oo lalo na iyan si sir Drake puro pagbabarkada ang alam gawin. Samantalang si Don Fausto ang ama niya ay napaka workaholic naman. Hindi naman ganyan si sir Drake simula lang ng mamatay si Donya Hilda ay nag-iba na ang ugali syempre nakita ko kung panu sya lumaki mabait na bata s’ya noon.” “ Kawawa naman pala siya. Siguro ay sobrang mahal niya ang nanay niya kaya sya nagkakaganyan?” “ Sobrang close niya kay Donya Hilda ng nabubuhay pa.” “ Kawawa naman baka kailangan niya lang ng pagmamahal ng ina.” “ Si Don Fausto kasi  ay may kasalanan din walang alam gawin yan kundi ang magpayaman hindi niya nabigyan ng pansin ang nagiisa niyang anak.” “ Masarap maging mayaman dahil mabibili mo lahat ng material na bagay! pero hindi naman close sa pamilya. Okay lang ako na ganitong mahirap nalang basta close kami ni Itay!” “ Tama ka!”   *** Day off nila ng kayang tiya Flores nag request ito na sabay silang mag off ngayon para samahan siya mamasyal nito buti naman at pumayag si Dona dahil sanay naman ito sa maraming gawain sa mansion at saktong  wala naman si Don Fausto. Namangha siya ng dalhin siya ng tiya Flores sa Mall of Asia. Sobrang laki nito magsisimula palang nga sila na libutin ang mga store ay pagod at nagutom na agad siya. “ Nakakapagod din pala tiya pag ganito kalaking mall ang lalakarin natin. Sa probinsya natin ang mall doon ay parang isang store lang ng MOA.” “ Tama ka sa tinagal tagal ko dito ay hindi ko pa napapasok ang maraming store dito.” “ Ang daming magagandang damit. Kasu sobrang mamahal naman. At saka hindi bagay sa’kin sa magagandang babae lang iyan nababagay.” “ Anu ka ba Tiray huwag ka ngang ganyan sa sarili mo. Maganda ka mag ayos kalang hayaan mo kapag sumeweldo kana bumili ka ng mga pampaganda.” “ Tiya naman kayo lang naman po ang nagsasabi na maganda ako!” “ Maganda ka nga Tiray kapag naaayos ka ay siguradong maganda ka! napaka bait mo pang bata.” “ Talagang tiya ko po kayo!” “ Wala kana bang balak mag aral ng koleheyo?” “ Naku tiya imbis na mag aral ako ay magtatrabaho nalang po ako. Parihas lang din naman po at saka kailangan ni tatay ngayon ng pang gamot niya.” “ Sayang naman kasi Tiray matalino kang bata. Baka ikaw ang mag ahon sa tatay mo sa kahirapan pagdating ng panahon kapag nakapag tapos ka ng pag-aaral mo. At saka hindi kana magtatrabaho bilang katulong o pagtitinda ng isda habang buhay.” “ Wala naman po masama sa pagiging katulong diba tiya? Marangal naman po na trabaho, kayo nga po ang dami ninyong natulong samin ni Itay.” “ Oo nga pero iba parin ang nakapag tapos ng pag aaral Tiray at may magandang trabaho.” “ Basta po ang inaalala ko lang sa ngayon ay si Itay ang gumaling siya sa sakit niya.” “ Napakabait mong bata Tiray siguradong pagpapalain ka ng maykapal balang araw.” “ Ginagawa ko lang po ito para sa pamilya.” Nang makauwi sila sa mansyon ay agad ibinalita sa kanila ni Dona na tumawag ang katulong ni sir Drake kanina. At umalis na ito sa condo ng binata hindi na raw nito kaya pang tiisin ang masamang ugali ni Drake. “ Flores pano ba iyan? umuwi na ng probinsya namin si Gina. Hindi na raw niya nakayanan ang turing sa kanya ni sir Drake.” “ Saan na naman tayo maghahanap nito ng bagong katulong ? Siguradong aalis at aalis lang din ang ipapadala natin sa kanya.” “ Hindi narin ako makakahanap pa niyan sa probinsya namin alam mo na naka