Youth Camp
Ako si Ali, isa akong youth member ng parokya namin. Kami ay dumayo sa city para sa youth camp ngayong taon.
Nabalitaan kong nakauwi na pala ang aking mga magulang galing Manila. Hindi kasi ako nakapag-paalam ng personal kasi wala sila ng umalis ako. Nais ko sanang tawagan ang nanay ko subalit wala ng load ang cellphone ko. Kaya't manghihiram ako sa youth member ko or sa youth leader namin.
"Ate Rosie, may load ba ang cellphone, manghiram sana ako, tatawag sana ako sa bahay."
"Ay wala Ali. Try mong tanungin si brother Lemon baka mayroon siya. "
"Ah sige ate hanapin ko si kuya Lemon."
Si kuya Lemon, isang seminarista sa aming parokya, fresh from Manila. Doon kasi siya nag-aaral ng pagpapari. Bakasyon nila ngayon kaya nakasali siya sa youth camp dito sa city sa lugar namin. Kuya ang tawag ko sa kanya kasi naging student siya ng nanay ko noong highschool siya. Palagi akong sumasama kasi sa nanay ko kapag papasok na siya kapag wala na kaming pasok sa school sa elementary noon. Kaya imbes na Brother Lemon, kuya Lemon ang tawag ko sa kanya.
"Kuya Lemon, baka pwede akong makigamit ng cellphone mo, tatawag lang sana ako sa bahay."
"Oh Ali, eh wala akong load para sa call, for text lang yung naload ko kanina. "
"Ay ganun ba kuya hmm, sige makikitext na lang ako."
Iniabot na sa akin ni kuya ang cellphone niya. Nagtipa na ako ng message sa nanay ko.
'Nanay, pakipadalhan ako ng panties at ng allowance kasi wala akong dala dito.'
Send ko agad kay nanay at siniguradong naidelete ko kasi nakakahiya kay kuya Lemon kung sakaling mabasa ang text ko kay nanay.
"Oh kuya Lemon, salamat ha. Kung sakaling magreply pakisabihan ako ha. Salamat kuya."
Tango lang ang sagot ni kuya Lemon sa akin. Minsan talaga ganyan iyan. Hindi nagsasalita, tatango tango na lang.
"Aliiiiii, maghanda na tayo para sa procession, tayo ang hahawak ng banner natin kelangan maghanda na tayo."
"Sige ate Rose, change lang ako ng pants po."
First day kasi ngayon ng youth camp kaya bago magmass, may procession muna. Pumunta na kami sa plaza kasi doon magstart ang procession. Sobrang kay gandang pagmasdan kasi ang daming mga gwapo hehe. Syempre joke, si Lord talaga ang pinunta namin dito. Opo Lord.
Nang matapos na ang procession, magsisimula na ang mass. Medyo busy na ang karamihan, lalo na si kuya Lemon kasi sila kasi ang magseserve sa mass.
"Ali, nagtext na pala ang nanay mo." Sabay abot ni kuya ng kanyang cellphone. At pagtingin ko sa cellphone nakitang kong nakaopen na ang message ng nanay ko.
"Kuyaaaa, bakit naman inopen mo na ang message ng nanay? Tsk. "
"Hindi ko kasi alam kung sino ang nagtetext hangga't hindi inoopen eh."
Ang text lang naman ni nanay:
'Sige naipadala ko na yung panties at allowance mo'
Sino ba namang hindi mahihiya kung ganyan ang reply na mababasa mo at naunahan ka pang magbasa? at si kuya Lemon pa talaga tsk. Mahilig kasing mang-asar si kuya Lemon. Super pa sa super.
Nang nakapagreply na ako ng salamat kay nanay, chineck ko ng maayos kung nadelete ko talaga. Panay na ang tawa ni kuya Lemon sa akin.
"Nakaya mong pumunta ng city na wala man lang dalang panty? Haha.." tawang tawang sabi niya pa.
"Mayroon akong dala, maliit lang kaya nagpadala ako hmp!"
Umalis siyang tawang tawa pa rin sa text ng nanay ko. Hays bakit naman kasi ganoon pa ang naireply ng nanay kasi. Palagi na akong aasarin ni kuya niyan.