Humarap ako sa kaniya at inabot ang labi niya na parang hahalikan siya, ngunit huminto ako nang ibuka rin niya ang bibig niya at lumayo. "Tara na at kakain pa tayo ng hapunan." Aya ko sa kaniya at nagsimulang maglakad palabas, pinigilang mapahagikgik nang marinig na frustrated na siya. O mas tamang sabihin na sexually frustrated? Parang ako. Napapabuntong-hiningang sabi ko sa isipan ko at pinalis muna ito sa aking isipan nang makasama ang iba. Buong oras na magkatabi kami ni Lucas ay halos idikit na niya ang sarili sa akin. Maya't-maya ring nakahawak sa likod ko, baywang o balakang ko. Ilang beses ko na rin siyang pasimpleng sinaway dahil ayokong magpakita ng PDA sa harap ng mga kapatid ko, lalo na sa mga batang walang muwang. At nang matapos kumain ay halos hilahin na niya ako pabalik