anim na akong rekomenda kay Don, at sa kwento ng mga dating maids ni Drake ay siguradong wala ng mag apply bilang katulong sa lugar namin.” “ Malaking problema nga ito siguradong tayo ang kukulitin ni Don Fausto na maghanap ng bagong maids ni sir Drake.” “ Bakit kaya hindi nalang si Tiray ang maging maids ni sir Drake?” Kasulukuyan siyang umiinom ng orange juice ng marinig niya ang sabi ni Dona. Muntikan pa siyang masamid sa sinabi nito. “ Bakit ako ate Dona? May galit kaba sa’kin?” “ Wala alam ko naman na matiyaga kang bata at makakayanan mo ang masamang ugali ni sir Drake.” “ Sabi nyo ay laging umaalis ang mga katulong don bakit naman ako pa? Kailangan ko ng trabaho para sa tatay ko. Alam nyo naman na kailangan ko ang trabaho na ‘to!” “ Kaya nga Tiray kaya mong tiisin lahat lahat para sa tatay mo diba?” “ Tiya! Huwag naman po parang awa nyo na!” “ Naisip ko narin nyan kanina Dona. Kayang kaya ni Tiray ang ugali ni sir Drake.” “ Tiya huwag po kayong pumayag na ipadala ako bilang maid ni sir Drake!  Lahat ng gawain dito sa mansyon  ako na po ang gagawa kahit ang pamamalengke ay gagawin ko basta po huwag lang po ninyo akong ipapadala kay si Drake.” “ Tiray makinig ka! Kilala ko ang ugali ni sir Drake. Masakit siyang magsalita pero huwag ka nalang kikibo at umiwas ka kapag alam mo na maiinit ang ulo niya. Alam ko naman na kaya mo yan para sa pamilya diba?” “ Tiya ayoko po na mahiwalay sainyo. Ang alam ni Tatay ay magkasama lang po tayong dalawa kaya pumayag siya na pumunta ako dito.” “ Huwag ka ng mag alala ako ng bahala magsabi ki Domingo. Alam kong papayag din sya.” “ Tiya sigurado po ba kayo? Pamankin n’yo po ako sariling dugo huwag n’yo naman po akong ilagay sa kapahamakan!” “ Tiray lagi akong tatawag sayo magbibigay ako lagi ng advice sayo! Huwag kang mag alala parang lagi mo lang akong kasama.” “ Pero tiya naman!” “ Tiray para sa pamilya diba?” “ Opo tiya!” Sumenyas si Dona kay Flores na nandito na si Don Fausto at pinapatawag siya nito. “ Alam kong kakausapin niya ako tungkol dito.” Kinakabahan siya sa resulta ng pag-uusap ng tiya niya at ni Don Fausto. Hindi niya mapigilan hindi maluha habang hinihiwa niya ang sibuyas na isasahog sa luluting pork steak. “ Bakit ang tagal nilang mag usap ate Dona?” “ Baka kasi nag kwento na naman ng saloobin si Don Fausto tungkol sa anak nitong si sir Drake. Nakakaawa nga eh, wala siyang ibang mapag kwentohan ng tungkol sa kanyang personal na problema lalo na ang tungkol sa anak niya! Dahil wala na siyang ibang pamilya. Alam mo naman ang tingin sa kanya ng mga tao ay malakas at perpekto pero sa likod niyon ay may problema ito sa nag-iisang anak nito.” “ Sana huwag nalang bigyan ng katulong yang si sir Drake kung ganon.” “ Pero alam mo kahit ganon ang ugali ni sir Drake ay hindi parin ito matiis ni Don Fausto ayaw nitong walang nag aasekaso sa anak nito.” “ Bakit kasi hindi nalang siya tumira dito kasama ang ama niya?” “ Simula kasi ng mamatay si Donya Hilda ay nag-iba na ang ugali ni sir Drake. Hindi siya dito nagtatagal sa mansyon na para bang magkakasakit siya kapag matagal siyang nag stay dito, umaalis lang din agad.” Dasal nalang niya na mag-iba ang ihip ng hangin at hindi mangyari na siya ang ipadala bilang maid ng Drake na iyon…                                  

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD