CHAPTER 6

1178 Words
Naka uwi na ako sa bahay at hindi ko na hinintay pa si Psalm , bahala siya sa buhay niya. Kahit crush ko siya noh, hindi naman ako yung tipong babae na mag papansin sa crush niya. Nag babasa ako ng notes ko ng biglang tumunog cellphone ko. Tiningnan ko iyon at kay Psalm lang pala. From: Psalm crush ko Hindi mo ako hinintay kanina? Aba. May emoji pang nalalaman ang gagong to. Pero okay lang yan crush naman kita eh.. At bakit Psalm crush ko ang name niya? Nalala ko nga pala ang mga kaibigan ko naman ang gumawa nito.. mga bwesit talsga sila kung ano-ano na lang ang reply nila kanina kay Psalm. To: Psalm crush ko And then? Hindi naman kita boyfriend. Crush lang kaya kita.???? Nang na send ko na iyon sa kanya nag reply agad siya. Aba! Tong lalaki to ang bilis mag reply ah. From: Psalm crush ko Tapos sabi mo kanina sa text mo, hihintayin mo ako. And then when I go to your classroom, wala ka na daw don.??? Binasa ko iyon at tumunog ulit cellphone ko. Ang bilis naman mag reply nito. From: Psalm crush ko Bakit boyfriend lang ba ang pwedeng hintayin o di kaya'y sabay umuwi?? Galit na ata to. Hahahahaha nakakatawa siya. Nag reply agad ako s kanya. To: Psalm crush ko Galit kana niyan? Para sa akin Oo, ano naman paki mo?.? Nang na send ko na iyon ay nag reply ulit siya, pero hindi ko na binuksan at nag pa tuloy na lang ako sa pag babasa ng mga notes ko. Pababa na ako ng hagdan ng marinig ko ang boses niya kina kausap si mama. Ano naman kaya ang ginagawa niya dito?. Pinag patuloy ko ang pag baba ng hagdan at na datnan ko siyang naka upo sa sofa kasama si mama. Pag nandito siya sa bahay hindi ako pina pansin ni mama. Kaya nag salita na lang ako para mapansin nila. " Ma. Ano ulam natin?" Nilingon ako nilang dalawa. " Tingnan mo sa kusina Indie! May kausap pa ako dito." At bumaling ulit kay Psalm. " Ano nga ulit iyon Psalm?" Umirap ako at nakita iyon ni Psalm. Bahala siya kung nakita niya ang pag irap ko. Umalis ako sa harapan nila at pumunta na ng kusina. "Hmmm... Mukhang masarap to ah." Kumuha na ako ng pinggan at nilagyan iyon ng kanin at umupo na. Naka dalawang subo palang ako ay pumasok na sila at si mama naman ay pina galitan na naman ako. " Hoy Indie!! Bakit ka kumain na? Ha!" " Diba ma. Tinanong kita kung ano ulam natin at kumain na lang ako kasi na gugutom na ako ma." Saad ko sa kanya. Narinig kung tumawa si Psalm at agad ko naman siyang binalingan at binigyan ng masamanag tingin. " Dito na mag kakain si Psalm. Kaya umayos ka dyan. Psalm, umupo ka na dito." Pang anyaya niya kay Psalm. Umupo naman ang gago at naka ngiti sa akin. Inirapan ko na lang siya. Nag simula na kaming kumaing tatlo. "Tita ang sarap naman ng luto niyo." Saad ni Psalm kay mama at si mama naman ay ngumiti sa kanya at nilagyan pa ulit ng kanin at ulam ang pinggan niya. " Masarap talaga akong mag luto Psalm kaya kumain ka pa." Si mama na pinipraise ang sarili. Tiningnan ko lang silang dalawa. Parang sila yung mag ina ah! Galit kung saad sa sarili ko. Kaya binilisan ko ang pag kain at napansin iyon ni Psalm kaya tiningnan niya ako. Tiningnan ko rin siya na naka taas ang isang kilay ko. Tumawa lang siya at bumalik ulit sa pag kain. "Mabulunan ka sana!" Sabi ko sa kanya at na rinig yon ni mama. " Ano yung sinasabi mo Indie?" Tanong ni mama sa akin. " Ah- wala ma." Tumango siya at nag patuloy nalang dina ako sa pag kain. Pag katapos naming kumain ay nag paalam na si Psalm kay mama. Nag patuloy lang ako sa pag liligpit ng mag pinggan. Hmp! Pag katapos kumain aalis agad, hindi man lang ako tinulungan sa pag liligpit! Na kikikain lang naman!!. Saad ko sa sarili. "Thank you very much for the dinner tita. Youre really a good cooked." Dinig kung sabi ni Psalm. " Naku. Welcome na welcome kang kumain dito Psalm. At thank you na rin." Si mama na parang teen ager na kinikilig. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit biglang naging feeling close sa akin si Psalm?. "Siguro pinag pustahan ako nila bah na pa ibigin ako kay Psalm at kung nahulog na ako sa kanya tsaka na nila aaminin na pustuhan lang ang lahat yung parang nasa libro tapos hindi alam ng mga barkada ni Psalm na nainlove na pala si Psalm sa akin." Haist!! Ano ba itong iniisip ko. Parang tanga lang.. Pinag patuloy ko ang pag huhugas ng pinggan ng bigla akong tawagin ni mama. " Indie. Ihatid mo na si Psalm sa labas, ako na dyan." Bawi ni mama sa pinggan na nasa kamay ko. Natulala lang ako at naka titig sa kanya. Oh my god. Mama ko to? As in? "Sige na anak. Ihatid mo mona siya." Wala na akong maggawa kaya lumabas na lang ako ng kusina. Nadatnan ko si Psalm na naka upo sa sofa. Aba hinintay talaga ako ng lalaking to! Naramdaman niya siguro ako kaya umangat yung tingin niya at pinatay cellphone niya. " Let's go?" Tumayo siya at lumapit sa akin. Nakatayo kasi ako malayo ng kunti sa kanya. Kaya nilapitan niya ako. " Iwan ko sayong lalaki ka!! Mag papahatid ka pa talaga!!" Tumawa lang siya at pa dabog naman akong nag lalakad pa puntang labas. " Miss naman. Hindi mo ba akong pwedeng ihatid?" Malambing niyang tanong sa akin. " Heh!! Tigilan mo nga ako sa miss miss na yan. Atsaka diba sabi ko sayo na ang lapit lang ng bahay mo! Mag katabi nga lang tayo ng bahay tapos mag papa hatid ka pa!!" Singhal ko sa kanya at tumawa lang siya. Shit lang ha. Pati pag tawa niya gustong gusto ko. Ang landi mo Indie! Ha! Isa! " Im sorry okay. Sige na. Pumasok ka na, baka ano pang mangyari sayo sa labas. Gabi na." Saad niya. " Yun naman pala eh. Bakit pa gusto mong hinahatid kita?" Ngumiwi ako sa kanya at umirap. " Para hindi kita ma miss, atsaka maka tulog ako ng maayos dahil na kita na kita." Pumula ang pisngi ko sa sinabi niya. Bwisit na lalaki to! Marupok pa naman ako. " Ang corny mo alam mo ba yun?" Tumawa ulit siya. " Atleast gusto mo parin. Di ba? Ngumuso ako at umirap na lang. Tumalikod na ako sa kanya at narinig ko parin ang tawa niya. Mabilis akong nag lakad at pumasok na sa loob, isinarado ko na sana ang pintuan ng nakita ko parin siya na nakatayo sat kumaway pa sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya at tinuluyan ng sinarado ang pinto.... Note: Thank you for reading guys. Comment and vote guys thank you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD